Ika-2 Kabanata

84.6K 1.2K 96
                                    

Buong byahe na puro kulitan at asaran ang ginawa nila Neil, Elf, Harizel at Daren. Mga walang kapaguran. Tinignan ko ang wrist watch ko. Mag-aalas nuebe na ng umaga. Alas kwatro kasi kami ng madaling araw umalis.

"We're here." ani Aries.

Napatingin kaming lahat sa nag-iisang bahay na nakatayo sa malawak na field. Halos limang oras din kaming bumyahe, kaya pala ang sakit ng pwet ko, parang namanhid pa nga.

Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay ay napapahanga ako dito. It's a huge modern colonial house. Ito ang resthouse nila Aries?

"Welcome to Lagdameo's ranch." nakangiting sabi ni Aries kasunod ng pagbusina niya. Sa tapat ng kanilang rest house sa bandang gitna ay may malaking fountain, sa gitna ng fountain ay may estatwa ng isang lalaking nakasakay sa kabayo. Kamukha ni Aries yung estatwa. Napangiti tuloy ako. Siya kaya yon?

Pagkatapos magpark ni Aries. Excited na nagsibaba kaming lahat sa sasakyan. Bumaba narin ng kotse ni kuya Wade sina kuya Hiro.

"Sino yan?" tanong ko kay Aries habang nakatingin doon sa estatwa.

"Don. Protacio Alejandro Griego, Lagdameo the second. My grandpa. Noong kabataan niya pa yung itsura niya dyan." nakangiti nitong sagot habang nakatingala at nakatingin sa estatwa.

Kamukhang-kamukha ni Aries ang lolo niya noong kabataan nito. Siguro marami ding babae ang nahuhumaling sa lolo niya noon.

"Dude, may pool ba kayo dito? Gusto ko magpalamig. Damn it's so hot!" ani Wein na pinapagpag ang t-shirt na suot-suot niya at umiihip.

Ipinatong naman ni Daren ang isa niyang kamay sa balikat ni Wein. "Sorry for my too much hotness, dude. Can't control it." mayabang nitong sabi habang nakangisi.

Ipinaikot ni Wein ang eyeballs niya kay Daren. "Want me to cut your freaking curl hair? and remove your fvcking mustache and beard, huh?"

"Why? Insecure?"

"In your dreams!"

Tinawanan ni Daren si Wein. Alam naman kasi niyang hindi gagawin ni Wein yon. Alam ni Wein kung gaano kamahal ni Daren ang bigote at balbas niya, pati ang buhok niyang kulot. It's his asset.
Palihim ngang sinabi sa akin ni Heaven kanina na mukha daw mabaho si Daren dahil sa mustache at beard nito, samahan pa ng humahaba na niyang buhok na kulot. Pero nung katabi daw niya si Daren ay ang bango-bango daw nito. Lalaking-lalaki ang amoy at inamin din ni Heaven na hot ito.

Sabagay, bagay naman kasi sa kanya ang mabuhok niyang mukha. Samahan pa ng brown skin niya at magandang katawan. Yeah I admit it, he's hot. But for me and to others...si Aries ang pinaka hot.

"May pool sa likod. We'll go there after we eat." ani Aries.

"You hungry, Aika?" tanong sa akin ni Aries. Habang nakatitig siya sa akin.

"Hindi pa naman. Nabusog ako sa masarap na sandwich na ipinabaon ni manang Celia sa atin e."

"Aries!!"

Napalingon kami bigla sa matandang babaeng lumabas ng bahay at nagmamadaling naglakad palapit sa direksyon namin.

"Manang Delfa!" Sinalubong ni Aries ang tinawag niyang manang Delfa, at ng magkalapit sila ay mahigpit na nagyakapan ang dalawa. Hinalik-halikan pa ni Aries ang matandang babae. Hinawakan naman nito ang mukha ni Aries.

"Mabuti nalang at napasyal ka ulit. Apat na taon ka din na di napadpad dito. Lalo kang gumwapo at naging macho hijo!" bakas sa mga mata at ngiti ng matandang babae ang pananabik at tuwa nitong makita si Aries.

"I've missed you, manang Delfa." malambing na sabi ni Aries kasunod ng pag-akbay niya dito.

Isa-isa kaming pinakilala ni Aries kay Manang Delfa. Panay nga ang bigay sa amin ng compliment nito. Ang gaganda't ang gagwapo daw namin. Pati nga si Daniel nasabihan niyang gwapo.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon