Ika-46 Kabanata

40K 587 31
                                    

It's been one week at ngayon ay lalabas na ako sa ospital para sa bahay na ipagpatuloy ang pagpapagaling ng kaliwa kong paa. One week pa bago tanggalin ang pagkakasemento ng paa ko at hindi ko na kayang tumagal sa loob ng ospital. Masyadong tahimik. Nakakaboring.

Pauwi na kami ngayon sa bahay. Kasama ko si mommy, daddy at Aries. Excited na ako kasi namiss ko yung bahay namin. Lalo na yung kwarto ko. Palibhasa'y puro puti ang nakikita ko sa ospital. Di tulad sa kwarto kong puro purple. Speaking of purple! Namiss ko rin ang life size teddy bear kong si Purple.

Pagkatapos ng ilang minutong byahe. Nakarating narin kami sa bahay. Binuhat ako ni Aries at dahan-dahang inilagay sa wheelchair.

"Handa ka na ba pumasok ulit sa bahay niyo?" Tanong niya sa akin habang tinutulak niya ang wheelchair ko papasok sa front door.

"Handang-handa na!" Masigla kong sagot sa kanya.

Nasa likuran naman namin si mommy at daddy na napakatahimik, ni hindi ko sila naririnig na nagkikibuan simula kanina.

Pagpasok namin sa loob.

"WELCOME BACK!"

Nagulat ako ng biglang may mag pop na confetti sa uluhan ko. Napalingon ako sa magkabilang gilid ko at doon nakita ko si Daren at Harizel na may mga hawak na confetti poppers. Kitang-kita sa mga ngiti nila ang saya sa pagdating ko. Nasa sala ang lahat, sina kuya Hiro, ate Mika, ate Shana, manang Celia, ate Flor at kuya Alfred, pati ang iba ko pang kaibigan.

Nakakatuwang tignan ang malaking Welcome sign na ginawa nila. Nangingintab pa nga iyon sa purple glitter. Hawak-hawak 'yon ni Neil at Humpy, may mga hawak din silang lobo at confetti poppers. Lahat sila ay nakangiti sa akin.

Itinulak pa ni Aries ang wheelchair ko palapit sa kanila at pinagkaguluhan naman nila ako, si Aries naman ay nakipag high-five at fist bump sa boys.

"Infairness girl. Nawala agad yung wound mo sa mukha. Tingin ngang mabuti at baka nagka scar ka na."

Hinawakan ni Daniel ang mukha ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin habang masuri niyang tinitignan mabuti ang mukha ko. Napalunok ako habang tinitignan ko naman ang maputing mukha ni Daniel na may BB cream. Mukha talagang kpop idol ang kaibigan kong ito. He's a very pretty boy, kung hindi sana siya bakla ay marami narin babae ang nagkandarapa sa kanya.

"Hmm...no scar at all. Bongga! Pretty ka na ulit girl!" Pumalakpak pa siya matapos niyang suriin ang mukha ko.

"Hindi naman siya pumangit. Even when she got a wound on her face, she's still beautiful." Sabad ni Aries na nasa likod lang ni Daniel at kausap si Humpy.

Napangiti ako ng magtaas ng kilay niya si Daniel kay Aries. Pagkatapos ay mapaklang ngumiti. "Ikaw naman, fafa Aries. Masyado mong pinupuri ang girlfriend mo, minsan naman magbigay ka ng negative comment sa babaitang to."

Natawa nalang ako sa pagiging bitter ni Daniel.

"But-"

Kumunot ang noo ko ng marahang hinampas ni Daniel sa dibdib si Aries. Aba, sumisimpleng tsansing itong si Fabroso ha! "No more buts, fafa Aries. Wag mong palakihin ang ulo ng girlfriend mong yan." Ngingiti-ngiting sabi pa ni Daniel sa malanding boses. Ano nga kayang problema nito at napaka bitter?

Nakita ko namang binatukan ito ni Hazel.

"Hayaan mo nga siya. It's natural, si Troy nga halos malunod narin ako sa mga positive na sinasabi niya sa akin. Bitter ka lang kasi hindi ka crush ng crush mo." Sabay tawa ni Hazel na tila puno ng pang-aasar. Nag high-five pa sila ni Dorina at Heaven.

"Saklap nga niyan Daniel. Tsk, tsk, tsk." Ngingiti-ngiting sabi ni Elf.

Inakbayan naman ni Neil si Daniel. "Kung ako kasi sayo dude, magpapakalalaki nalang ako. Sayang ang gandang lalaki mo. Pagnagpakalalaki ka, kaming bahala sa'yo. Diba guys?"

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon