"Hey, did I do something stupid last night? May nasabi ba ako? Sorry na. Pansinin mo na ako."
Wave has been following me all over the house. Kulang na lang pati sa CR ay kulitin niya ako.
Nakita ko si Tobias sa may bench sa labas na umaaktong walang pakealam sa 'min. Nilalaro niya si Alon. And due to some matters that are put in a row lately, nawawalan na rin ako ng oras sa alaga ko.
"You're harassing my cat." Sinubukan kong kunin sa kanya si Alon dahil masyado niya itong kinikiliti. Tobias shoves my hand as defense. Isip-bata talaga.
"Tob, may nagawa ba ako?" Siya naman ang nilapitan ni Wave kaya naagaw ang atensyon nito. Kinuha ko si Alon at pinagpag ang ilang dumi na kumapit sa kanya.
"Alalahanin mo, bro. Hayaan mo muna si Ruth. Essential sa lovers ang magkaroon ng LQ."
After what happened last night, I knew something had changed. I was stretched into despair, grinding me to wake up from reality. I was hit with recognition of being the loser. And making it a big deal was one of the dumbest things to do, but here I am, proudly showing how affected I am.
Hindi ko rin masabing lasing lang siya. Drunk words are sober thoughts. At doon ko napagtanto na mas mahirap palang kalabanin ang mga taong nasa nakaraan ng iba.
"Hatid na kita?" Kasalukuyan akong umiinom ng tubig nang pumasok si Tobias sa kusina. Walang bakas ni Wave na sumunod sa kanya.
"Yeah, tara na."
Siya na ang pinakiusapan ko kanina na maghatid sa 'kin sa bahay dahil kailangan ko pa ng oras para harapin si Wave. Sabay kaming lumabas at pumasok sa kotse.
"Nagpaalam din ako kay Wave kanina at okay lang sa kanya na ako muna ang sumama sa 'yo," pagsisimula niya ng usapan.
"No one can really replace Zelda in his life." My voice sounded bitter, but I couldn't care less. I needed ears to hear my sentiments. I needed to hear another perspective about this.
Mas matagal nang kilala ni Tobias si Wave kaya alam kong masasabi niya ang mga tamang salita.
"Zelda's his world. I know you need my stand about this, so I might tell you words that can hurt you." Hinanda ko na 'yong sarili ko dito kaya tumango lang ako.
I've familiarized myself with different kinds of pain, but this one's the first time it got introduced to me. The pain that comes with the most horrifying process of recovery.
Hindi pa ako tuluyang sigurado sa kung anong nararamdaman ko kay Wave. Pagkatapos ng sinabi niya kagabi ay ayaw ko nang ituloy pa. Umaatras na naman ako. Natatakot ako dahil baka kusa pa rin akong lalapit kapag nakumpirma ko na.
"He lost her 6 years ago. No one knew her whereabouts. I wasn't here yet when it happened, but based on the stories I heard, something died in him that day."
Wave loved her loudly. Mukhang siya 'yong tipong ipapaalam sa lahat kung sino ang bumubuo sa kanya. How can someone leave a man like him? At bakit unit-unti kong nagugustuhang hilingin na sana bumalik na si Zelda dahil kahit nasasabik akong mapunta sa posisyon niya, hindi ko mabibigyan ng gano'n na epekto si Wave.
"But when he saw you, he never hesitated to open his arms for you. Walang galit at pagsisisi siyang binungad dahil ang taong totoong naghihintay, hindi nagtatanim ng sama ng loob."
I'm taking back my words. I wanted to be the one to console him. I wanted to volunteer, making up for the years that he lived in vain, holding onto someone who chose not to find her way back. Kahit ituring na niya ako bilang siya, okay lang sa 'kin.
"Kaya noong nakita rin kita, akala ko ikaw talaga 'yong babaeng hinahanap niya. But I don't know why I believed in everything you said—that you are not her. Ito 'yong bagay na pilit kong pinapalinaw kay Wave dahil nararamdaman ko 'yong hindi payapa mong loob. Na katulad niya ay marami ka ring gustong malaman. But Ruth, you do not own any of these sorrows; you were just locked up in somebody else's."
Nasa tapat na kami ngayon ng bahay pero hindi ko pa rin magawang kumilos. Si Tobias na ang nagtanggal ng seatbelt sa 'kin.
"I'll wait here. You are Ruth to me that's why you can count on me." He flashed me his reassuring smile. Sa unang pagkakataon, hindi ko nakitahan ng kahit anong kalokohan ang Tobias na nakausap ko ngayon.
"I'm counting on you," I replied before heading out.
Walang kahit na anong sasakyan sa garahe kaya nakahinga ako nang maluwang do'n. Hindi muna sila ang gusto kong makaharap sa ngayon.
"Ruth?" And I found myself calling her "Manang Yori" again.
"Salamat naman at bumalik ka. Tama nga ang kutob kong magpapakita ka ulit." Hindi kami sa loob ng mansion dumiretso. Sa likod kami dumaan kaya nakita ko ulit ang pamilyar na bahay ng mga trabahador dito.
"Dito muna tayo ha? May pinapaayos kasi ang mga magulang mo sa loob kaya magulo do'n."
Napangiti ako sa loob ko nang makitang maayos ang bahay na tinitirahan nila ngayon. My parents are giving them good shelter and I'm suspiciously glad.
"I just want to say sorry for how I acted the last time. Marami lang talaga akong mga tampong hindi nabigyan ng pansin noon," pambasag ko sa katahimikan. Ngumiti ito sa 'kin at hinaplos ang mga kamay ko. A presence of tears are starting to form in her eyes pero bago ko pa man makita ang pagtulo ng mga ito ay hinila na niya ako para sa isang yakap.
"Proud na proud ako sa 'yo. Ako ang patawarin mo dahil wala akong ginawa noong pinalayas ka sa murang edad. Sinisisi ko pa rin ang sarili kong naging pabor akong makaalis ka rito para makamit mo 'yong kalayaang pinagkait sa 'yo nang matagal."
I was unable to get a word out while listening at her. Nagsimula na naman ang takot kong maalala kung paano ako kinukulong sa kwarto ko noon. Tanging ang mga nagdadala lang sa 'kin ng mga pagkain at gamit ang kilala ko. Lagi akong pinagbabawalan noon na lumabas at makipaglaro sa mga katulad kong bata. At sa tuwing tinatanaw ko ang bintana sa labas at nakakakita ng mga hindi pamilyar na mukha ay sinasabihan lang ako na imahinasyon ko lahat ng 'yon.
Too young to be brought pressure to bear upon manipulation. Whatever they told me to think and do, my innocence would always keep pace, afraid to be chained and treated unhinged on my bed.
"Pero pinasundan kita at pinabantayan sa anak ko. Hindi ko magawa nang mag-isa lang dahil bantay-sarado ako ng mga magulang mo." And until now, they are being tailed off with threats. Now that I'm getting along with empathy, I wouldn't want anyone who is on my side to be discounted with respect.
"Kaya po talaga ako bumalik dahil alam kong may mga naiwan pa akong mga piraso ng pagkatao ko dito. I wanted to be fully free, and I'll only get loose with the strings of my past in this place that caused it." Napahinga nang malalim si Manang Yori na parang matagal na niya itong hinihintay marinig sa 'kin.
"May hindi ka pa kilalang nanirahan dito. Totoong mga pangyayari rin ang mga sinasabi ng mga magulang mo noon na imahinasyon lang. Ngunit hindi ko kayang mag-isa lahat i-kwento sa 'yo."
Tumingin ito sa bandang likod ko at isinenyas ang kamay para palapitin ang taong dumating.
"Ito nga pala ang anak kong si Bjorn."
A familiar man stood beside her while mocking a smile.
"Xeb?"
YOU ARE READING
Wrong Name, Wave
Romance"I love you, Zelda-" I cut him off. "You just love my face, Wave. And I'm Ruth not Zelda..." I flipped another page, expecting for it to loathe my existence more. © Artwork used from the cover
