Chapter 23: Family Portrait

Start from the beginning
                                    

Napatigil ako, maybe that's why Flame never gets angry easily he. He never gets out of control. Pero sa tuwing naiisip ko na hindi siya dapat magpakita or makaramdam ng matinding emosyon I feel bad for him. He must feel pain all by himself, hiding it and bottling it inside.

"And Krayver," napalingon ulit ako sa kanya "That boy. Napakabait at malakas ng batang yan. His brother is the head of our military unit, kinupkop namin sila ng kapatid niya nang mamatay ang mga magulang nila. I know that he and Flame aren't in good terms but Krayver is also my son. Sana ay magkasundo na sila"

Ngumiti ako sa reyna at ngumiti.

"Gagawin ko po lahat, babantayan ko po silang dalawa" nakangiti kong sabi sa reyna "Pareho po silang mga kaibigan ko. Si Krayver po pinapatawa ako at si Flame tinuruan ako sa paggamit sa ability ko, tama lang na tulungan ko po sila."

Nanatili akong nakangisi, naningkit ang mga mata niya at hinawakan ang mukha ko. Akala ko gagamitin niya ang mahahaba niyang kuko at susugatan ang mukha ko pero hinimas lang niy anag mukha.

"You look very familiar" sabi niya, nawala ang ngisi ko "You're as reckless too. Fighting for what's right even if it costs you everything"

Natauhan siya at umiling.

"That's impossible, she has her daughter with her"

"P-po?"

"Mommy!" napalingon kami nang makita si Tracy na tumatakbo palapit sa amin, nanlaki ang mga mata niya nang makita ako "Tatanungin ko palang kung nakita ka niya magkasama pala kayo. Tara na, naghihintay na sila"

"Tracy, love, wag kang sumigaw. Parang hindi kita pinalaki na mahinhin" maasim ang pagkakasabi ni ng Reyna, tiningnan niya ang damit ni Tracy na nakajumper at simpleng shirt. "Ano yang suot mo?"

"Mom, it's a trend" sabi ni Tracy at hinila ako "Tara na Lean"

--

Yumuko ako sa hari at reyna ng Aselith. Nakatayo sila sa harap ng malaking pintuan. Hawak ng hari ang balakang ng beywang. Ngumiti ang hari sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Train hard and be of service to Vindora" sabi niya, ngumiti ako at tumango "You are one of a kind, child. You will become someone great in the future."

Tumingin ako sa reyna, tinanguan lang niya ako. Tracy and Flame waved their final goodbyes at sumakay na sa karwahe. Lumipad na sa ere ang karwahe at nakita ko ang pangkabuuang itsura ng Aselith. Mga Ilaw na nagmumula sa mga bahay ay napakagandang tanawin, sa kabilang banda naman may isla na binubuo ng napakaraming mga bulkan, may mga dragon na lumilipad sa paligid nito.

A queen, raised by dragons. Napangiti ako, she really is powerful. Napatingin ako kay Flame at Tracy na nakatingin din sa kastilyang palayo na sa amin. No wonder these two are powerful creatures.

--

Nagising ako ng masakit ang ulo. Unti-unting bumubukas ang mga mata ko at nakita ko ang dalawang paa ko na nakatali sa upuan. inangat ko ang ulo ko, madilim kaya hinintay kong mag-adjust ang paningin ko. 

Nakakarinig ako ng mga iyak, sigaw at ingay sa paligid. Bigla kong naalala ang kakaibang nilalang  na nakita ko sa kulungan. Sinubukan kong tumayo pero nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang upuan.

Nilibot ko ang tingin ko, nandito pa rin ako sa padilim na selda. Nasa harapan ko ang mesa na puno ng mga papel, lumingon ako at nakita ang isang imahe ng lalaking nakatalikod mula sa akin at kinakalikot ang mga kakaibang kulay ng likido sa mga bote.

Lumingon siya sa akin at ngumisi at naglakad palapit.

"Gising ka na pala, prinsesa" nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko ang paligid. Different creatures with different body parts are in the cells. Nagwawala sila at sumisigaw.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEWhere stories live. Discover now