PROLOGUE

169 4 0
                                    

<< PROLOGUE >>

"Please.. pumunta ka sa pila ng wheel of fate.

I'll be waiting for you."

Nasend ko na ang text na yan sa kanya.

Sana hindi katulad noon.

Ewan ko ba kung gaano katagal na akong naghihintay.

Nalowbat na 'yong phone ko nang walang narereceive na reply. Gabi na rin kasi talaga at dahil field trip, kanina pang itong madaling araw. Mabuti nga umabot pa ang battery nito ng ganitong oras.

Tumingin ako sa pila, sa ride at sa daan papunta sa pang ibang rides. Alalang alala ko pa lahat.

*a teardrop fell*

Naalala ko pa 'yung 'Wheel of Fate' ride ko with him. Actually, unang ride ko 'yon dun sa buong buhay ko. Iniisip ko kasi dati na walang thrill. Pero ngayon, sa dami nang nangyare, itong ride na ito ata ang pinaka hindi ko malilimutan. Tipong kapag Enchanted Kingdom ang pinag-uusapan, ITO ang maaalala ko. *teardrop* Kasama na rin ang mga alalaa ng nakaraan.

at hopefully, alalaa nang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

Kaso... *sob*

'Di ko mapigil ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

"Pagkaraan lamang po ng isang oras, Magkakaroon ng fireworks display at pansamantalang ititigil ang Wheel of Fate at EKstreme Tower Ride para masiguro ang kaligtasan ng mga sasakay. Magbubukas muli ang mga nasabing ride ilang sandali pagkatapos ng fireworks display. Magandang Gabi po sa lahat. Maraming Salamat sa inyong pagbisita sa Enchanted Kingdom. Muli, magandang gabi."

Gusto kong humagulgol nang napakalakas ngayon. Gusto kong sumigaw pero wala namang makakarinig sa akin. Wala. Mag-isa lang ako. Kung meron man, hindi naman nila ako kilala

Puro sakit na lang ba..?

*sob*

Nanghina ang tuhod ko at tuluyang napaupo. Even worse than my last year's wheel of fate ride. My last year's field trip. Bute na lang at last na ako sa pilang ito at wala akong maaabala sa pagkakaupo ko. Sinara na rin kasi yung pila dahil nga sa fireworks display mamaya.

Darating pa kaya siya...

*sob*

Marami akong nakikitang tao pero napakalabo talaga. Hindi ko na halos maaninag ang paligid. Hindi na ako makatayo dahil sa pagod...

at sakit. Parang gusto ko na lang maupo dito. Parang huminto ang oras ko pero hindi katulad sa mga love story. Parang wala na ako...

Naririnig ko ang mga tawanan ng mga tao pero ako, hindi kumikilos.. Tanging ang pagtulo na lang ng luha at sakit ng nararamdaman ko ang patunay na buhay pa ako.

Kakambal na ba talaga ng buhay ang sakit?

Still waiting.

Kahit wala namang darating.

ATTACHMENTS lead to EXPECTATIONS and

EXPECTATIONS lead to DISAPPOINTMENT.

Yeah right.

Maya maya lang, start na ng fireworks display at manonood akong mag-isa. *sob sob*

Kasama ko siya last year..

Pero...

iba sana kung kasama ko siya ngayon.

*teardrops*

Ibang-iba.

I'm supposed to change the impression of this ride to me.

Kaso...

Katulad pa rin naman nang dati. Umiiyak pa rin ako.

Ang kaibahan lang...

Ngayon,

...mag-isa lang ako.

Unless You Let Yourself FallOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz