Chapter 14

410 6 1
                                        

The atmosphere came out in a fog as I tried to register who I am in contact with my face right now. 

"Xeb?" Siya talaga ang anak ni Manang Yori?

"Yeah, Xero Bjorn." I'm still confused, but now I understand why he approached me in an upsetting way at the bar. Kung paano niya ako ituring na parang kilalang-kilala niya ako at pinilit makaalala. He really has invested himself in a mission. 

"Maiwan ko muna kayong dalawa. May kailangan pa akong tapusin na inutos sa 'kin." Ngumiti ulit si manang sa 'kin at tinapik ang balikat ko. Sa ginawa niyang 'yon ay nabawasan ang matindi kong pag-aalala. 

"Bjorn, pakitunguhan mo nang maayos si Ruth," bilin niya sa anak. Tumango lang ito at kumaway kay manang.

No'ng kami na lang ang naiwan sa may living room ay parang nawalan ako ng boses. Thinking that there was actually someone who followed me, watched my every move, and made sure no one could lay a death-defying finger on me like how my parents did to me was something I needed to process momentarily.  

"I may look indecent, but I'm trustworthy." He sat on the sofa across from me. 

Nag-ipon muna ako nang sapat na lakas para harapin siya. Marami akong gustong itanong pero hindi ko alam simulan. 

"Sa tagal ko nang nakasunod sa 'yo sa malayo, nakabisado ko na ata lahat ng kilos mo. Kahit walang laman na reaction ang mukha mo ay mabilis ko pa ring mawari kapag marami kang iniisip," he confidently stated. Seryoso na ngayon ang boses niya at kahit na gano'n ay may pagdadalawang-isip pa rin ako. 

My first impression of him wasn't appealing enough to make me comfortable at this moment. Maybe I'm still trying to adjust, and having this kind of chat with him could help.

"Bakit hindi mo man lang sinubukang lumapit?" This time, I gave him my full attention. Umayos ito ng upo bago ako sagutin. 

"Gusto kitang hayaang magdesisyon at kumilos nang walang kasama. You were imprisoned inside your house since you were a kid, and you didn't get the chance to control yourself. So I wanted to see you be on your own, and you did it, Ruth." 

Noong araw na pinalayas ako, I had nowhere to go. Wala rin akong kahit na anong pera dahil puro mga damit lang ang pinasama sa 'kin. There was even a heavy rainstorm that time. I walked barefoot under the raging thunder and lightning. I was too frightened that even the universe didn't side with me. 

That scene in my life got my spine chilling with no thick blanket to cover me, no umbrella to keep me safe, and no family to pick me up with delight. But I can call to mind how a truck stopped by in front of the bald cypress tree that I was staying at while tightly hugging my knees. 

Mabuti na lang ay napunta ako sa mga mabubuting tao no'ng araw na 'yon. Hindi ko na ninais pa noon na bumalik dahil tumatak na sa akin na walang nagmamahal sa 'kin sa bahay. Pumayag silang isama ako sa siyudad at doon ako naging palipat-lipat. 

Nasanay ako noon na inaabutan lang ng mga maids ng pagkain pero kahit na gano'n ay hindi ako nakaranas ng pagkabusog. Pero noong nakalabas ako at natutong mamalimos para may makain, doon naging kampante ang katawan ko. The new life that welcomed me wasn't hued with luxury but with genuine bliss. 

"Nakaya mong umangat nang hindi humihingi ng kahit na anong tulong. Nawalan ka ng bakas ng pagmakakaawa pero kapalit naman no'n ang pagiging matigas ng puso mo." 

Nanatili ako sa mga kalye at eskinita hanggang sa may mayamang pamilya na muntikan nang makasagasa noon sa 'kin. Pinipilit nila ako noong dalhin sa hospital o sa kanilang bahay para lang masiguro na okay lang ako pero pilit din akong tumatanggi. It became my mantra that time to not owe anyone anything. Dahil alam kong darating ang panahon na sisingilin ka. 

But that family never gave up on pursuing me. They gave me foods, clothes, and a shelter to free me from any exposed emergencies. And up until now, I still look at them as one of my answered prayers. I may have never obviously given them the appreciation, but the Feur family can rely on me even without requests. 

"Pero dahil nandito ka ngayon, it just means that you're learning to have unfiltered feelings again." And that's when I felt the urge to withdraw my doubts on him. Hindi man niya direktang sabihin ang mga nagawa niyang tulong sa tahimik na paraan ay alam kong malaki ang idinulot nito sa 'kin. 

"Thank you, Xeb. But I think, one day isn't enough to help me clear my head." Lumabas na ngayon ang tawa niya na hindi talaga katiwa-tiwala. 

He smirked at me. "Well, kung hindi ka nga pumunta dito, balak na kitang i-kidnap." Inabot ko ang maliit na unan sa tabi ko at ibinato ito sa puwesto niya. Agad naman niyang nasalo. 

"Umayos ka nga. Maamo kang tignan pero 'yang mga kilos mo para kang scammer." 

Pero inaamin kong napagaan niya ang loob ko. Akala ko sa tuwing may malalaman ako ay mag-isa na naman akong magdudusa pero ngayon, may mga tao nang kusang sinasamahan ako. 

"But swear, I can't promise you not to stalk you anymore kasi alam mo na, even your parents are really suspicious." I agreed in a flash. Ramadan ko 'yon. Noong una pa lang akong bumalik ay iba na ang kinikilos nila. And it's not even a surprise anymore if they are on track of doing things behind me. 

"Stop being a stalker. You're creepy. You can just directly contact me." 

"Are you suggesting me to make a move on you?" Nakita niya ang pandidiri sa mukha ko kaya tumawa na naman ito nang malakas na halos maglabas na siya ng luha. 

Hindi pa rin siya tumitigil sa mga banat niya nang maalala ko si Tobias na matagal nang naghihintay sa 'kin sa labas. Napatayo ako nang wala sa oras. 

"I have to go. Siguro alam mo na rin ang number ko kaya kung may pag-uusapan pa tayo, tawagan mo na lang ako." 

"Aye! Hatid na kita sa labas. Kanina pa 'yong lalake mo do'n e." Napalingon ako sa ginamit niyang term. "Lalake ko?"

"Basta si Wave. Mauna ka na pala, susunod ako. May kukunin lang saglit."

I hurriedly went outside to make sure dahil baka jinojoke time na naman niya ako. Kasi base sa pagkakaalam ko, si Tobias ang nagdala sa 'kin dito. 

But then, I saw Wave with Tobias leaning on the car, waiting for me. Pero bago pa ako makalapit sa kinaroroonan nila ay may pumigil sa braso ko.

"Here, this can help you." 

Xeb handed me a black folder...

Wrong Name, WaveWhere stories live. Discover now