Chapter 6 : Persistence - Annoyance

Start from the beginning
                                    

Dahil dun ay hindi natahimik ang last year ko bilang high schooler, tapos ngayon nandito siya?

"Bakit nandito ka? Saka paano ka nakapasa ng entrance exam? Diba nga, hindi mo maipasa kahit 5-item quiz lang?" sarcastic pero monotonous kong tanong. Mukhang alam ko na isasagot nito.

Lumapit siya sakin tapos dinikit niya na naman yung katawan niya sa katawan ko. Gusto ko siyang itulak, kaso baka naman awayin ako ng mga lalaki dito. Sabihin pa, nananakit ako ng babaeng maganda at sexy. Tss.

"Connections, my dear Allen. I have connections, you know." nakangiti niyang bulong na mukhang hinaluan niya ng seduction. I knew it! Madami talagang galamay 'tong dilag na'to!

Wait! Straight english ba yung sinabi niya?

Bigla na lang akong napapalakpak ng marahan at nginitian siya.

"Bakit?" confused niyang tanong.

"Straight ENGLISH? Wow! Nag-e-evolve ka na RR!" sabi ko, habang pina-pat ko ng mahina yung ulo niya, at nakita ko siyang nag-blush.

"Kailangan ko kasing patunayan sa'yo na karapat-dapat ako. At alam kong galit ka sa taong hindi man lang marunong bumuo ng matinong pangungusap sa Inggles." nakayuko niyang sabi na mukhang nahihiya.

"Buti naman alam mo. Pero kung ako sa'yo, wag ka nang umasa." sabi ko.

Bigla naman siyang nag-angat ng ulo at kumapit sa braso ko.

"Allen naman!" sabi niya.

"Male-late na ako sa P.E. ko, una na ako." sabi ko habang tinatangka kong tanggalin yung nakapulupot niyang kamay sa braso ko.

"Sasama ako. Wala naman na akong klase eh." sabi niya tapos niyakap niya pa ng mahigpit yung braso ko.

"Wag na. Baka mapagalitan pa ako ng prof ko dahil sa'yo eh." sabi ko habang tinutulak ko na yung mukha niya.

"Hin-di yan! A-akong ba-hala!" putol-putol niyang sabi dahil nga tinutulak ko siya.

"Bahala ka!" sabi ko na lang para hindi ako mairita lalo.

Lumuwag naman yung yakap niya sa braso ko, pero hindi niya iyon pinakawalan, at saka na kami pumasok sa Gym.

KARL VINCENT'S POV

"Par, ang saya mo ngayon ah? May bagong chicks ka?" nakangiti at nanunuksong tanong sakin ni Jason.

Nilingon ko siya saka ako umiling.

"Eh bakit ang saya mo ngayon?" tanong ni Jomar.

"Wala na kayo dun!" sagot ko.

Ayokong sabihin na si Allen yung dahilan ng ngiti ko ngayon, baka kasi isipin nilang nababakla ako at may gusto ako kay Allen. Imposible yun! Una, hindi ako bakla at pangalawa, hindi ako magiging bakla!

"Uy, par! Ang ganda nung babae oh! Kaso mukhang may syota eh." biglang sabi ni Jason kaya napabalikwas din ako ng tingin.

Maganda nga yung babae, sexy, hot! Walang lalaki ang hindi maglalaway sa ka-sexy-han niya. At napansin ko yun dahil halos lahat ng lalaki sa Gym ay siya ang tinititigan. Pero yung lalaking kasama niya hindi ko makita yung mukha. Nasa kabilang side kasi sila ng Gym tapos nakaharap siya sa pader.

Nakita kong dumiretso sila sa CR. Siguro may gagawin silang kababalaghan. Hmmm. Well, sino ba namang makakapagpigil sa babaeng yun diba? Ang swerte lang nung lalaki. Tsk tsk.

After, 10 minutes ay dumadating na yung iba kong kaklase. Mukhang mga galing pa 'tong mga 'to sa mall ah? Nagkukwentuhan ng tungkol sa movie eh.

Napalingon ako sa tabi ko ng marinig kong sumipol si Jomar at Jason.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now