CHAPTER 6 - Late

17 1 0
                                    

<< CHAPTER 6 - Late >>

[POV of Marcus]

*buuuuuzzzzzz*

*buuuuuzzzz*

Pipindutin ko na sana ang snooze nang mapansin ko ang oras.

Late na ako!

Mabilisang ligo at parang hinahabol na kabayong pagtutooth brush. Buti na lang pinagpaplantsa ako ng uniform nang napakasipag kong nanay!

"Alis na po ako. I love you, Mommyow!"

"Ingat, kuya!"

Tinatawag akong kuya sa bahay. Proud kuya ako sa dalawang maliliit at napakakukyut na babae ng buhay ko! I love them so much! Tagaprotekta ata ako niyan sa mga loko-loko in the future!

Pero ngayon, protector muna ako ng ibang babae! Kailangan kong kakamustahin si Sandra. Hiwalay na sila pero sa palagay ko makikita kong maga ang mata ng babaeng iyon ngayon! Tantsa ko kasi.. napakaemotional ng babaeng 'yun! Simula first year naman, madalas na siyang nag-eemo..... actually, yung get together talaga.

Baka hindi na naman iyon kumain. Tamad yun e at ganoon siya magdrama. Don't get me wrong! Baka iniisip niyo na gusto ko siya. Rhealyn Rodriguez is my only one! Crush lang naman. Studies ang priority ko kasi gusto kong mag-UP!

Sabi nila, masyado raw akong boring. Marami naman kasing honor student na napagsasabay ang academics at extras. Katulad ni Louis na mamaw din sa pagkanta! Sila na. Kailangan ko ng confidence at talent. Paano ako magsasayaw sa harap ng maraming tao kung wala akong tiwala sa sarili kong talent. Talento nga ba? A ewan! Pati ang panginginig ng tuhod ko problema rin. Stage fright at its worst.

Sa wakas! Nakarating na ako ng school pero syempre late. Tss!

"Geronimo, sa tabi ni Ms. Reyes."

Simula na nga pala ng 2nd quarter.Waaah! Paano ako papasok?

"Valdes tapos Santiago ta--"

Hello! Hindi ba ako napapansin ng mga kaklase ko sa loob? Pwede pakisabi na may late comer sa pintuan? Bad trip na simula ng linggo talaga o!

"Good morning, Sir"

O_-

"Magandang umaga, hija!"

"Paumanin, Ginoo! Magandang umaga po ulit!"

Kinalabit niya ako.

"Magandang umaga po!"

Akala ko hindi niya mapapansin na nandito ako e! Sus! Katulad ng inaasahan ko, bakas sa mukha niya ang pag-iyak! Hahahaha! Mabuti hindi naisipang magpakamatay ng emong 'to! Kagandang dilag kaso napakaiyakin.

"Maupo kayong dalawa dito sa harap!"

Yey! Magkatabi kami. Ang saya ko ata? E maaasar ko kasi itong babaeng maga ang mata!

[POV of Sandra]

Ha-huh-ha-huh! (hinihingal yan xD) I'm so so late! Hindi kasi ako makatulog dahil sa... you-know-what! Break-up sucks! Haaaaay.

"Good morning, Sir"

So here's Marcus. Yes! May karamay akong late!

"Magandang umaga, hija!"

"Paumanin, Ginoo! Magandang umaga po ulit!"

Parang good morning lang nahihiya pa?! Sus! Kinalabit ko siya at tinitigan nang bongga.

"Magandang umaga po!"

At mukhang nagets naman niya na ang ibig sabihin ko ay magreet na siya para makapasok na kami.

Napapatingin siya sa mga mata ko. Halata atang buong magdamag akong umiyak! Bute si Marcus 'to at hindi na nagtanong kasi alam naman niya ang dahilan. Iyong iba kasi naming kaklase.. walang kaalam-alam. Nanalig akong umokay na ang itsura ng mga mata ko maya-maya. Iiwas na lang ako sa pagtingin sa mga tao!

"Maupo kayong dalawa dito sa harap!"

Magpapalit na nga pala ng seating arrangement. Ako ang pinakamalapit sa pinto at si Marcus sa kanan ko. Great! Para makapagpasalamat na rin ako! Laking tulong niya talaga. Marami rin akong tanong sa kanya pero saka na lang kapag close na kami. Yes, gusto kong makaclose 'tong taong ito! May iba sa kanya e.. mabait talaga siyang tao! Sana tama ako nang pagkakaanalyze sa ugali niya! \

We'll see!

Unless You Let Yourself FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon