"Dear! Can't you tell him already who was here?!" agad akong natigil sa sigaw ni mama.

"Hindi naman kaya si.." putol talaga ang sinabi ko at kahit masakit pa ang katawan ko, tumayo na ko ng kama at halos tumakbo pababa ng hagdan para lamang makita si Ryan.

"Sinasabi ko na nga ba't hindi mo ako matitiis." Nakangiti kong sabi kahit hindi ko pa nakikita ang mahal ko.

At ng makarating na ako ng sala natigilan ako. Mali ang akala ko.

"Bakit mo hinayaang marape ka?! Alam mong ako lang ang may karapatang gumawa noon sa'yo! Alam mong ako ang Fiance mo!" hindi ko alam kung bakit niya pinagsasasabi ang mga bagay na ito pero isa lang ang nagawa ko.

Ang sampalin siya.

"SINO KA!?! Sino ka sa akala mo ha! Wala na akong paki-alam kung isa kang De Mesa! Wala na James! Sawang-sawa na ako sa iyo at sa mga palabas mo!" isinigaw ko ang lahat ng iyon sa kaniya. Kahit na marinig ng mga kapitbahay wala na akong paki-alam.

Sino siya para sabihan ako ng mga ganitong bagay? Sino siya para mag-sabing siya na ang makakasama ko habambuhay? Oo napilitan ako dati pero iba na ngayon. Iba na.

"Napipilitan ako dati. Hindi. HANGGANG NGAYON NAPIPILITAN AKO JAMES! Hanggang ngayon, naawa ako sayo!" nagawa ko pang itulak ang kaliwang balikat niya gamit ang medyo may injury kong kamay. "Boy, sino ka?! Walang iba kundi isang simpleng spoiled brat na ipinakiusap sa akin ng kaniyang ina na hayaan sa mga bagay na gusto niyang gawin sa akin! Inang nagbulagbulagan na walang alam para lamang mapagbigyan ang kagustuhan ng anak! Idinamay pa niya ang ina ko para lamang matigil ka sa pangagago mo sa aking hayop ka!" pinasabog ko ang lahat ng iyon na parang bomba sa pagmumukha niya.

Gulat na gulat siya dahil hindi niya alam na walang sapilitang nangyari doon dahil utos iyon ng kaniyang mahal na ina. At kahit pa nasaktan ko siya, wala na akong balak bawiin pa ang lahat ng iyon. Mahirap sa akin ang ginawa kong pagpapa-ubaya dahil kaibigan ko siya noon pero natanggap ko dahil naawa ako sa kaniya kahit pa nagbago na siya't takot na ang ibinigay niya sa akin pagkatapos kong paulit-ulit na magamit ng isang inakala ko noong kaibigan.

"Nakaka-awa ka! Walang ibang nagmamahal sa'yo kundi ang nanay mo pero anong ginawa mo? Hinayaan mo siyang mapunta sa mental hospital para lamang magkaroon ng bagong ina na magbibigay sa'yo ng yaman! HANGAL KA JAMES! Kahit ilang milyong pagmamaltrato ang ihagis mo sa amin, isinusumpa ko..." Lumapit ako sa isang estante ng mga katana.

Mga espadang galing pang japan na binili ni mama nitong nakaraan. Iisa lang akin dito at iyon ay ang pinasadya ko pang espada. Kulay asul ang talim at puti ang hawakan.

"Isinusumpa ko sa katanang ito na hindi mo na ako makakanti!" I draw the sword and point it to him.

"G-Gusto ko lang namang.." hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

"You better get out of our house." Utos iyon mula kay papa.

Sumunod naman siya pero sa huling pagtingin niya sa akin ay muli akong naawa. Gusto lang niyang may magmahal sa kaniya. At iniisip niyang sa sapilitang paraan, magagawa ko siyang mahalin tulad sa mga telenobela.

"Ayos ka lang ba Alien?" tanong ni mama na may apron pang nakasabit sa leeg niya.

"Okay pa naman mama Anna. Sorry kung sinabi ko sa kaniya ang sekretong itinatago ninyo ng mama ni James ng matagal na panahon." Umiling siya sa akin at niyakap niya ako.

"Sapat na yung makita ko siya. Sapat ng kasama ko kayong dalawa ni Nathan." Pilit man ay ngumiti pa rin ako.

Laking pasasalamat ko't mahal kami ng aming mama. At alam kong mahal pa rin si James ng sarili niyang mama.

Kinabukasan hindi na ako pumasok ng school. Naglaro lang ako at nagpahinga dahil bantay-sarado ako ni papa. Noong humapon na may naririnig na akong ingay galing sa mga lumalabas ng school at ang nakakabigla pa ay ang pagdating nilang lahat dito sa bahay namin.

"Whhaaa.. We Miss you Noel." Sabi yan ng mga kaibigan kong babae at agad nilang akong kwinentohan ng kung anu-ano.

"Hoy, teka. Baba naman kayo hindi naman pwedeng kayo lang ang isosolo si Mr. McGeorge dyan sa kwarto niya ano." Ang vice presedent namin iyon.

Nasa kwarto kasi kami at dahil nga makkulit itong mga kaibigan ko ay nakalimutan na nilang may mga kaklase kami sa ibaba. Inalalayan nila akong bumaba kahit na hindi naman kinakailangan. Careful. Yan ang palagi nilang sinasabi. Hindi ko din gets pero narito lahat ng mga kaklase namin.

Parang yung oras na muntik na akong marape kahapon at nagawa nilang pagtulung-tulongan ang mga walang isip na iyon. May ilan sa kanila na may mga kalmot at pasa pero hindi nila iyon alintana. Nakatingin lang sila sa akin mula sa kinatatayuan ko—ang ikalimang baytang ng hagdanan.

Seryoso ang lahat sa kanila kaya may naisip akong gawin.

Tingnan ko lang kung hindi kayo matawa dito dear classmates. Hihihi.

Itinaas ko ang mga kamay ko sabay sabing, "IPINATAWAG KO KAYONG LAHAT..." sabi ko na ginagaya ang napapanuod ko sa isang network sa tv. At ayun na nga. May ilang hindi natawa pero sa huli nadala na rin ng tawa ng karamihan.

Lahat sila kung anu-ano ang ibinigay sa akin. Mukha ngang kakailanganin namin ng tatlong ref para sa mga dala nila eh.

"Balak nyo bang gawing grocery store ang bahay namin?" tanong yan ni Nathan sa kanilang lahat. Nakahalukipkip siya at tinataasan ang kilay ng lahat ng nandito pero ginulo lang siya ng mga kaklase namin na makukulit din.

Perfect na sana. Kaya lang wala siya.

Yes wala siya. Wala si Jestoni. Wala din si sir Matt at lalong wala talaga si Ryan.

Ilang araw pa kaya bago niya ako kausapin? Totoo kayang iniwan niya na ako? At bakit parang kilala ko na talaga yung isang Jestoni?

Pero iisa lang ang sigurado ko.

Mahal ako ng mga nakapaligid sa akin.

Mahal ako ni mama kahit na ipapakasal niya ako sa kapatid ni Jes.

Sana lang kanselado na iyon.

l�I�Ol� 

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now