CHAPTER 4 - Marcus

20 1 0
                                    

<< CHAPTER 4 - Marcus >>

I'm Marcus Aguilar. Singer!!!! Joke lang.. A secret dancer. Bakit secret? Walang nakakaalam na mahilig akong sumayaw maliban sa mga unan at salamin sa kwarto ko.

Vanadiumian! Junior! Wala ako gaanong kaclose sa section na yun. Nasa Strontium kasi yung pinaka kaclose kong si Louis Ray. Hindi nga halata na close kami e! Hindi kasi kami halps nag-uusap sa school. Sikat kasi siya at ako.. baka pati iba kong kabatch hindi pa ako kilala!

Magkumare yung parents namin kaya nagkaclose kami kapag binibisita nila ang isa't isa. Naglalaro kami niyan lagi at nagkukwentuhan! Parang bata nga yung si Louis nung umiyak sa akin! Ewan ko dun. Duwag kasi! Siguro naman may dahilan siya... sayang lang kasi.

Si Sandra? Binabantayan ko na yun dati pa! Siguro nagulat siya na marami akong alam sa kanya kahit hindi naman niya ako kaclose. Normal na magulat siya. Iniisip ko nga na mukha akong epal na hindi mapagkakatiwalaan e. Buti madaling makapalagayan ng loob si Sandra. Kung yung iba siguro yun, magfi-freak out na sa pangengealam ko. Mukha akong stalker sa ginagawa ko e! Wala akong balak mangealam nung una pero kawawa naman kasi yung babaeng iyon! Sa sira ulong lalaki napunta. I'm glad na nasave ko siya sa bwisit na yun! Napakagandang babae tapos ginaganun lang? Dahil dyan, napakainit ng dugo ko sa Vincent na 'yan! Subukan lang niyang lapitan si Rhealyn.

Oh. Rhealyn. Wala yun. Classmate ko nung grade school. Same school kami ngayon pero sa Strontium siya e. Crush ko 'yun dating dati pa! Tamang ganda lang pero ang nagustuhan ko talaga sa kanya ay yung pagsayaw niya. Magaling siyang sumayaw at SANA makasayaw ko siya. Pero malabo. Hindi kasi ako makalapit sa kanya e at wala ngang nakakaalam na mahilig akong sumayaw. Kayo pa lang ni Bruno, yung aso ko, ang living thing na nakakaalam nun.

Back to Sandra. Noon ko pa siya kaklase. Since first year! Mabait, maganda, masiyahin! Pero... dahil sa isang get-together.. nawala ang saya sa mga mata niya. I was there! I saw her running in the rain. Wala akong nagawa. Wala akong tapang manghimasok noon. Dati ko pa talaga siya gustong kalabitin at sabihang "Bakit ba umiiyak ka na lang lagi? Papangit ka!" pero wala akong karapatan. Pero ewan... mabuti nagawa ko na. Naligtas ko na siya kahit papaano. Kung hindi ko pa naging trabaho na pag sabihan siya, hindi pa ako magkakalakas ng loob! At least nakabuti pa pala yun!

Kung tutuusin, tapos na ang motibo ko. Pero parang may bumubulong sa akin na ituloy ko lang. Baka kailanganin niya pa ako? Naks! Hindi pala ako ganun ka importanteng tao. A ewan! Basta!

Wala namang masama kung makikipagkaibigan ako sa kanya, di ba?

Unless You Let Yourself FallWhere stories live. Discover now