Chapter 18

377 7 0
                                        

At midnight, we were like extraterrestrials, who are in between voyage and escape. Riding a bicycle was one of the things I recorded on my bucket list. Yet, I didn't know doing this under the pitch-black sky would make it a million times more exciting. 

"Paki-bagalan naman ang patakbo mo," pakiusap ko sa kanya. Gusto ko lang talagang sulitin 'to bago kami makarating do'n. And if possible, mas gusto ko na lang magpaturo kung paano mag-bike. 

"Your hold's too tight, Ruth. Baka gusto mong maglakad na lang?" Mahina ko siyang pinalo sa balikat niya kung saan ako nakahawak. Ang bilis kasi niya magpatakbo at nahihirapan pa akong makaupo nang maayos. 

"Do we really need to go there? Pwede bang maglibot muna tayo?" 

I was crossing my fingers, hoping I would get a "yes" from him, but I didn't get any. Binagalan na niya ngayon ang pagpidal kaya nakuntento na lang ako sa gano'n. 

"I know what you're trying to do. Sabi ko naman kasi sayo, hindi makakatulong na nililibang mo ang sarili mo para lang maiwasan ang dapat na gawin. You'll just tolerate more breaks rather than gaining changes." 

A part of me doesn't want to agree with him because I need this. I need some time for pauses. I need to at least destress myself like I need to grow a hair before cutting it. I've always been in a consistent pursuit of the difficult ones without any single interval, so I wanted to provide a space for myself to breathe lighter scenes for a while. 

Pero naiintindihan ko rin naman kung saan siya nanggagaling dahil iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi lang sarili ko ang nakasalalay dito dahil may ibang tao na rin ang damay. At kung patatagalin ang pag-iwas ay baka kami ang umuwing talo. 

"You're harsh. I hope you know that, pero tama ka." And here I am, acknowledging others' views. Because it's not always about me. 

"After this, I promise na marami kaming babawi sa 'yo. Sa lahat ng mga hirap na binigay nila sa 'yo at sa paghihintay mong makarinig ng kapatawaran mula sa kanila, kami ang gagawa no'n sa 'yo." 

Tila nawalan ako ng boses para sumagot nang marinig sa kanya 'yon. Is it really my turn now? My turn to have my own people comforting me, understanding me, giving me signs of worry, wanting me to stay, and serving as the human form of my prayers?

Ang tagal kong hinintay 'to. And I was glad they showed themselves to me at this leading point. 

"Nakatulog ka na ata diyan?" At doon ko palang nakuhang sumagot sa kanya.

"Wala bang malapit na convenience store dito? Gusto ko ng ice cream." Napailing siya sa narinig sa 'kin. 

"Sige na please? Reward mo na lang 'to sa 'kin kasi pumayag akong sumama sa 'yo kahit patulog na ako kanina," pang u-uto ko sa kanya. Akala ko makakaya niya akong tiisin pero iniba niya ang ruta namin. Napangiti ako dahil do'n.

I decided to drag the time backwards because when it finally strikes at the right time, I'll be unsure if I can still be able to do this. 

Tumigil kami sa isang maliit na grocery store na bukas 24/7. Nauna akong bumaba sa kanya at hinintay siya sa gilid nang ayusin nito ang stand ng bike. 

"Anong flavor gusto mo?" tanong niya pagkalapit. 

"Vanilla." Sabay kaming pumasok sa loob at pumunta sa may freezer kung nasaan ang mga ice creams. 

I chose the Magnum ice cream. First time ko magpalibre kaya sulitin na. 

"At talagang 'yang pinakamahal pa ang pinili mo." I raised my left brow and scoffed at him. These things are really new to me. It's intoxicating me with happy memories that I have never included in my mental images. Puro fantasies lang kasi noon kaya naninibago akong may mga nabubuo sa reyalidad. 

Lumabas kami sa store matapos niya iyon bayaran at naupo muna kami sa labas para kumain. Ang flavor na kinuha niya ay chocolate na cornetto. Nagtitipid daw kasi siya. 

"Mas maganda ka talagang tignan kapag masaya ka. Gusto ko sanang sabihin na para kang bumalik sa pagkabata pero hindi mo pala naranasan 'yong ganito noon." His last statement came off as a dark one. But I was okay with that. Because when I thought blessings would never happen to me, this moment came to give me a chance. 

"I'm sorry. I should've not said that," saad niya nang mapansin ang pagbabago ng mood ko. 

"Tama ka rin naman pero hindi ko na dapat masyadong gawing big deal. Kasi hindi pa naman huli ang lahat. Bad lucks will get tired of staying with me. I'm the easiest one to leave, remember?" I joked. Ginulo niya ang buhok at saka inakbayan.

"I'm five years older than you," he randomly said. 

"And so?"

"You can call me kuya. Alam kong gusto mo na noon pa ang magkaroon ng kapatid na lalake." Kahit aware akong marami siyang alam sa 'kin ay nagulat pa rin ako na pati 'yon ay alam niya. Naiisip ko na tuloy kung mind-reader ba siya o kung binayaran niya ba 'yong diary ko noon para sabihin lahat sa kanya ang tungkol sa 'kin.

"I don't want a creepy brother." Nagkibit-balikat lang ito saka kami tumahimik sandali.

Inubos namin ang ice cream bago napagpasyahang umalis na. Parang kanina pa rin ngang nagmamadali si Xeb pero hindi ko lang pinapansin dahil alam kong may kinalaman ito sa bahay. Kung ano man ang ganap doon, sana ay makayanan ko.

Mas mabilis na ngayon ang patakbo niya at hindi na ako nag-abalang magreklamo pa. Nang marating ang bahay ay sa likod niya ako iginaya papasok. 

He also signaled me to keep quiet when we heard arguments inside. Ang boses ni mommy ang nangingibabaw. 

"How dare you show yourself here! Binigo mo kami ng daddy mo kaya lumayas ka na!"

She was this loud and horrible to listen to before. Even my dad, who always sided with her, would mirror her way of treating everyone as their slave in an ill manner. 

"And what are these papers? You're really insane! Matagal na natin 'yang itinapon 'di ba? Parehas talaga kayo ng kapatid mong walang kwenta!"

Kapatid? 

My heartbeat started to quicken up as I tried to cast a brief look on the window, and that's when my thorns in the flesh multiplied with the sight of the person whom I thought was on my side. 

Evelyn...

Wrong Name, WaveWhere stories live. Discover now