Ika-31 Kabanata

46.9K 721 53
                                    

"Go Aries!"

"Give me A-R-I-E-S. Aries! Go Aries! Go! Go! Go Aries~"

"FIREBALLS! FIREBALLS! FIREBALLS!"

"HBB! HBB! HBB!"

Halo-halong cheer ang naririnig ko sa lahat ng naririto ngayon sa basketball court ng WAU. At nanonood ng huling game nang Fireballs, kontra sa Smokin Aces. Ilang minuto nalang ang natitira at lamang ng dalawa ang Fireballs. 57-55 ang scores ngayon.

Ilang araw na din ang nakakalipas simula ng magkagalit-galit kami ng mga kaibigan ko. Pagkatapos ng eskandalong kinasangkutan namin 'non sa cafeteria, hindi na ako pinansin ni Hazel, Heaven at Daniel. Maliban kay Dorina. Nagpapansinan parin kami, kaya lang hindi na ganoon kadalas. Mas madalas kasi siyang kasama nila Hazel. Ayaw naman daw niyang lumaki pa lalo ang galit sa akin ni Hazel at isiping pati siya inaagaw ko sa kanya, kaya siya na mismo ang lumilimita sa ugnayan namin. Kung tutuusin kasi ay mas malapit talaga si Dorina at Hazel. Wala pa ako sa buhay nila, magkakilala na sila.

Napapalakpak at napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa tuwa ng maka three-points si Aries. Kasunod ng pagtunog nang time buzzer.

Nagtalunan naman sa tuwa ang myembro ng Fireballs. Binuhat pa nila si Aries habang hawak niya ang kanilang trophy.

Pagkatapos nilang makipagbatian at makipag kamay sa Smokin Aces. Agad na akong umalis sa pwesto ko at nagmamadaling nilapitan si Aries. Naroon din naman ang mga kaibigan ko, pero para akong invisible sa kanila na hindi ako nakikita at parang may super power naman si Dorina dahil siya lang ang nakakapansin sa akin.

"Congrats to my MVP boyfriend!"

Yayakapin ko sana si Aries, pero lumayo siya sa'kin.

"Basa ako ng pawis." tila nahihiya niyang sabi.

"It's okay!" Sabay yakap ko sa kanya. Naramdaman kong niyakap niya narin ako.

Basang-basa nga ng pawis si Aries, amoy pawis siya pero hindi yung tipong maasim. Kahit na pinagpapawisan siya, humahalo parin yung lalaking-lalaki at nakakaakit na amoy niya. Hindi siya nakakadiring yakapin. Hindi nakakaturn off.

"We won, babe." aniya ng kumalas siya sa pagkakayakap.

"Kayo lang." sabi ko naman.

Nagulat ako ng hapitin niya ako sa baywang. "No babe, my win is also yours, because without you. I will never make it. You are my precious lucky charm."

Napataas ang isa kong kilay. "Lucky charm? E bakit nung last time natalo kayo, e nandoon naman ako?"

"Yes you're there, but you're not paying attention because of that Axel guy."

Napanguso ako. "Hindi naman kaya."

"Yes you are." Natatawa niyang sabi habang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Itinukod ko naman ang mga kamay ko sa dibdib niya para itulak siya palayo.

"Aries stop it! We're in the middle of the crowd."

"And so? Let them know how much I love you. Mamatay sa inggit ang mga lalaking may gusto sayo."

"But for sure. Your fangirls are already murdering me on their mind."

"Then I will hunt them one by one to seek a revenge for you, babe."

"Hey! You two. Let's go! We have to get ready. Save that sweetness for the party later. " pang-aawat ni Wein.

Tinanggal ko yung kamay ni Aries sa baywang ko.

"Saan ang after party?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Light House 32O, mamayang 7 o'clock. I'll take you home and then I'll pick you up at 6:30."

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon