Chapter 7 : Bothered - Vexed

Start from the beginning
                                    

Nakasakay kami ngayon sa taxi, sila magbabayad nito 'no? Ano sila? Sinuswerte? Ako na nga pinilit, ako pa magbabayad?

"Ano kayang problema nun at umabsent yun?" narinig kong tanong ni Jason. Hindi ko sila pinapansin kasi, obvious naman, hindi ko sila trip kausap.

"Mongoloid talaga yun! May nakain sigurong masama yun kaya umabsent." biglang sabi ni Jomar.

"Baka naman may babae sa bahay yun ngayon tapos gusto niyang masolo." seryosong sabi ni Jason with that maniac smile.

Tumawa naman ng malakas si Jomar. Anong nakakatawa dun? Kay bababaw naman ng mga taong ito!

After almost an hour, dahil ma-traffic, ay nakarating na kami sa bahay nina Koopa.

Ang yaman pala talaga ng hinayupak na yun!? Kelaki ng bahay! Napaka-modern pa ng design. Halatang pinagawa sa professionals.

Pagtuntong namin sa harap ng gate ay nag-doorbell si Jason. Maya-maya lang ay may lumabas na babae, mukhang nasa 40s na yung age niya.

"Manang! Nandyan ba si Karl?" excited na tanong ni Jason.

"Ay, oo! Andun lang siya sa kwarto niya pero hindi pa siya lumalabas mula kaninang umaga." sagot ni 'Manang'.

"May girlfriend na ba yun?" tanong ni Jason kay 'Manang'.

"Aba malay ko sa inyo! Kayo 'tong magkakasama araw-araw eh." sagot ni Manang habang binubuksan ang gate.

Agad na tumakbo si Jason papasok, akala mo kanya yung bahay, tapos pinagsisisigaw yung pangalan ni Koopa.

Kami ni Jomar ay kalmado namang pumasok.

"Ihanda mo na panga mo ha?" biglang sabi ni Jomar.

Panga? Bakit? May manununtok ba sakin dito at masisira ang aking panga? Salamat sa Jomar na yun at kabado ko ngayong binabagtas ang daan papunta sa pinto ng bahay.

Pagpihit ko ng doorknob ay umilag ako. Baka may manuntok nga sakin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Jomar.

Para tuloy akong napahiya kaya tumingin na lang ako sa loob. Napanganga ako nang makita ko ang sala.

Napakaganda! Puro high-end ata ang mga gamit dito. Mula sa carpet, na mala-white tiger ang peg, hanggang sa sofa na parang ang sarap-sarap upuan pati ang TV na mala-sinehan sa laki.

"Panga mo!" biglang pukaw ni Jomar sa atensyon ko.

Ito pala yung sinasabi niyang ihanda kong panga ko. Mapapa-nganga ka sa sobrang ganda ng bahay nina Karl. Parang gusto ko na tuloy tumira dito.

"'Lika na, puntahan na natin si Karl sa taas." sabi ni Jomar tapos lumakad na siya.

Umakyat kami sa taas at napanganga na naman ako! May 6 na kwarto, ang lalayo pa ng pagitan nila!

Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa tumapat kami sa pinto na nasa dulo. Agad na binuksan ni Jomar yung pinto pero pinigil ko siya.

"Saan CR dito?" tanong ko sa kanya. Naiihi na kasi ako eh. Ang lamig kaya! Naka-aircon ata buong bahay nato eh.

"Meron sa baba pero meron din dito sa kwarto ni Karl." sagot niya.

Oh eh di dito sa kwarto ni Koopa! May balak ka bang pababain ako? Hinawi ko siya at pumasok na ako. Nakita kong naglalaro na yung dalawa ng PS3 ata yun? Nakatalikod sila sakin kaya hindi nila ako napansin. Tinignan ko si Jomar para ituro kung nasaan yung CR, tinuro niya naman yung pinto na nasa bandang kanan. Agad kong tinungo yun dahil hindi ko na kayang magpigil pa.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now