CHAPTER 9 - Smile

35 2 0
                                    

<< CHAPTER 9 - Smile >>

[Marcus]

"Ui, ngumiti ka naman!"

Ang hirap namang pasiyahin ng babaeng 'to. Sabagay, malala naman talaga yung pinagdaanan niya. Kaso hindi ako mapakali na nakasingot si Sandra! A ewan! Seatmate mo ba naman na nakabusangot hindi ka maiinis? Manghahawa pa ata siya ng pagkabad trip!

"Wish ko lang madaling ngumiti!"

Ah talagang pinapahirapan mo ako a!

"Marcus! Tumi---hahaha-- tumigil ka nga!"

"Yeheees! Tumawa ka na rin!"

"Hindi counted 'yun noh! Sapilitan naman 'yan e! Daya!"

"Madaya pala a... !"

"Stoo--- Hahahaha stop! Mapa--haha-galitan ta....."

"Ms. Cariño!"

Oooops. May klase nga pala. Napagalitan pa si Sandra dahil sa akin. Tss. Ba yan!

"Nasa harapan ka pa naman! Okay, ibigay ang kasingkahulugan ng 'kasiphayuan' at gamitin sa pangungusap. Hindi ka maaring umupo hangga't hindi ka nakakasagot!"

Sorry talaga, Sandra!

"Kalungkutan o dalamhati, ginoo. Nakadama ng kasiphayuan ang dalaga nang marinig ang paborito niyang kanta."

"Maupo ka!"

"Alam mo napakadrama mo, Reyna ng Kasiphayuan!"

Mukhang badtrip. Tsss.

"Eeey, sorry nga pala. Napagalitan ka pa tuloy."

"Hindi ako galit. Wala lang talaga ako sa mood ngumiti!"

"Ahh okay. Basta sorry pa rin. Ang galing mo pala sa Filipino!"

Haha! Alam ko na! :D

"Hindi a! Nagkataon lang na alam lo yung word tska napakarami kayang malalim na tagalog! Chamba lang talaga!"

"Pero alam mo, sa dinami rami ng salitang tagalog..

... IKAW ang pinakagusto ko!"

"Puro ka kalokohan!"

"Yun oh! Yeheeees! Nagsmile ka na sa wakas!"

Mabuti effective. Sa ganda niyang 'yun, napakamalungkutin. Problemado masyado sa mga bagay-bagay!

[Sandra]

Huli ako dun a! That pick-up line really made me smile. Ang kulit kulit ng taong 'to pero infairness masaya siya kasama.

"Ngiti ka lang lagi! Sige ka, tatanda ka!"

Oo nga naman. Dapat nilalabanan ko ang kalungkutan! Kung wala si Marcus ngayon, siguro mukha akong tangang nagmumukmok.

Break time na! Dumaan si Vincent sa harap namin kasama yung iba pa naming mga kaklaseng lalaki. He's smiling and it pisses me off! Nakamove on na siya agad? Tss! Ako nga yung nakipaghiwalay pero ako yung parang sirang nagdadrama! Stop it, Vincent! Alam kong nasasaktan ka pa.

Ano nga bang pake ko kung nakamove on na siya o hindi! Haaay! I don't love him anymore. Mahirap lang mag-adjust kaya malungkot! Hindi ako bitter! Akala ko lang kasi.. hay! Oo! I expected that he'll be having a bad time dealing with our break up! Pero pinapakita niyang hindi. Gusto ko siyang maging kaibigan ulit. Pero sa inaasal niya! Ewan ko kung posible pa. Nananadya talaga siya.. I can feel it. Hindi dapat ako magpahalatang apektado ako.

Kung yan ang gusto mo, fine. Let the pretending begin!

"Tara, sa canteen tayo!"

Mabuti na lang talaga at nandito si Marcus. At least, mukha akong masaya. At least, hindi ako mukhang kawawa!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unless You Let Yourself FallWhere stories live. Discover now