Chapter 24: I choose her

2.2K 65 4
                                    

Patricia's POV

Nag- drive si Xider papuntang Disix. Yung kotse ko pala, iniwan ko dun kagabi. Pinapark nalang daw ni Xider sa private garage ng restaurant niya.

Pagdating ko doon, nakita kona agad si Yanna. Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako nang sobrang higpit.

"H-Hindi ako makanhinga Y-Yanna." sabi ko kaya bumitiw siya agad at inusisi ako

"Okay ka lang ba ha? Kumusta ka na? Ano bang nangyari kahapon sayo?" tanong niya

Bakit alam niya yung nangyari? Nahalata niya atang nagtataka ako kaya nagsalita na ulit siya.

"Xider told me everything. So, how are you na?" tanong niya ulit

"I'm fine." sabi ko at ngumiti

Napangiti rin si Yanna.

"That's good to hear... Oh, here's you inhaler and meds na." sabi niya sakin at inabot ang isang paper bag

"Thanks Yanna. Wait, I'll just get my money." sabi ko at pupunta na sana sa kotse ko na nasa private garage. Naiwan ko kasi dun yung wallet ko.

Pero pinigilan ako ni Yanna.

"No need." sabi niya at ngumiti na parang aso

"Sus, di pwede no!" sabi ko

"No it's really okay. Hindi naman ako bumili niyan eh." sabi niya

"Eh sino?" tanong ko

"Si Ice." sabi niya at kiniliti pa yung tagiliran ko

Nawala yung masaya kong mukha.

"Yiieeeee!" irit niya

"Alam niya yung nangyari?" Seryosong tanong ko

"Yeah. Isn't sweet? Tapos ikaw pa yung topic sa group chat ng D6 kagabi." kinikilig niyang sabi

Topic sa group chat? Kailangan ko na magbukas ng facebook at messenger ko.

Napatingin ako sa hawak kong paper bag.

"Isoli mo 'to sa kanya." sabi ko

Hindi niya yun inabot dahil sa pagtataka kaya lumapit ako sa isang basurahan at tinapon iyon.

"Teka nga. Bakit ba? May hindi ba ko alam?" tanong ni Yanna pagkabalik ko sa pwesto namin kanina

Shempre, sino ba namang hindi magtataka sa inaasal ko? Parang kahapon lang, patay na patay pa ko kay Ice. Pero ngayon, bigla nalang nagiba ang ikot ng mundo.

"Alam na niya." sabi ko

"Ang alin?" tanong pa niya. Minsan talaga slow din tong kaibigan ko na to eh.

"Everything." sabi ko

Hindi niya pa rin nagets kaya kinwento ko lahat ng nangyari sa kahapon. Pati yung pag- amin ko. Yung pagsigaw sakin ni Ice. Yung pagpapaalis niya samin ni Xider... Lahat. Naiinis na nga siya kay Ice ngayon.

"E di siya din ang may kasalanan kung bakit ka nahimatay kagabi? Sukat paiyakin ka kase kaya ayun! Hanggang sa hindi ka na makahinga at nahimatay ka!" galit na galit niyang sabi

"Pasalamat siya walang nangyaring masama sayo! Kundi ipapa- salvage ko talaga siya!" dagdag pa ni Yanna

Saktong lumapit samin si Xider.

"Papunta na rito si Bea at Ice. Kakausapin daw tayo." sabi niya

"Mabuti! Para naman maiganti ko 'tong kaibigan ko sa ginawa niya!" sabi ulit ni Yanna

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon