Ika-27 Kabanata

49.2K 736 51
                                    

Mahigit kalahating oras yata ang byahe namin ng makarating kami sa isang kilalang mall sa edsa. Naunang lumabas sa kanyang kotse si Aries ng maipark niya na ang kanyang kotse. Pinagbuksan naman niya ako at inalalayan pang makalabas.

"I thought we're going on to the further side of the world? Mall lang pala." Nakangisi kong sabi. May pa further, further pa kasi ang lalaking 'to. Akala ko naman kung saan niya ako dadalhin.
Akala ko nga itatanan na'ko.

" 'tsaka nalang. We'll be there on our honeymoon. Bakit gusto mo na ba babe? I can take you to a five star hotel near there." Nakakaloko niya akong nginitian. Itinaas-taas niya pa ang isa niyang kilay. Napakunot naman ang noo ko.

Magkaiba pala talaga kami ng naiisip na further nitong si Aries. May halong kamanyakan pala kasi yung sa kanya. Hindi ko tuloy napigilang hampasin ang kanyang dibdib, hindi ko naman naiwasang mapatingin sa dalawang butones na nakabukas sa suot niyang longsleeve.

"Isara mo nga yang butones ng suot mo!"

Napayuko siya at tinignan ang suot niya, pagkatapos ay nakangisi niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin.

"Am I seducing you?" Aniya.

Napalunok naman ako bago nagsalita. "Asa ka pa. Di ako nase-seduce sa ganyan." Pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay pinagpapawisan na ako sa sumisilip niyang matipunong dibdib. Idagdag mo pa yung napaka manly niyang amoy.

"Talaga, di ka na aakit? Buksan ko pa kaya 'tong isang butones."

Aktong bubuksan niya na ang isang butones ng bigla ko siyang pigilan. "Oo na! Naaakit na ako kaya please isara mo na yan. Bwisit kang Aries ka! Are you going to kill me because of your goddamn sexiness?"

Hinawakan niya ang baba ko at pilyo akong nginitian.
"I'm sorry babe. Gusto ko kasi na sa akin ka lang natu-turn on."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nahampas ko na naman siya ng di oras. Napakapilyo kasi. Pilyo na siya noon, pero hindi ko alam na may ikapipilyo pa pala siya ngayon.

Isinara na niya yung dalawang butones na nakabukas sa longsleeve na suot niya.

"Wag mo na ulit gagawin yon ha! Ayokong nakikita kang nakabukas ang dalawang butones ng damit mo. Hindi lang kasi ako ang naaakit mo," napayuko ako at naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng pisngi ko. "Pati kasi ibang babaeng nakakakita, naaakit sayo."

Inangat niya ang baba ko. "Pero ikaw lang naman ang inaakit ko." Aniya habang seryoso siyang nakatingin sa akin, ang mga mata niya ay nagsusumamo at nangungusap.

"A basta! Tara na nga!" Hinila ko na ang braso niya papasok pero napahinto ako ng alisin niya ang mga kamay ko sa braso niya. May nakakita pa nga sa aming ilang babae na nagbulungan.

Siguro iniisip nilang hinaharass ko 'tong si Aries. Pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya kahit ayaw naman niya sa akin.

Nilingon ko si Aries at sinamaan siya ng tingin. Laking gulat ko naman ng kunin niya ang kamay ko at pinagsalikop niya sa kamay niya.

"This is the right way to hold hands, Aika. Ayokong iniisip ng iba na ikaw ang patay na patay sa'kin. Kasi ako yon. Ako yung patay na patay sayo." Sabay ngiti niya sa akin tsaka siya nagsimula ng maglakad. Nagpadala nalang ako sa kanya habang nagwawala na ang puso ko sa sobrang kilig.

Nanood kami ng sine ni Aries. Comedy yung pinanood namin kaya hindi ako inantok, halos maiyak nga ako sa kakatawa pero itong si Aries, pasimpleng hinihilig sa balikat ko ang ulo niya. Nagtagumpay naman siya.

Pagkatapos namin mag sine ay naglibot-libot kami sa mall. Pag may nagustuhan bibilhin, si Aries pa nga ang nagbabayad ng mga binibili ko. First date daw kasi namin 'to kaya dapat siya ang gumastos. Hinayaan ko nalang din siya, makulit pa naman ang isang 'to.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon