CHAPTER 5 - Goodbye

16 1 0
                                    

<< CHAPTER 5 - Goodbye >>

"Sorry, Ma"

I broke my promise. Hindi kasi ako pwedeng magboyfriend hangga't hindi pa ako 18. Kaya nga pamilya ko lang ang hindi nakakaalam na kami ni Vincent e. I explained everything. Pati na rin yung makikipaghiwalay na sana ako kanina.

I admit my faults. Mali naman talaga e. Maling mali. Pati ako nasaktan dahil sa maling desisyon ko. Ngayon lang ako umiyak at nakipag-usap ng ganito kay Mama. Hindi ko mapigilang humagulgol. Si Mama naman nakikinig at umiiyak din. Haaaay. I'm sorry for disappointing you.

My mom hugged me.

"Wag na wag mo nang uulitin 'to! Tignan mo tuloy yang nangyari sayo! Anak, tapusin mo na to officially ngayon!

I'm crying so much. I'm so blessed to have a very understanding mother. Thank you, mom!

Nangako akong hindi na. Wala na talaga akong balak. Nakakadala e! Si Mama naman, hindi niya raw sasabihin kay Daddy dahil tiyak na magkakagiyera. Baka pasabugin pa nun ang bahay ng lalaking yun at palipatin akk ng school! Ayaw na rin naming magkagulo pa sa bahay. Sobra sobra na itong binibigay sa aking konsiderasyon.

*riiing*

*ring*

"Napatawag ka. Anong nangyare? Anong sabi ni tita?"

"Vincent, I'm sorry.. tapos na tayo."

"Dahil ba sa mama mo ha? Pwede mo namang sabihing wala na tayo at isekreto na lang ulit natin!"

"Hindi yun! Makikipaghiwalay na talaga ako sayo kahit hindi pa nalaman ni Mama. Hinintay ko lang matapos ang contest mo."

"Seryoso ka ba?"

Nag-iba ang tono niya. Para may lungkot. Ngayon ko na lang ulit narinig na ganito siya. Malumanay kahit walang ibang nakakarinig. Lagi na kasi kaming nagsisigawan kapag kaming dalawa lang. Ngayon na lang ulit 'to. Hindi ko alam kung bakit... bumabalik yung dating kami.

"Hindi na tayo masaya, Vincent. Hindi naman tayo ganito nagsimula, 'di ba? Alam kong ayaw mo rin na nagkakaganito tayo..."

"I'm sorry. Pilitin nating ibalik ang dati! Huwag ka munang sumuko.. please?"

Now, he's begging for me? Hindi na talaga. But his tone made me cry.

"Hindi na kita mahal. I'm sorry. Napagod na rin siguro ako.... Hindi ko na nara..ramda..man na mahal mo ako! Huwag na nating pilitin.. magkakasakitan lang tayo."

"Sandra.. I'm sorry."

I heard him sob.

"So..rry"

Sana bumalik na yung dating siya. Yung Vincent na nakilala ko.. yung naging kaibigan ko.....

"Please be happy."

Thank you. Thank you for setting me free. Pinagbigyan niya rin ako..

Nobody's letting out a single word. Naririnig lang namin ang pag-iyak ng isa't isa. Mahirap din pala kahit decided ka.. pero alam kong mas kaya kong magmove on sa sitwasyon na ito. Alam ko na kasing wala na talaga. Tapos na. Defined kung ano na talaga kami. Kesa noon.. kesa nung kay Louis.

Unless You Let Yourself FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora