Ika-49 Kabanata

41K 608 97
                                    

Nagpaplano kami nila Daniel at Heaven para sa gagawin naming project sa English 102 subject namin ng biglang,

"Aika!"

Napatigil kami at sabay-sabay na napalingon sa basta-basta nalang pumasok sa classroom namin na si Aries. Buti nalang at wala pa kaming professor.

"A-Aries? What are you doing here?" Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya, habang siya naman ay napakaseryoso ng mukha habang nakatingin sa akin at nakatayo sa harapan ko.

Nasa kanya na ang atensyon ng iba kong kaklase na kanina lang ay nagkakagulo. Ang mga babae ay punung-puno ng pagnanasa ang mga ipinupukol na tingin sa kanya, kahit na simple lang ang suot niya. Checkered polo shirt na naka bukas ang isang butones, black skinny jeans at puting rubber shoes. Damn! Aries Lagdameo, kahit basahan lang yata ang isuot mo ay napaka-hot mo parin tignan.

"What's your problem? Are you avoiding me? After we celebrated new year together, you started acting strange. What did I do? Can we talk about it?" Ginulo niya ang buhok niya habang lukot ang kanyang mukha dahil sa frustration.

"Can we just talk later? May ginagawa pa kasi kami."

"It's okay, Aika. Talk to him now." Ani Daniel.

"Pero malapit narin magsimula ang klase. Sige na Aries, mamaya nalang." Pantataboy ko sa kanya.

Nag igting ang kanyang mga panga at napabuga siya ng malalim na hininga.

"Fine!" Pagsuko niya. "The fvck!" Narinig ko pang sabi niya ng tumalikod siya.

Napakunot naman ang noo ko. "Minumura mo ko?"

Lumingon naman siya sa akin habang nakangiti. "No babe, it's just an expression." At nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad palabas ng classroom namin.

Napabuntung-hininga nalang ako pag-alis niya. Eto namang mga kaibigan kong nasa harap ko ay mga nakatingin sa akin ng hindi maganda. Nakataas ang kilay ni Daniel, habang si Heaven naman ay nakakunot ang noo.

"Ano yon? LQ kayo?" Tanong ni Daniel.

"Hindi ha. May pinag-uusapan nga kasi tayo diba? Mahalaga 'tong project natin. Nakasalalay ang grade natin dito kaya dapat mapagplanuhan natin 'to ng maayos."

"Pero sana kinausap mo man lang siya kahit sandali. Mahalaga din naman siya sayo diba? Pwede naman natin ipagpatuloy sa vacant 'to e, o baka naman may problema talaga, Aika?" ani Heaven.

"Wala." Umiiling kong sagot habang mapait silang nginingitian.

"Wala talaga? Yung totoo!" Nilapit pa ni Daniel ang mukha niya sa'kin.

Pinilit ko namang magtawa. "Wala nga. Kayo talaga kung anu-anong iniisip niyo, saan na nga ba tayo?"

Nang dumating ang vacant time namin ay inaya ko sina Heaven na sa library na namin ituloy ang pagpaplano ng gagawin naming project. Pumayag naman sila pero habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin si Aries.

"Sige, Aika. Hintayin ka nalang namin sa library." Paalam ni Heaven at nagmamadali na niyang hinila si Daniel.

"It's time for talk." ani Aries na walang makikitang expression sa mukha.

Hinila niya ang kamay ko at ipinasok niya ako sa music room na ngayon ay walang gumagamit. Ni-lock niya ang pinto at isinandal niya ako don, itinukod niya pa ang isa niyang kamay sa pintuan na para bang ikinukulong niya ako.

Eto na naman ang naghuhuramentado kong puso at nanlalambot kong mga tuhod dahil tinititigan na naman niya ako ng napakaseryoso.

"Anong problema natin, Aika?" aniya. Naamoy ko pa nga ang amoy candy niyang hininga dahil sa lapit ng mukha niya sa akin, medyo naka bend kasi ang katawan niya para magkatapat ang mukha naming dalawa.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon