Chapter 26: I'm leaving

Start from the beginning
                                    

Yes, mag- best friend na rin kami ni Lance. Naging close rin naman kami. At nakakatuwa dahil andiyan siya para sa best friend kong si Yanna. At least, kahit malayo ako, I'm sure na may magbabantay na sa maarte kong kaibigan.

Marami pa akong nabasang mga messages mula sa relatives at ibang malalapit na tao. Habang nagbabasa, biglang lumabas sa screen ko ang isang unregistered number na tumatawag.

Sinagot ko iyon.

"Hello?" ---ako

[I'm sorry.] sabi niya, who's this?

"Huh? Sorry but I guess you dialed the wrong number." ---ako

[I'm sorry Patricia.] tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang pangalan ko.

"Hindi kita kilala." ---ako

[This is Ice. I'm sorry kung naging walang kwentang kaibigan ako sayo. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for shouting at you all the time. I'm sorry for all my mistakes.]

Sandali kaming napatahimik.

"What do you want now?" yan. Tama yan, magpakatigas ka ngayon Patricia. Kahit ngayon lang.

[Please don't leave.]

Eh takte naman pala! Matapos mo kong saktan ngayon pipigilan mo kong umalis?

"I've made my decision." sabi ko

[Please. Please. Just don't leave.] pagmamakaawa niya

"Nakapagdesisyon na ko." ---ako

[I'm begging you. Don't leave.]

Sagad na.

"Eh putcha naman pala Ice! Ano ba talagang gusto mong mangyari ha? Ilang beses mo ba kong gagawing tanga? Sinaktan mo ko tapos ngayon, ayaw mo kong paalisin? OO! Wala akong karapatang magsalita ng ganito kasi hindi naman naging tayo! Pero di ko maiwasan eh! Nasaktan kasi talaga ko! Aalis ako para makalimot. Kaya parang awa mo na Ice, tumigil ka."

Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko. Napamura pa tuloy ako. Nakakainis.

Inend ko agad yung call matapos kong magsalita dahil baka kung ano pang masabi ko.

And for the nth time, umiiyak na naman ako.

Pagod na pagod na ko.

Humiga nalang ulit ako sa kama ko at pumikit.

That's it.

I'm leaving.

****

Ice's POV

Kakauwi ko lang galing sa isang playground. Doon ako nagpapalamig madalas kapag nagaaway kami ni Dad.

At nakita ko roon sila Xider. Pati sila Yanna.

Ano kayang ginagawa nila dito?

Alam kong galit sila sa akin pero sinubukan ko paring lumapit. Papalapit na ako sa kanila pero dahil sa narinig ko ay napahinto ako at nagtago nalang sa isang puno.

"Patricia's leaving tomorrow." ---Xider

"Huh? Going where?" tanong ni Yanna

"France." ---Xider

Kita kong nagulat sila Yanna. Nagbibiro ba si Xider?

"Stop joking Xider!" ---Yanna

"Seriously bro?" dagdag ni Lance

"Wala siyang kasama! Imposibleng pumayag siya sa offer na binigay sa kanya dun." nanluluming sabi ni Yanna

"She's not going there alone... 'Cause I'm going with her." ---Xider

The DareWhere stories live. Discover now