"At saan mo naman dadalhin ang babaeng 'yan, Elvis?"
"I will personally thank her for bringing my brother home safely, instead of letting her witness your disrespectful manners." seryosong aniya bago niya ako kaladkarin papasok sa kwarto ni Elias.
I let him take his time para asikasuhin ang kapatid niya. He was about to unbutton his top, but he suddenly looked my way. Nakasandal lamang ako sa nakasaradong pinto habang pinapanood siya.
"Why?" napatanong ako nang tumaas ang kilay niya sa'kin.
"Close your eyes."
I rolled my eyes. Anong akala niya sa'kin? Pagnanasahan ang kapatid niya matapos kong magmagandang loob na ihatid siya rito?
"Is this your way of thanking me? Nakaka-touched, grabe." pamimilosopo ko, but he just tilted his head and raised his brow even more.
"Argh! Fine!" napabulalas ako bago pumikit.
"Don't open them until I say so."
Sarkastiko akong napa make face habang nakapikit pa rin. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng aking tenga. I waited for long minutes—hours, or so it felt, bago ko marinig ang go signal niya.
Binuklat ko ang mga mata ko, at bumungad sa'kin ang bagong palit at malinis na katawan at damit ni Elias ngayon.
Elvis stood and opened the door I was leaning on. "After you," anyaya niya.
I blew out a sigh with my arms crossed bago tumalikod at lumabas. Hinintay ko lamang siyang isara ang pinto bago siya humarap sa'kin.
"Thank you for bringing him home safely, Prescilla."
I shrugged. "Thank you is not enough. Kailangan ko ng kabayarang kapalit."
Nakagat niya ang labi niya saka naglabas ng wallet. "M-Magkano ba?"
"Five hundred lahat."
Umawang ang panga niya. "H-Ha? E, allowance ko na 'yan per month!"
I held out my hand as if waiting for the money to be handed to me. He sighed bago isa-isang kinuha ang tig-isang daang piso na cash sa wallet. He counted them twice, glancing back and forth between me and the money, as if it might disappear like ash—because it will—before finally handing it to me.
Malaki ang ngiti ko nang tinupi iyon at itinago sa bulsa ng pants ko.
"San mo naman gagamitin ang ganyan kalaking halaga?"
"Saan pa ba? Magiging allowance ko 'to, dahil nakakahiyang manghingi ng perang pambaon kina Tito Juancho."
"Hindi kita maintindihan."
"Sa kanila ako titira pansamantala." Diretsa ko, na nagpakunot ng noo niya. "Naglayas na kasi ako. Kaya mas kailangan ko 'to kaysa sa'yo."
"Prescilla, bakit? May nangyari ba sa inyo ng parents mo?"
"Dibale na, kalimutan mo na 'yon. Oh siya, mauna na ako."
Bago ko pa man siya talikuran, hinuli niya ang braso ko. "Teka, sandali. H-Hindi ka ba magkulwento man lang?"
I pulled my hands back so I could cross my arms again. "Alam mong hindi ko ugaling magbigay ng detalye patungkol sa buhay ko. 'Saka, wala ka rin namang ibang gagawin kundi ang pangaralan ako."
Chapter 15
Start from the beginning
