CHAPTER 7 - Truth Or Dare

17 2 0
                                    

<< CHAPTER 7 - Truth or Dare >>

I'm still crying. Sana makamove on ako. Sana tama na mas magiging madali ito kesa dati.

===FLASHBACK===

"Oh Sandra, truth or dare?

"Truth!"

Ang tapang ko naman talaga oh. 

Kaya ko ito.. parang truth lang e!

"In love ka ba sa parekoy mo?"

In love ba ako sa parekoy ko? 

In love nga ba ako?

Nakangiti si Louis sa akin.. yung nakakalokong ngiti. Alam naman kasi niya ang isasagot. Ilang beses ko na rin namang sinabi yun sa kanya e.. kahit pabiro.

Ayokong magdeny.

"Oo."

Walang kaabog-abog. Walang tawa. Isang deretso at seryosong oo.

Halo-halong reaksyon pero si Louis nakatawa lang! Maswerte ako kasi kahit nalaman na ng bestfriend ko na in love ako sa kanya... hindi pa rin nagbabago ang samahan namin.

"Sabi ko naman kasi sa inyo e! Walang makakaresist ng kagwapuhan ko!"

Hindi ko alam kung magtataka siya na hindi ako nakikipagtawanan ngayon. Nakaramdam ako ng lungkot for the first time. Palabiro naman siya ever since pero hindi ko alam... kahit isang beses lang sa lahat ng pagkakataong umamin ako sa kanya..... may sineryoso kaya siya? Bakit gusto kong seryosohin naman niya? *buntong hininga*

All this time kaya.. biro lang sa kanya?

I faked a smile. Hindi ko dapat iniisip 'to e. Pinapagaan niya lang siguro ang sitwasyon. Ayaw niya lang sigurong magkailangan kami kaya dinadaan niya sa biro.

*spin*

"Yun oh!"

"Truth din!"

Kinakabahan ako. Hindi ko alam. Gusto kong marinig ang sagot niya. Are we more? Sana yung concern niya sa akin ay hindi lang dahil sa magparekoy kami. I really hope he feels the same. Sana nakikita niya ring perfect kami sa isa't isa.

"Louis, mahal mo rin ba si Sandra?"

"Yiiiiieeeee!"

As usual, asaran! Eh tumabi ba naman sa akin 'tong lalaking 'to e!

Sana hindi niya marinig ang lakas ng tibok ng puso ko. Ayokong ipakitang kinikilig ako kapag kasama ko siya e. Oo, alam naman niya pero nakakahiya kasi kapag kinikilig. Baka mailang siya. The best lang talaga 'tong lalaking 'to kasi hindi ako nahirapan sa part na yun! Madali lang mag-act normal kasama siya.. kahit kaming dalawa lang. Kumportableng kumportable lang talaga kami sa isa't isa.

Nakangiti siya sa akin so I smiled back. Parang napawi yung kaba ko. Gustong-gusto ko nang marinig ang sagot niya!

Dug Dug Dug

Dug Dug

Dug Dug Du

Dug Dug

Ang OA ng puso ko noh? -.-"

"Mahal na mahal ko si Riche....."

Those words made my heart thump harder. He's voice is calm and he's looking down.

"Wooo! Yieeeeee.. umamin din!"

That broke the silence.

Mahal na mahal ko si Riche.....

Mahal na mahal ko si Riche.....

Mahal na mahal ko si Riche.....

Mahal na mahal ko si Riche.....

Nag-eecho sa akin ang mga sinabi niya.

This is the happiest moment of my life! We feel the same for each other! Akala ko nagfifeeling lang ako. Sobrang caring niya kasi sa akin. Pinagtatanggol niya ako. He makes sure that I'm safe.

Naalala ko nung ginabi kami ng uwi dahil sa project.

I was about to go home when he came. Hindi ko siya kagroup nun pero sinundo niya ako at sinamahang umuwi. Bute alam niyang nandun ako ng araw na yun.

May sumusunod sa aming mga lasing kaya hinila niya ako at tumakbo kami nang mabilis. Niligaw lang namin yung mga sira ulo. Nakakatawa kasi hindi naman siya nakipagsuntukan dahil hindi niya kaya yung mga bato-batong mga lalaking yun. Ewan, at least he tried to keep me safe.

Biglang kong naalalang hawak niya pala ako sa kamay kaya inalis ko. Magkaiba kami ng way pauwi pero he insist na ihatid na niya ako sa bahay. He even said, "Kung hindi ako dumating, ano na kayang nangyari sayo? Itext mo ako kapag uuwi ka ng gabing gabi! Kung pwede lang na magkagroup tayo lagi e."

I was speechless. Parang boyfriend ko naman 'to kung makareact! "Hahaha! Sa payat mong 'yan?" Yan ang lumabas sa bibig ko kahit natutuwa naman talaga ako sa ginawa niya.

"Mag-aaral ako ng self defense para next time di na tayo tatakbo!" Nakatulog ako sa biyahe nun. Malayo rin kasi sa bahay namin yung pinaggawaan namin ng project. Sinabi ko sa kanyang umuwi na siya since tricycle na lang naman ang sasakyan ko.

Alas onse na rin kasi nun. "Salamat nga pala.. salamat talaga!" Pumayag na rin siya and we said good night to each other. Kumaway siya habang nakasakay ako. He was smiling. That was the best night of my life.

Akala ko feeler lang ako. Mahal niya rin pala ako. 

I should stop reminiscing 'cause I think I'm smiling like a retard.

He looked straight to my eyes at kinurot niya ang ilong ko which brought me back to my senses.

"Syempre, parekoy ko 'to e!"

Unless You Let Yourself FallOnde histórias criam vida. Descubra agora