"Okay, okay! No more talking? Fine!" Galit nyang tugon.
"Psssst! Hoy! Hoy! Kayong dalawa jan. Ratratan na naman kayo jan! Awat na yan ha. Mav, sabihan mo ko kapag pagod ka na ah, palitan tayo nina Gab." Cole said while the others are already fast asleep.
Halos kalahating oras na katahimikan, narating na namin ang bahay nina Audrey.
Lumingon si Mavis sa likod para tawagin si Gab at saka sya bumaba para siguro sunduin sina Audrey.
"Gab? Your turn." She said while unbuckling up her seatbelt. Grabe! Di man lang lumingon sa'kin bago bumaba.
"Be, ikaw may gusto nyan, kasalanan mo." I thought.
Agad naman na bumaba si Gab para pumunta sa driver seat.
I saw Mavis...
I saw her smiling delightedly when she was approaching the two. Even her Aura changed when she saw them.
Lumebel pa ito sa tangkad ng bata para mas makausap nya ng maayos at inayos din nya ang suot nito.
I looked away as I felt a pang in my chest watching them.
Sabay-sabay na silang umupo sa likod.
"Ang sakit!" I whispered.
I didn't notice Gab was watching me too.
At Kung di pa nya ko inabutan ng panyo di ko pa malalaman na umaagos na pala ang mga luha ko.
"Bakit ba ko umiiyak?" Tanong ko sa sarili.
She tapped my back at saka tumango at nag thumbs up na parang tinatanong nya ako kung okay na ako.
I nodded gently and mouthed the words "Thank you" then smiled back at her.
We arrived at 6:00 am sharp.
Naabutan namin ang sunrise dahil sa sobrang bilis magpatakbo ni Gab. Lahat kami gising nung siya na yung may hawak ng manibela.
I noticed she keeps glancing at me from time to time.
Pakiramdam ko tuloy sinadya nyang bilisan ang pagpapa-takbo ng sasakyan para mapalitan ng takot at kaba yung kaninang sakit na naramdaman ko.
"Iba din mag-comfort 'tong tao na 'to!" I almost laugh with that thought in my head.
[MAVIS' POV]
Knock.. Knock.. knock
Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko. Agad akong bumangon para tingnan kung sino.
"Nak, Mavis gising na!" Rinig kong malakas na sigaw ni Manang Vi. Nagmadali akong kumilos at binuksan ang pinto.
"Manang, bakit po? A—Ano pong nangyari? May nangyari po ba kay Alli? Saan po si Alli?" Buong pag-aalala kong tanong.
"Ano ka ba, kumalma ka, hija! Nauna na si Alli, pinapagising ka at ito yung bag mo. Sinundo na sya ni Gab. Magmadali ka na, kakatawag lang ni Alli, ikaw
na lang daw ang hinihintay doon."
Tumingin ako sa relo ko, and it's already quarter to 3:00 in the morning.
"Fuck!"
Sobrang inis ko kay Alli. Di na nagbago, lagi na lang di tumutupad sa usapan.
Di na nga ako ginising, iniwanan pa ako.
Wait! Is she mad at me? Galit ba sya? Tsk! Maybe it was because of what I did last night— I almost kissed her.
YOU ARE READING
Nice Knowing You, Ms. "No Touching"
Mystery / ThrillerAlliyah Arceta (The Protagonist) is rich, smart but prefers to be alone and always wanted to keep a low profile. But that changed when she met her bestfriend, Mavis Lim. She had the time of her life and changed her in a very good way. Their friendsh...
PART 22 | QUICK ESCAPADE
Start from the beginning
