"The answer is sixty." pumagitna si Elvis sa katahimikan. “If you borrow one thousand pesos from a bank at six percent simple interest for one year, ang interest na babayaran mo ay total na sixty pesos. Using the Commercial Arithmetic formula, minultiply ko lang yung principal, which is the amount of money borrowed, sa rate of interest na six percent or point zero six kapag ginawang decimal. After multiplying, naging sixty. Then, minultiply ko ulit sa time na nakalagay sa formula, which is one year. So now, the simple interest for one year is ₱60, while the total amount you need to repay is exactly ₱1,060.”

Natulala na lang kaming pareho ng matandang prof sa kanya, pero agad din siyang natauhan.

"Very good. Anong course mo?"

“Business Administration, po. Major in Business Management,” sagot ni Elvis, kalmado pero may awtoridad sa boses.

No wonder siya ang laging bukambibig ng mga former teachers namin noong Junior High.

Totoo naman kasi.

Nasa kanya na ang lahat. Bukod sa mayaman at gwapo, matalino pa.

Tumango siya at sinenyasan si Elvis na maupo, habang ako naman ay nanatiling nakatayo.

“See that, class? Ganyan dapat, maging role model niyo siya. Mag-aral kayo ng mabuti, at hindi kung ano-ano lang ang pinagkakaabalahan. Hindi libre ang pinapaaral sa inyo.”

Hindi ko tuloy alam kung mao-offend ba ako o mahihimatay sa hiya, lalo na nang sabayan pa niya ng tingin na parang minamaliit ako pagkasabi niya no’n.

"At ikaw, anong pangalan mo?"

Hindi ko siya magawang tignan, kaya naman hindi ko sure kung para sa'kin ba ang tanong na 'yon. "Prescilla Zalde ho."

“Ikaw ang unang magre-report bukas. Pwede mong hingan ng tulong ang kaklase mong sumagot para sa’yo. Bukas, pagkatapos kong magpa-quiz, gusto kong marinig ang report mo.”

Napapikit ako sa inis.

Bakit ba ako lagi ang napupuntirya ng lintik na teacher na ‘to?

Naiinggit ba siya dahil hindi niya naranasan maging maganda hanggang sa pagtanda? Nakakabwisit!

Right after matapos ang class, binigyan niya ako ng topic na ire-report ko raw. Hindi nakatakas ang pa-irap irap ko hanggang sa lumabas siya. Mapanot sana siya!

Sumandal ako sa tapat ng room ni Adele, hinintay ko talagang matapos ang class niya para lang rito. Late na tuloy sa'kin ang mag lunch pero dibale na, para lang may mapatunayan ako sa bruhildang matanda na 'yon na akala mo kung sino.

Para lang malaman niya, mas mukha siyang retired na madre kaysa propesora!

Sa wakas, after ng ilang minuto ko pang paghihintay ay lumabas na rin ang Prof nila. Tanaw na tanaw ko na binabato si Adele ng crumpled papers nung mga boys. ang iba ay tinatawanan siya, 'yung iba naman hindi pinapansin ang ginagawang pambubully sa kan'ya.

I straightened from where I’d been leaning and walked into their classroom, with my arms crossed.

Natigilan yung mga boys sa ginagawa nila kay Adele at napatitig sa katawan ko paakyat sa'king mukha. Kulang na lang mapanisan sila ng laway kung makanganga.

“Hi, boys.” I waved, fingers fluttering. “Mind if I borrow her?”

Nakanganga pa rin silang tumango-tango, parang masunuring aso lang sa kanilang amo.

Lumapit ako kay Adele na nakaluhod para damputin iyong mga gamit niya na nagkalat kanina. I helped her out since I was already running out of time.

"Ang ganda na, ang bait pa."

"Sexy, pre."

Taas noo akong napangisi sa mga compliment na naririnig ko. Well, hindi naman na bago sa'kin ang mga papuri.

Kumapit ako sa braso ni Adele at hinila ko siya palabas ng classroom nila, pero bago pa man kami tuluyang makaalis, nilapitan ko muna ‘yung grupo ng mga lalaki kanina.

Lumapit ako, as in sobrang lapit. Flashing them with my sweetest smile. “Huwag niyo nang guluhin si Adele, okay? Nahihirapan na nga siya sa pagiging pangit niya, so, please, huwag niyo na sanang dagdagan. Be nice to her, hmm?” I winked, standing on my toes just enough to plant a teasing kiss on the cheek of whoever was closest.

I found it funny when they all gasped, and I couldn’t help but giggle habang masiglang lumapit kay Adele. Pero agad rin naglaho ang matatamis kong ngiti at sigla nang marinig ko ang huling sinabi niya.

"P-Pasensiya ka na talaga, P-Prescilla…" malungkot niyang sabi bago ayusin ang makapal niyang salamin.

We were both sitting in the library, para naman hindi na siya muling mapagdiskitahan nila Mercy sa Cafeteria or School Grounds. Paniguradong duon nakatambay ang mga yon ngayon.

"K-Kailangan ko kasing tapusin ang fifty papers na essay para sa compilation ng literary works. B-Babawi na lang ako sa’yo kapag nakaluwag-luwag na ang gawain…"

Wala na ‘kong nagawa. Lutang akong bumalik sa klase. Hindi ko namalayan ang oras o petsa sa sobrang pagkalutang.

Ang gutom kaya kong tiisin, sanay na akong hindi kumain sa loob ng tatlong araw.

Pero ang gagawin kong report bukas… paano ko ‘yon sisimulan kung hindi ako matutulungan ni Adele?!

Siguro, talagang dapat umabsent na lang ako bukas. Pero ano na lang ang sasabihin nila sa'kin? Na puro lang ako ganda pero walang utak? Hindi naman ako papayag na ganun na lang ang reputasyon ko!

Kumalampag ang mga upuan at mesa nang tumunog ang bell. Nakabusangot ako at walang ganang nagligpit para maglakad palabas ng room. They politely said their goodbyes, but I ignored them. Wala ako sa mood makipag plastikan sa kanila ngayon.

"Prescilla."

Ano na lang ang gagawin ko? Tama ba talaga 'tong desisyon ko na tumungtong sa kolehiyo?

"Zalde."

Bakit ba kasi nauso pa ang Math! Pero hindi lang 'yon e—bakit ba kasi galit na galit sakin yung matandang hukluban na 'yon!?

Bente kaming istudyante niya sa klase, pero ako lang ang nakita niya! Ganun ba talaga nag-stand out ang beauty ko!?

Natigilan ako nang may mahigpit na kamay ang kumalapit sa’kin. Wala siyang muwang na kinaladkad ako, pero lantang gulay lamang akong sumama.

"Prescilla, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ng isang naiiritang tinig, si Elvis lang pala.

Agad namilog ang mata ko at nilingon ang nag-iisang guardian ko. His body stiffened as I suddenly jumped for joy while hugging him.

Kanina lang, nagdududa pa ako kung para ba talaga sa’kin ang magandang buhay. Pero kita mo nga naman, ayaw niyang makita ang maganda niyang anak na maghirap sa buhay! Binigay niya agad ang sign!

Starting today, magiging palasimba na talaga ako! Magmula sa araw na 'to, I’ll be a good girl!

Patterns I'd End Up ChoosingWo Geschichten leben. Entdecke jetzt