CHAPTER 8 - Akala Ko

19 1 0
                                    

<< CHAPTER 8 - Akala Ko >>

"Sige guys, ingat kayo!"

Natagalan din 'tong gala ng ng I - Neon. Mabuti naman. Masakit na kasi ang ulo ko. Gustong-gusto ko nang umuwi.

Syempre, parekoy ko 'to e!

Gustong-gusto ko na talagang umuwi. Gustong-gusto ko na talagang mapag-isa.

"Gabi na. Hatid na kita, Riche!"

Hatid? No. Kaya ko na! Baka umasa na naman ako e! Pwede ba huwag ka masyadong concern or sweet! Wala kang kasalanan kasi ako naman yung umasa.. or ako nga lang ba yung may kasalanan. Hindi ko ba kasalanang umasa kung parang pinapaasa mo ako? O sorry! Mag-parekoy nga pala tayo! Normal lang 'to! TANGA TANGA LANG AKO!

"Riche?"

"Kaya ko na!"

Gusto kong mapag-isa. Hindi nga ako makaharap sa kanya kasi umiiyak ako! Nasasaktan ako! Umasa talaga ako. Pakiramdam ko kanina, lumulutang ako sa sobrang saya pero gumuho ang mundo ko nung sinabi niyang dahil parekoy niya ako! KAIBIGAN LANG ANG TINGIN NIYA SA AKIN! SIya lang ang minahal ko. Bata pa kami pero.. ngayon lang talaga ako nakaramdam ng sobrang saya kapag kasama ko ang isang tao. Lahat nakakatawa.. hindi nakakasawa. Nangingiti ako kada maalala ko yung pinag-usapan namin. Minsan kahit walang katuturan ang pinag-uusapan namin, ayoko pa ring matapos! Sa kanya ko lang naman naramdaman yun! SA KANYA LANG! Natutuwa ako sa bawat thank you niya.Naalala ko nung umiiyak siya dahil sa bagsak niyang quiz, para siyang bata. Hindi ko alam kung paano exactly.. basta napatawa ko siya nung araw na yun. Naiiyakan ko naman siya sa problema ko sa bahay. Kasama ko siya sa tawanan, iyakan, kabaliwan.. LAHAT LAHAT! Sinasabi naman niyang kailangan niya ako. Sinasabi naman niyang mabuti na lang at lagi akong nandyan para sa kanya. Salamat daw sa pagpapasaya ko sa kanya!

Pero ako lang e.. ako lang yung naghangad ng higit pa sa pagiging kaibigan. Higit pa sa pagiging parekoy. Sorry, Louis! Alam kong wala kang kasalanan.. nasasaktan lang talaga ako ngayon kaya ko naiisip 'to. Hindi pa kita kayang harapin.

"Ano ka ba? Marami ng lasing sa daan! SIge ka baka marape ka dyan! HAHA!"

"SINABI KO NA KASING KAYA KO NA E! LUMAYO KA PLEASE?!"

I'm sorry. Hindi ko talaga kayang harapin ka ngayon.

"Hindi ako aalis!"

"Please, Lou...is.. ple....ease na...ma..an"

"Umiiyak ka? Parekoy, ano bang problema? Makikinig ako! Di ba, lagi lang lang tayo nandito para sa isa't isa? Ano ba 'yun? Sabihin mo na please?"

"MANHID KA BA TALAGA O TANGA?!"

Shoot. That stopped him. Ewan ko. Hindi ko maexplain ang reaksyon niya. That lleft him speechless. Nakatungo lang siya at hindi makatingin sa akin. hindi niya siguro akalain. Hindi ko na mababawi ang mga nasabi ko. Ito na siguro ang chance ko.

"Hindi mo ba talaga sineseryoso yung mga sinasabi ko? HINDI MO TALAGA NAIINTINDIHAN? Hindi biro 'to, Louis! Hindi madali! Oo, parekoy mo ako. Oo, magkaibigan tayo! MASAMA BANG MAGHANGAD NG HIGIT PA? AKALA KO GANOON KA RIN E... AKALA KO OKAY TAYO! Isa lang akong kaibigan para sayo.... kahit kelan ba hindi mo naramdamang totoong mahal kita?"

"Soo... rrry.. Akala ko"

Ako rin, maling akala. Akala ko fairytale e. Akala ko kapag nainlove ka sa isang tao, in love na rin siya sayo. Sa dinami rami ng nabasa kong libro at nabasa kong telenovela, wala ni isang nagparealize sa akin napakasakit palang magmahal. I thought this would be easy. Ang bigat-bigat pala.

"Akala mo ano? Akala mo wala akong pakiramdam? Sorry, I misunderstood your sweetness! HUWAG KA NANG SUSUNOD! GUSTO KONG MAPAG-ISA!"

Hindi na siya sumunod. Ewan ko ba, akala ko susunod siya! Akala ko hahabulin niya ako! Di ba ganun naman yun? Hahabulin nung leading man si leading lady. Kahit malinaw na wala na akong pag-asa.. Kahit maliwanag ng kaibigan lang ang tingin niya sa akin... Hindi ko pa rin maiwasang hilinging tumakbo siya palapit para ipaliwanag ang lahat. Para sa sabihing mahal niya rin ako. Para sabihing natatakot lang siyang umamin! Ano? hindi mo ba talaga ako hahabulin? Parekoy.. bakit wala kayo ngayon. Magkasama tayo miski sa iyakan, di ba? Pakiramdam ko waa na akong lakas! Pakiramdam ko matutumba ako. Pero hindi pwede..... matibay ako! Wala ng lalapit sa kain ngayon. Wala nang pupunta para tulungan ako! Sarili ko lang ang makakatulong sa akin ngayon.

Pero hindi kami ganun e. Ansakit-sakit pala. Para akong pinapatay! Habang tumatakbo ako palayo. Lalo ko lang naramdamang.. ako lang talaga mag-isa. Ako lang talaga ang nagmahal ng higit pa sa isang kaibigan. Sana kahit onti... naisip mo rin hindi mo kayang mawala ako. Ako kasi..... hindi na alam kung paano mabuhay ng wala ka. Hindi ko na alam kung paano maging masaya.

*raindrops*

Umuulan.. pero this time walang magpapayong para sa akin. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa akin ngayon. Hindi ko alam kung ano pa kam pagkatapos ng gabing 'to! Gusto ko nang matapos 'to.....

...kahit natatakot ako kung anong posibleng mangyare.

===END OF FLASHBACK===

Ang emo ko dati, Ang babaw pa ng tingin ko sa love dati. Emo pa rin pala ako! Haha!

Hindi ko naman sinasabing alam na alam ko na ang pasikut-sikot ng PAG-IBIG.. pero malaki na ang nag-iba. Hindi kayang mabuhay dahil hindi niya ako mahal? Ang OA ko talaga dati. Nakakahiyang aminin pero ganun ang thinking ko before. Kamatayan na kapag hindi ka kayang mahalin ng mahal mo.

 Pero ngayon... narealize kong...

Kapag nagmamahal ka... gugustuhin mo ang ikasisiya niya. Tatanggapin mo lahat ng tungkol sa kanya

Kahit masakit sa part mo.

Ang I'm deciding to love him again.... ngayong mas matured na ako. Mas kaya ko na sigurong ihandle ang sakit.

Unless You Let Yourself FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon