Ika-6 Kabanata

55.4K 943 76
                                    

"Wala na bang nakalimutan?" Tanong ni kuya ng mailagay na niya sa likod ng kotse ni kuya Wade. Ang isang malaking basket na may lamang mga pagkain.

"Wala na kuya." Sagot ni ate Mikaela.

"Well...let's go then." Kasabay ng pagpasok ni kuya sa van dahil siya na naman ang driver namin ngayon, nandoon siya sa driver seat at si ate Mikaela at ate Shana naman ang nasa front seat.

Magkakatabi naman kami nila Daniel, Hazel at Heaven. Sa likod namin ay si Shelly, manang Delfa, Aries at Daren. Sa dulo ay sina Elf, Neil at Harizel. Si Wein at Humpy ay doon na sumakay sa kotse ni kuya Wade. Naroon din ang lahat ng gamit namin dahil masikip na masyado dito sa loob ng van.

Ito na ang huling La Union destination namin dahil bukas ng madaling araw ay uuwi na kami sa manila.

Isa at kalahating oras ang byahe bago namin marating ang sikat na Pugad Adventure dito sa Pugo La Union.
Paglabas palang namin ng sasakyan ay nagtitinginan na ang iba sa amin.

"Uy mga foreigner."

"Mga model yata. Ang tatangkad at ang gaganda ng katawan!"

"Ang gaganda at ang gagwapo!"

"Let's take the cottage near them."

"Can't wait to see them soaking wet."

Naririnig din kaya ng mga kasama ko ang mga naririnig kong sinasabi ng mga tao sa paligid namin?

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ay tanaw na namin ang malaking sign board na may nakasulat na 'Pugad', sa ibabaw naman non ay may hugis tao. Nakakabit sa itaas ng bundok yung sign board. Naexcite pa nga kami kasi may nakita kaming nag zi-zipline na halos kapantay na ng Pugad sign board.
Kaya lang ay medyo na-dissapoint ang boys dahil bawal manigarilyo at uminom ng alak dito.

Nang makapasok na kami sa loob ng resort ay bumungad agad sa amin ang isang pool na 5ft ang lalim, sa tapat non ay may bihilan ng snacks. Dalawang pool pa ang nadaanan namin at isang malawak at madamong activity area. Mapuno din dito at maraming halaman. Mukhang nature lover ang may-ari ng resort na 'to. Bawat nipa hut cottage na madaanan namin, napapatingin sa amin ang mga naroroon lalo na yung mga babae. Syempre dahil yon sa mga boys na kasama namin. Nakadamit pa nga sila pero pinagtitinginan na, ano pa kaya kapag topless na?

"Holy sh*t! stop shaking the damn bridge!" Takot na utos ni Daren kay Harizel na tatawa-tawang nauuna sa pagtulay sa hanging bridge.

"Oh! Looks like someone's fear of heights." Pang-aasar ko kay Daren habang nasa likod niya ako. Hindi siya nagsalita at pinauna niya ako tsaka siya mahigpit na kumapit sa balikat ko.

I can't believe that this macho man is afraid of heights. Nangingiti nalang ako habang inaalalayan siya.

Dalawang hanging bridge ang dinaanan namin until we finally found our two storey nipa hut cottage. Pagkatapos naming mailagay ang mga gamit namin sa itaas. Naghubad na ng kanilang suot na damit ang mga boys. Hindi tuloy maiwasang mapatingin sa kanila ang mga girls na nasa kabilang cottage. Mga naghahagikgikan pa nga ang mga yon habang pasimpleng tinitignan ang mga macho kong kaibigan. Syempre hindi din nagpatalo ang kuya ko, si kuya Wade at pati si Axel.

Napapalibutan ako ng mga lalaking half naked ngayon. Hindi lang basta half naked, mga lalaking kay gaganda ng katawan, may mga firm na dibdib, abs at naglalakihang biceps at triceps. Pero sanay na ako sa kanila. Sanay na sanay na.

"Kumain muna kayo bago lumangoy" ani manang Delfa.

"Sayang talaga, we can't drink here." Malungkot na sabi ni kuya Wade.

"Later when we get back. Gusto niyo pa walang tulugan. " Nakangiting sabi ni Aries.

"Nice idea, dude." At tinapik ni Neil ang balikat ni Aries.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon