Chapter 16

389 9 0
                                        

Nanatili pa kami do'n nang ilang saglit. Para akong nabigyan ng pagkakataon na maging bata ulit—a kid that I didn't get to experience living. I felt like I was finally granted with gentle hands to provide toys for my displeasing grasp. 

They really helped me to dispose of those miserable absences from the past by replacing them with curing newbies for my grown-up version. 

"Grabe, gutom na ako. Luto lang ako mga boss." 

Nang makabalik kami sa bahay ni Wave ay sinalubong agad kami ni Alon. Hinaplos ni Wave ang ulo nito at binuhat. Si Tobias naman ay dumiretso sa kusina dahil kanina pa niya bukambibig na nag c-crave siya ng pancit canton. 

"Sa kwarto muna ako," paalam ko. Hawak ko pa rin ang folder kaya't gusto ko munang itago ito doon. Saka ko na muna bubuksan. 

Pagpasok ay narinig ko ang sunod-sunod na ringtone ng phone ko sa ibabaw ng mesa. 

'Mr. Feur is calling'

Agad ko itong sinagot at ang malalim niyang pagsinghap ang bumungad sa 'kin. 

"Bakit hindi ka pumasok?"

This man is really something. Nakapagpaalam na ako sa kanya kagabi na bukas pa lang ako makakapasok mismo sa opisina. Nitong mga nakaraang araw kasi ay through online siya nagpapapasa ng mga works at nagpapa-meeting dahil nasa Taiwan siya ng tatlong araw. 

"Sir, I informed you last night about this if I'm not mistaken." I kept my respect in my voice. 

I was under his family's care for years, but I never really had a close and casual relationship with him. They were part of my notable redemption, but that shouldn't make headway for being involved with one of their children in a romantic way. I wanted our connection to just stay as formal. 

This was also one of the reasons why Davin tried pursuing me before; it was because of his parents' order to set us up in an arranged marriage proposal to sign him in for a higher position. And that was just a ridiculous offer to make. 

"I'm sorry for causing inconvenience to your early vacation wherever you are, but I need your physical presence here tomorrow at 7am," he supremely commanded. 

"Noted, Mr. Fe—" Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay binabaan na niya agad ako ng tawag. 

Ang hirap talaga niyang pakisamahan. It's not like I'm not doing my job well? For all I know, he's just having a scripted bitterness for me. 

Iniwan ko ang phone ko at ang folder sa ibabaw ng kama at lumabas. Naiinis ako at hindi nakakabuti ang magkulong sa kwarto sa mga oras na 'to. 

"Ruth, pakihalo nga 'tong mga seasonings tsaka 'yong noodles. Tatawagin ko lang si Wave sa labas," utos niya sa 'kin. 

Ginawa ko ito at naglabas na rin ng mga plato para sa 'ming tatlo. Nang matapos ay saktong dumating silang dalawa. 

"Hoy Tobias, mas marami ang servings ko ha kasi ako naman ang nag-grocery." Umamba ng pabirong suntok si Tobias pero sinipa lang siya nito ni Wave. At doon na nga sila nagtalo.

"Hindi ba uso sa inyo ang magbigay ng princess treatment? Diba dapat mas marami sa 'kin?" 

Unti-unti na talaga akong nagiging malaya na umaktong normal. I mean at a leisurely pace; I'm trying to avoid my coldness and dry language from coming out. Dahil sa kanila ay hinahayaan ko na ang sariling makisabay sa kung ano man ang trip nila. 

"Gumaganyan ka na ngayon ah. Kabahan ka na, Wave. Baka siya na ang manligaw sa 'yo." Tumawa lang siya sa sinabi ng pinsan at nilapitan ako saka inakbayan. 

Ayaw ko talaga ng hinahawakan ako pero pagdating sa kanya ay parang matagal na akong sanay kaya hinayaan ko na lang.

"Magsibak ka muna ng kahoy," biro niya. Siniko ko siya sa tiyan kaya napabitaw siya sa 'kin. 

Nagpatuloy pa rin sila sa pag-aasaran na parang wala kaming mabigat na mga problema. When you're in the right circle, spikes of issues can't enter. Kaya mabuti na lang at dumating sila sa 'kin. 

"By the way, the clinic needs me tomorrow. Sasabay ka na ba sa 'kin?" tanong ni Wave. Uminom muna ako ng tubig bago siya sagutin.

"Yeah. My boss called me a while ago. Kailangan daw niya akong makita." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at hindi ko lang sigurado kung inis o selos ba ang dumaan sa mga mata nito o assuming lang ako.

"Bakit daw?" 

"Maybe may ipapa-rush siyang mga paper works or urgent meeting." I shrugged. 

"Ihatid mo na lang kasi do'n kung nagseselos ka." Tobias teasingly zipped his mouth when Wave glared at him. 

Ako ang nagpresintang maghugas pagkatapos naming kumain. Ang dalawa naman ay nanood ng horror movie sa Netflix sa living room. Naririnig ko kasi silang nagtatakutan kaya nang matapos ako sa ginagawa ay pinuntahan ko sila. 

Parehas nilang tinatakpan ng unan ang kanilang mukha. Ano pang sense ng panonood nila kung parehas naman pala silang duwag?

"Nahiya 'yong multo sa inyo."

"AAAAAAAA!" 

"Huwag ka ngang nanggugulat, Ruth. Sige ka, lintik lang ang walang ganti." Mukhang hindi talaga magandang idea na makipagsabayan sa kanila ngayon. 

Hinayaan ko silang magpakabaliw at dumiretso na lang sa kwarto. 

Upon seeing the folder, it now made an alert to my curiosity. Whatever Xeb told me about how this thing would help me, I shouldn't delay its drive to be of great guidance to me anymore. 

Kinuha ko ito at lakas-loob na binuksan. Bumungad sa 'kin ang mga printed pictures ng mukha ko. Inilipat ko ang iba pang mga pahina at laman nito ang mga impormasyon na hindi tungkol sa 'kin...kundi kay Zelda. 

The reaction that I unintentionally invited caused my skin to be pale. It was indeed a hair-raising details to find out. 

Name: Zelda Maxine Pareño

Birthday: May 12, 2000

Address: 43 Cadence Land, Leighton Subdivision

Parents: Amelia T. Pareño and Mason F. Pareño

My hands were trembling that I lost balance. Napaupo ako sa lapag at sa unang pagkakataon, hindi ko na nakayang pigilan ang mga luhang ilang taon kong ikinulong. 

Am I being pranked? Totoo ba lahat ng 'to? There were even names of schools stated, from elementary to college. From what I can recall, they never sent me to school or even to some talent agencies. So, where are these coming from?

Family and childhood pictures with some other kids are even inserted here. Pictures that I knew were never taken with me. 

Hindi ako ang mga ito. Hindi ako ang nakasama nila. Hindi ako si Zelda. 

Wrong Name, WaveWhere stories live. Discover now