Mahigpit ko pa ring hawak ang binigay na folder sa 'kin. Nakabalik na sa loob si Xeb pero ang mga paa ko ay tila napako sa kung saan niya ako iniwan kanina.
I have this strong innate impulse telling me that this is the exact folder I am trying to find from Evelyn's place. Ang kaibahan lang nito ay walang nakalagay na pangalan ni Zelda.
"Ruth, halika na!" Narinig kong tawag ni Tobias sa likuran ko. Naibalik ako sa reyalidad dahil do'n. I'll just bother about what to do with this when we get home.
I walked towards their direction. Umayos ng tayo si Wave nang tumingin ako sa direksyon niya. Malalim pa rin ang mga mata nito dahil hindi siguro nakakuha ng sapat na tulog kakaisip sa kanya.
"Sinundan ka niya dito," bulong ni Tobias nang yumuko ito para pumantay sa 'kin. I just shrugged my shoulders.
Hindi pa rin ba niya naalala? I have this tiny hope residing in me that maybe he didn't mean what he said. Na namali lang siya ng pangalang binanggit dahil nasanay lang siyang iyon ang sinasambit.
Masyado ko na atang gina-gaslight ang sarili ko.
"Are there any good places to visit here?"
I didn't get the chance to go for any period of traveling before. My feet were stuck in a dark and lifeless room. Now that I got to choose my own shoes that allow me to go anywhere I want, I wanted to test the road in this place to see if it still has the curse of forbidding me to wander.
"Tara sa tambayan namin nila Wave," suhestiyon ni Tobias. Tuwang-tuwa pa itong pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod ako at sa backseat naupo.
"Sa harap ka." Hindi ko inaasahan na sa 'kin tatabi si Wave kaya umusog ako sa pinakagilid para ipaalam sa kanya na ayaw ko siyang katabi.
Narinig ko ang tawa ni Tobias sa harapan. "Uupo ako kung saan ko gusto. Kotse ko 'to." And he moved closer to me. Ayaw talaga paawat.
"Just pretend that I'm not here. Magbati na kasi kayo diyan." Parehas naming hindi pinansin si Tobias na sinasabayan pa ang kanta sa stereo.
Refraining yourself from the function of your breath beside someone you're sharing tension with is not a solid thing to lose your cool. The drive only took less than 15 minutes, and that's when I got to reach the highest relief.
"Your Loneliness' Final Destination"
Malabo na ang tinta ng mga letra ng signboard pero kaya pa ring intindihin. The name outlined the explicit purpose of this property.
An abandoned amusement park played host to my dull eyes. Scattered rides of roller coasters, tower zones, Ferris wheels, and the simulation attractions were ideally damaged.
"Okay pa 'to noong una kong punta dito pero noong umuwi ako galing Canada, naging ganito na," panimula ni Tobias sa kwento niya. Iginaya ako ni Wave sa isang maayos na bench sa gilid kung saan tanaw ang buong park.
"The place is physically dead, but I didn't expect that it would feel more spirited now. The name itself really proved that endings can be beautiful even if you were deformed and alone," patuloy niya. Naninibago pa rin talaga ako kapag nagsasalita siya nang ganito kalalim. But I low-key like it when someone starts to talk about things with depth.
"Hindi kasi porket mag-isa ka at mukhang miserable ay ikaw na ang pinakamalas sa mundo. Living solo is a choice, and if someone achieves that, they'll become the happiest, unbothered by everyone's forced desire to be accompanied," Wave said while resting his back on the chair.
Nobody said a word for a few minutes after that until Tobias stood up. Sabay kaming napalingon ni Wave sa kanya.
"You guys should talk. Maglakad-lakad lang ako."
Pagkaalis niya ay napahinga ako nang malalim at mukhang napansin 'yon ni Wave.
"Are you okay? Again, I'm sorry about last night. Napilit ko kanina si Tobias na sabihin kung anong tunay na nangyari." He sounded so sincere, but I don't know what to exactly feel.
Ang daming tumatakbo sa isipan ko kaya pati nararamdaman ko ay hindi alam kung saan p-puwesto. I'm currently being thrown off balance on where to place myself in his life and what role I should play. Kung lalapit pa rin ba ako o lalayo gaya ng dati dahil alam kong pati siya ay naguguluhan.
"It really caused me to be affected in parts I didn't expect words could touch. But I realized, it's not your fault. Hindi mo naman kasalanan na hindi ako 'yong mahal mo."
Hindi ko na maalala kung kailan ako huling umiyak. Marami man akong negatibong nararamdaman pero hindi no'n kayang palabasin ang mga luha ko. At ayaw kong ito pa ang dahilan para maramdaman ko ulit ang bagay na 'yon.
Pero sa hindi inaasahang kilos, I surrendered. A single presence could really defeat all the strength that are lingering around you.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Wave. Hindi niya pinahalata ang gulat sa ginawa ko at hinayaan lang ako. Sa ganitong paraan muna ako magpapakahina.
"Whatever I'm about to sacrifice for you, I'll never pretend as her to be loved by you."
Just because I'm letting myself be involved with falling games doesn't mean I'll give it the access to fool me out of what I truly deserve.
Natatanga na ako pero ayaw kong tuluyan na bumigay.
"I know this is such an absurd favor. But Ruth, can you wait for me? Akala ko lubusan ko nang kilala si Zelda pero noong makita kita at itinuring na siya, parang bumalik ako sa umpisa. Parang kumikilala ulit ako ng bago pero ang pinagkaiba lang ay malakas ang pakiramdam kong aalis ka anumang oras. Hindi dahil sa takot ulit akong maiwanan pero dahil takot akong hindi ka na tumanggap ng pagmamahal."
Hinawakan niya nang mahigpit ang kaliwa kong kamay at naramdaman ko ang tubig na tumulo do'n. Hindi ulan, kundi iyak na galing sa kanya.
"I hate waiting, Wave. You should rush yourself in getting over her." Mahina akong tumawa para lang mapagaan ang hangin sa pagitan namin.
Tinanggal ko ang pagkakasandal ko sa kanya at saka siya hinarap. His eyes were bloodshot. It's sounding an alarm inside me to see him cry.
Gamit ang dalawa kong kamay ay maingat kong pinunasan ang luha na lumandas sa mukha niya. Sinubukan niya itong iiwas sa 'kin pero hindi ako nagpatinag.
"Ayan. Umiyak ka dahil sa 'kin at hindi dahil sa kanya."
An expression of tenderness slowly formed in his lips.
"I'm getting there, Ruth."
He softly held my hands away from his face and leaned closer.
Napapikit ako nang maramdaman ang halik niya sa aking noo at kasabay no'n ang tunog ng fireworks sa kalangitan.
YOU ARE READING
Wrong Name, Wave
Romance"I love you, Zelda-" I cut him off. "You just love my face, Wave. And I'm Ruth not Zelda..." I flipped another page, expecting for it to loathe my existence more. © Artwork used from the cover
