From: 09*********
Yo! Nakuha mo na ba si pusa? Humihinga pa ba siya? Alagaan mo 'yan ha. Alon ang ipangalan mo sa kanya.
Pagkarating ko sa condo ay puro mga texts galing sa unknown number agad ang bumulabog sa 'kin. Sa tono pa lang nito ay alam ko na agad kung sino.
To: 09*********
Tobias ang pangalan niya.
Naglilikot 'tong pusa sa bisig ko kaya pinahiga ko muna sa bean bag. If there are any living things that I have a soft spot for, animals would bear my obsession. I hope this companion will stay long-term.
From: 09*********
Wag ah. Baka i-ship pa tayo
Napailing na lang ako sa kung paano siya sumagot. Buti na lang ay malapit nang ma-lowbat ang phone ko para hindi na ako maistorbo pa.
Alon. Iyon ang ipinangalan ko sa kanya para maalala ko kung kanino ko siya ibabalik kapag puro kalmot na ako sa katawan.
I still couldn't register his words, his gift. Is this how he treats Zelda? Kung gano'n, sobrang swerte naman niya. To have someone who will not run away even after showing how prone you are to vulnerabilities, pray for the universe's apology for giving birth to your sufferings.
Can I have Zelda's existence for a while? Pwede bang ako muna ang makatanggap ng ganitong trato? Kahit sandali lang. Gusto ko lang maranasan.
But then again, I feel guilty for being desperate. Every time I try to conceal a request to be committed to something I badly want to keep, laging ipinapaalala sa 'kin ng nakaraan ko kung ano ang nangyari noon.
I don't want to be stuck in that cycle again, but I also don't want to stay loyal to my griefs.
Sa mga sumunod na araw ay nagpakalunod lang ako sa trabaho dahil binigyan na naman ako ng due date kung kailan ipapasa ang manuscript ko. Baka tanggapin na rin kasi namin nila Mr.Feur 'yong offer na gawing movie adaptation ang isang book series ko. It's just a matter of deciding and organizing to great lengths before they get our "Yes."
Nadagdagan din ang responsibilidad ko dahil sa pusang nanggugulo sa 'kin. Today's my day off so I didn't go to the office. Hindi ko rin naman pwedeng dalhin siya doon kapag may pasok ako kaya usually ay iniiwanan ko na lang siya ng treats at tubig.
"Alon, ubos na naman 'yong isang box ko ng bandage kaya umayos ka na." Hinaplos ko ang balahibo nito na gustong-gusto niya kaya mas lalo nitong inilapit ang sarili.
He's getting bigger. The brown patterns on his tail and his fine blue eyes are making his features draw more attention. I took pictures of him and posted them on my IG story. Simula nang mapunta siya sa'kin ay laman na rin ito ng content ko.
My workmates are teasing me for it. Ang swerte raw ng pusa dahil ito pa ang una kong hinard launch kaysa sa tao.
I decided to dress him up with a crochet hat in a Doraemon design na pina-customize ko pa online. Hapon na kaya magandang oras ito para ilakad siya.
"OMG! What's her name?"
"His" May mga teenagers kaming nakasalubong na tumigil pa sa pag j-jogging para lapitan kami.
"Oh. Ang cute niya grabe. Pwede po pa picture? Kilala ka rin po kasi namin dahil readers mo kami." They are all blushing and I find that weirdly cute. Normal ba talagang reaction 'to kapag makikita mo ang iniidolo mo?
I nodded and they all fixed themselves beside me for a group selfie.
"Can I?" Lahat kami ay napatigil nang may lalakeng nagsalita. He indeed looks worthy of trust with his casual getup and that holy smile. Agad na inabot sa kanya ang cellphone.
Hindi ako makangiti nang maayos dahil imbes na sa camera ang tingin niya ay sa mga mata ko ito nakapako.
Matapos nilang magpasalamat at laruin saglit si Alon ay umalis na ang mga ito. Naiwan tuloy ako kasama ang lalakeng mahilig manggulat.
"Ang galing mo namang mag-alaga sa anak natin," tawa nito na kinairita ko. Bakit ba kasi ang bilis matapos ng two weeks?
"Wave, ano ba—"
"Say it again."
"What?" Kumunot ang noo ko.
"My name. Say it again, " he requested like asking for a candy.
"Wave." The leash suddenly slipped from my grasp when he wrapped me in his arms. Ang higpit ng yakap niya na parang wala na siyang balak pakawalan ako.
"I missed you," sabi niya nang puno ng lambing.
"A psychiatrist shouldn't be soft like this." Ginamit ko ang natitira kong lakas para ilayo siya sa 'kin ngunit agad din itong lumapit na para bang nakakatakot na lumayo ako.
"You're not my patient. I don't want to treat you in a professional way."
He's being unserious. Hindi na ako nag-abalang sumagot sa kanya nang maalala ang pusa ko. Nasa mga halaman na ito sa daan kaya tinakbo ko ito at binuhat.
"Akin na. We need to go somewhere." Kinuha niya sa 'kin si Alon at saktong may tumigil na sasakyan sa gilid namin.
Every time he's around, I start failing my senses to act for myself. My mind and my body are slowly depending on him, which became my new fear.
I willingly followed him inside the car. May ibang driver kaya magkatabi kami ngayon sa likod.
"Saan tayo pupunta?" Hindi ko siya magawang lingunin dahil kanına pa niya hindi inaalis ang tingin niya sa 'kin.
"Basta magugustuhan mo do'n." Tumunog ang phone nito kaya nagpapasalamat ako sa kung sino man ang nag text sa kanya dahil nawala ang titig nito sa puwesto ko.
Kasalukuyan siyang may tina-type sa phone niya kaya nilaro ko muna si Alon na inaabot ang hat niya. Inayos ko ito dahil natatanggal sa kakulitan niya. Ayaw ko namang tanggalin nang tuluyan dahil cute itong tignan. Magtiis siya kung naiirita man ito.
Inabot ata kami ng isang oras sa biyahe. Kung kanina ay dumadaldal si Wave sa tabi ko, ngayon naman ay tahimik na.
I made my eyes travel on the surface of the overlooking hills. The crimson hue on the other side wildly interacts with the orange ember, closing ranks to wake up the night to fall in. The view charmed my lips for a 1-second smile.
Nagsimula ring maglikot si Alon kaya binaba ko muna ito at hinayaang maglaro. I saw Wave walking towards the nipa hut na ngayon ko lang din napagtuonan ng pansin. Mukhang pinasadya ito para sa mga gustong tumambay sa lugar.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Mukhang nagulat ko pa siya sa pagsisimula ko ng usapan. This is the first time, so I couldn't blame him.
His face suddenly dimmed with double-edged nostalgia.
"Paano mo rin nakalimutan ang paborito mong lugar, Zelda?"
ESTÁS LEYENDO
Wrong Name, Wave
Romance"I love you, Zelda-" I cut him off. "You just love my face, Wave. And I'm Ruth not Zelda..." I flipped another page, expecting for it to loathe my existence more. © Artwork used from the cover
