[TDSB] THE NEW CHAPTER BEGINS

Magsimula sa umpisa
                                    

“Oo Lulu, halata nga eh makayakap ka waga---“

BOOGS!

Biglang may bumangga kay Skye kaya naman bigla ring nahulog ang shades niya buti na lang nasalo niya yun agad bago sa sahig bumagsak.

“Ay naku sorry po!” hinging paumanhin ng babaeng nakabangga sa kanya.

Nakayuko lang na tumango si Skye. Aalis na sana kami ng hindi pa rin umalis sa harapan namin yung babae.

“Skye Villamor?” tanong nung babae.

Oh jeez…

“Ha? Ah hindi…” tanggi ni Skye at isusuot na sana ang shades niya nang pigilan siya ng babae.

“Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw si Skye Villamor ng Fall Out!” malakas na sabi nung babae. Hinawakan ni Skye ang kamay ko.

 

 

 

“Si Skye nandito?”

“Si Skye ng Fall Out?”

“Kyaaah asan?”

Naku naman oh! Kararating ko lang bakit may ganito?

Tiningnan ako ni Skye. “Lulu, isuot mo ang shades mo.”

“Ha? Ah bakit?” tanong ko, pero ginawa ko naman ang sinasabi niya.

“Skye pa-autograph naman!” sabi nung babae sa harap namin.

Alangang ngumiti si Skye at tiningnan uli ako. “Ready Lulu?”

Ready saan?

“Kyaaaahhh!!! Nandun si Skye!”

“Takbo!” tapos bigla kaming tumakbo! Ang daming fans na humabol.

Naku naman! Bakit nangyayari sa kin to? kararating ko lang! Nang makarating kami ni Skye kung nasaan ang kotse niya ay agad kaming pumasok at bago pa man kami tuluyang maabutan ng mga fans niya ay humarurot na kami palayo.

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon