Ika-34 Kabanata

40.8K 601 32
                                    

Kanina ko pa gustong itanong kay Aries ang tungkol kay Fretzy, kaya lang nawawalan ako ng lakas nang loob, kasi baka naman isipin niyang paranoid agad ako.
Pero totoo. Napaparanoid nga ako at kagabi pa ako ganito simula ng makita ko yung picture nila nung Fretzy.

Hindi ko talaga maiwasang magselos na may ganon kagandang kasama si Aries. Hindi naman na bago sa'kin na may kasama siyang magandang babae, pero kasi iba na ngayon. Kami na e. Hindi niya pa nabanggit sa akin ang tungkol doon kay Fretzy, at nung nakita kong ang ganda ng ngiti niya sa picture, mas lalong nagwawala ang sistema ko at nababaliw ako kakaisip sa kung anong meron sa kanilang dalawa. Hindi naman talaga ako selosa, pero sadyang mahal ko lang yata talaga ng sobra si Aries at gusto kong akin lang talaga siya.

"Aika?" Bigla akong nagulat ng tapikin ako ni Aries sa balikat. Napatingin ako sa kanya na kunot ang noo habang nakatingin sa akin. "You okay, babe?"

"Ha? Oo naman." Nginitian ko siya ng pilit kasunod ng pagsipsip ko sa bubbletea na iniinom ko. Nandito kami ngayon sa tambayan namin, dito sa waiting area.

"I guess you're not." ani Aries. "Tell me what's wrong? May bumabagabag ba sayo? Do you have problem?"

"Ano kasi. I just. Gusto ko lang, " damn! I don't even know where to start! Napakamot ako ng ulo ko at napahinga ng malalim. "Who's Fretzy Vilareal?"

Biglang natigil sa pagkukwentuhan ang ibang Half Blood Boys dahil sa tanong ko na hindi ko akalain na mapapalakas pala ang pagkakasabi ko.

"Tsk, tsk, tsk...lagot ka na dude, akala mo nakaligtas ka na ha." ani Neil na tila nananakot.

Nakita kong sinamaan ito ng tingin ni Aries 'tsaka niya ako pinakatitigan ng seryoso, namumutla siya at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"She's just a friend babe, I swear we didn't do anything. Kumain lang kami. Naalala mo yung pinuntahan kong dinner with mom? Anak siya ng kaibigan ni mommy. Babe, she's nothing. Hindi ko naman alam na kasam-"

"Dude, why so defensive?" Tumatawang sabi ni Wein.

"Oh shut up Weinard Hernandez!" Inis na sabi ni Aries.

Tinaasan ko naman ng kilay si Aries. "Bakit nga ba masyado kang defensive?"

"Aika naman, gusto ko lang i-assure sa'yo na ikaw lang yung nag-iisang babae sa puso ko. 'Tsaka parang galit ka kanina nung tinanong mo'ko kung sino siya. At alam ko," hinawakan niya yung pisngi ko.

Narinig ko naman ang mga bitter na reaction ng ibang HBB kaya nagpatuloy nalang sila sa pagkukwentuhan.

"Alam kong iyon yung bumabagabag sayo. And now I'm telling you that you don't have to think about it. It's nothing, she's nothing."

"K"

Alam ko naman na ako talaga ang mahal ni Aries pero bakit ganoon, hindi ako mapanatag? Yun bang pakiramdam na nag review ka naman kaya naniniwala kang mataas yung makukuha mong grade, pero nandoon pa din yung kaba, na baka bumagsak ka.

"Hi boys! Napag-isipan niyo na bang sumali?"

Napalingon ako sa baklang student president namin na si Domi short for Dominique. Kasama niya pa ang dalawang miyembro din ng student council na hindi ko alam ang pangalan. Nasa harap namin sila at may hawak na papel.

"Ano ba ang mapapala namin dyan kung sasali kami?" Pagsusupladong tanong ni Wein.

"Mananalo kayo ng thirty thousand pesos, kaso alam ko naman na hindi niyo na kailangan non, e di i-donate niyo nalang sa isang charity o kaya sa simbahan. Once in a lifetime lang ang contest na'to kaya sumali na kayo." Paliwanag ni Domi. "Please sumali na kayo! Para masaya."

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon