Ika-36 Kabanata

43.8K 618 37
                                    

Sa isang fine dinning restaurant sana ako dadalhin ni Aries but we ended up in a fast food restaurant. Namimiss ko na kasing kumain ng spaghetti at humburger dito, ewan ko pero sa panlasa ko ay masarap ang mga 'yon sa ganitong restaurant.

Habang hinihintay ko si Aries na nakapila ngayon para umorder. Narinig ko ang malakas na kulog, na may kasamang kidlat. Kanina ko pa nga sa contest naririnig yon, mukhang babagsak na talaga ang malakas na ulan. Buti nalang at tapos na ang contest.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Aries na ngayon ay umoorder na. Nakita ko pa kung paano mag ningning ang mga mata ng babaeng kausap niya. Iba talaga ang lakas ng karisma ni Aries.

Ilang saglit pa ay dala na niya ang kanyang inorder. Isang spaghetti, dalawang burger, large fries at coke 'tsaka kanin na may fried chicken.

"Dahan-dahan naman babe, are you really that hungry?" Natatawang tanong ni Aries sa akin.

"Oo. Nakakagutom kaya mag cheer!" Sabay subo ko ng spaghetti.

"Or maybe you just got hungry, 'cause you saw my delicious body." Nakangising sabi niya. Bigla tuloy akong nasamid at napainom. Nakita ko naman ang biglang pag-aalala sa mukha niya.

"You ok? Sabi ko sayo dahan-dahan lang kasi babe,"

"Ikaw kasi. Ang hangin mo masyado."

Napakunot ang noo ko ng makita kong nagpipigil siya ng tawa.

"What?" Tanong ko sa kanya.

Kumuha siya ng tissue at ngingiti-ngiti niyang pinunasan ang gilid ng bibig ko.

"Para kang bata kumain." aniya.

Bigla ko naman naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. At yung puso ko ay tila naghuhuramentado na naman.
Pinakalma ko ang sarili ko at ipinagpatuloy nalang ang pagkain dahil baka di ako makapag pigil at pugpugin ko ng halik nitong kasama ko.

Habang kinakain ko yung isang fries na binili ni Aries at nagkukwentuhan kami ng kung anu-ano. Nagsimula ng lumakas ang ulan.

Ang akala namin titigil agad ang ulan pero mag-iisang oras na yata kaming tapos kumain ay malakas parin ang ulan. Baha narin sa tapat. Ang ibang customers ay pinipili nalang na sumuong sa ulan, habang ang iba na tulad namin ay naghihintay parin na tumigil o humina man lang ito.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Ten o'clock na. Naghintay pa ulit kami hanggang sa maisipan na naming suongin narin ang ulan. Malaki na kasi ang baha sa daan.

"Dammit! Sobra-sobrang ulan naman nito. I can't drive like this." Ani Aries habang pinagmamasdan niya ang malakas na bugso ng ulan.

Ako naman ay napapayakap na sa sarili ko dahil sa lamig. Hanggang sa maramdaman ko na inilagay sa akin ni Aries ang suot niyang jacket.

"I think we need to check in for a while." Aniya. "Come on. You at my back."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya and then he bend his knees slightly para makapasan ako sa kanya.

"Babe, hurry up. The flood is getting high."

"Bakit mo pa 'ko bubuhatin? Maglulusong nalang ako."

"No I won't let you do that. Oh please! 'come on, just ride on my back."

Kung minsan talaga sobrang sweet nitong si Aries. Bahala siya pag nasanay ako.

Pumasan na ako sa kanya at nagsimula na siyang lumusong sa baha.

"We're we going?" Tanong ko sa kanya ng pasigaw. Malakas kasi ang hangin at ulan. May mangilan-ngilan din kaming nakita na lumulusong sa baha at sinusuong ang ulan. May nakita pa nga kaming mag syota yata na naghahalikan sa gilid ng daan.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon