Ika-8 Kabanata

48.8K 859 57
                                    

Pag-alis ni Axel sa harap ko, matapos niya akong halikan ay inakbayan naman ako ni Daren.

"My first kiss na siya." Nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako, basta hindi ako natutuwa sa sinasabi niya dahil yung dapat sana na first kiss ko na ibibigay ko sa lalaking mahal ko ay wala na. Nawala dahil sa isang dare.

Napatingin na naman ako kay Aries at nakita kong tinutungga nito ang bote ng beer na hawak niya. Ipinunas pa nga niya ang likod ng kanyang palad sa baba niyang natuluan ng alak ng tumungga siya at saka siya matatalim na naman na tinignan ako, gamit ang malalalim at brown niyang mga mata.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya tumingin sa akin kaya nagkunot noo ako. Hindi ko tuloy namalayang naikot na pala ni Axel ang bote at ang natapatan naman non ay si Heaven.

Naghiyawan ang lahat lalo na si Daniel at Hazel.

"Axel. Please make it wild." Ani Hazel habang tawa sila ng tawa ni Daniel. Mga halatang lasing na sila.

"Kayo talaga!" Sabi naman ni Heaven na namumungay na ang mga mata. May tama narin siya. Pinagtulungan kasing ubusin ng mga girls with Daniel and except me, ang dalawang bote ng Jim Beam.

Habang binubuyo ng lahat si Heaven. Sa tabi naman niya ay makikita ang nakabusangot na mukha ni Shelly, tinungga pa nga niya yung natitirang kalahati sa bote ng alak na hawak niya at straight na ininom yon.

"I didn't know you're a drinker?" Nakangiting sabi ni Daren kay Shelly pero nag-irap lang ito kay Daren.

"You know what, I like girls like you. Hard to get."

"Excuse me? Hindi ako hard to get, hindi lang talaga ikaw ang tipo kong lalaki."

"Oh really?" Nakita kong umusod palapit kay Shelly si Daren. Umusod naman si Shelly palayo.

"Back off Daren or else I'm gonna kick your balls!"

"Oh! That's mean, baby." Natatawa pang sabi ni Daren.

Ang landi talaga nitong lalaking 'to. Masipa ka nga sana talaga ni Shelly.


"Okay. Heaven. I dare you to kiss Aries... on his lips for 5 seconds!"

Muling nagbalik ang tingin ko kay Aries ng marinig dare na yon ni Axel. Actually, nagulat ako at kita ko rin sa itsura ni Aries na nagulat din siya.

Umingay pang lalo ang lahat dahil sa pambubuyo sa kanila.

"Ang swerte mo talaga dude." Pasigaw na sabi ni Daren kasunod ng muli niyang pag-akbay sa'kin.

Gegewang-gewang na naglakad naman si Heaven palapit kay Aries. Hindi nga magkamayaw sa pagtawa lang lahat.
Pabagsak na naupo si Heaven sa harap ni Aries. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at mabilis na idinikit nito ang labi kay Aries na dilat na dilat.

Habang sabay sabay na nagbibilang ang lahat. Ako naman ay napapalunok sa kinauupuan ko at ramdam ko ang biglang pagsikip ng aking dibdib. Nakita ko pa ngang tumingin sa akin si Aries bago ako tumayo sa kinauupuan ko.

Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang papasok ako sa loob ng resthouse. Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko ngayon. I know that I'm a healthy person. Ito lang yata ang pakiramdam kapag nasasaktan.

Nang makapasok na ako sa loob ng resthouse. Isang kamay ang humawak sa pulsuan ko. Nilingon ko yon at nakita ko si Aries. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"What?" Malamig kong tanong sa kanya.

"Are you mad?"

"No I'm not. Let me go, inaantok na'ko."

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon