Ika-14 Kabanata

47.7K 834 128
                                    

Tahimik kaming nakaupo ni Hazel sa backseat ng fortuner ni Harizel, habang si Harizel naman ay seryosong nagdadrive. Hindi na naman ako nasundo ng driver namin dahil coding si daddy ngayon at si daddy ang sinundo nito. Ang bilin ni daddy ay sumabay ako kanila kuya pero ang sabi ko naman kanila kuya ay sasabay nalang ako sa mga kaibigan ko para hindi na sila maghintay ni ate ng ilang oras. Mas maaga kasi ang uwian nilang dalawa pag ganitong araw.

Dati kapag wala akong sundo. Nandyan agad si Aries na laging handang isabay ako at ihatid pauwi. But because we're not in good term right now. Malabong gawin niya yon. Nasaan na yung sinasabi niyang I can't resist you. Aika? Ewan ko kung bakit umasa akong hindi niya nga talaga ako matitiis. Pero ngayon, natiis niya na ako. Siguro ngayon natauhan na talaga siya.
Ilang araw na din kaming hindi nagkikibuan, kapag magkakasama nga kaming magbabarkada, parang invisible ang turing namin ni Aries sa isat-isa. Mabuti na'yon para makalimutan niya ang nararamdaman niya para sa akin.

"Kailan ba kayo magkakaayos ni Aries?" Tanong ni Hazel na bumasag sa aming katahimikan.

Nilingon ko siya na seryosong nakatingin sa akin pagkatapos ay nagkibit balikat ako sa tanong niya.

Siguro magkakaayos kami ni Aries kapag wala na siyang nararamdaman para sa akin. Na yung relationship namin is pure friendship nalang.

"Napakaprotective friend naman kasi ni Aries. Ano naman ang pake niya kung ligawan ka ni Michael e kaibigan lang naman siya, tsaka kahit papaano naman nakakasalamuha nila si Michael. Alam na nila ang ugali nung tao, sabi ni Daren mabait naman-"

Hindi naituloy ni Hazel ang litanya niya ng magsalita si Harizel. "Wala kang alam Hazel." Anito.

"Walang alam?" Napakunot ang noo ni Hazel at napatingin kay Harizel.
"Sige nga kuya paliwanag mo nga sakin yang walang alam na sinasabi mo. Kasi hindi ko kayo maintindihang mga lalaki. Bakit pag may mga kaibigan kayong babae, napaka protective niyo to the point na pinakekealaman niyo na pati lovelife namin? Samantalang kayo hindi naman namin kayo pinakekealaman kapag lumalandi ha? So unfair! Dapat kung magkakaibigan lang, walang pakialamanan sa lovelife."

Tahimik lang akong nakikinig sa namumuong debate sa pagitan ng magkapatid na kasama ko.

"Alam mo kasi kapatid. Kapag basta-basta nalang kayo nagdedesisyon, maaaring may mawala sa inyo. Sa amin wala. Kaya protective kami sa inyo, 'tsaka hindi porket kaibigan lang kami ay wala na kaming pakialam sa love life niyo, bakit kapag iiyak-iyak kayo dahil nag-away o kaya niloko kayo ng syota niyo. Diba sa aming mga kaibigan kayo tumatakbo?"

"Pero-" magsasalita pa sana si Hazel pero pinigilan agad siya ni Harizel.

"Ang amin lang naman. Gusto namin na yung pipiliin niyong lalaki ay talagang mapagkakatiwalaan, yung talagang deserving para sa inyo. Siguro nga matagal na naming kilala si Michael dahil madalas namin siyang nakakalaro sa basketball, pero isang buwan palang namin siyang nakakasalamuha at ngayon palang namin siya lubos na nakikilala. Hindi pa sapat yon para sabihing karapat dapat nga siya kay Aika. Wala pa naman siyang napapatunayan."

Parang gusto kong pumalakpak sa dahilan ni Harizel kay Hazel.
Alam niya ang totoo, alam niyang mas malalim pa sa sinasabi niya ang totoong dahilan kung bakit ganoon na lamang kagalit si Aries nung nasa bar kami ni kuya Feil.
Oo ayaw ni Aries na manligaw sa akin si Michael kasi ang totoo. Mahal niya ako.

"Iniisip tuloy ni Heaven na may gusto si Aries kay Aika. Kaya ganoon ang reaction niya, hindi niyo ba napansin? he's acting like a jealous guy that time."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni Hazel. Napatingin pa nga ako sa rear view mirror kung saan nakatingin din doon si Harizel at tila nakikipag-usap siya sa akin gamit ang kanyang mga mata.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon