Chapter 5 : Call - Anger

Începe de la început
                                    

/Hindi ako si Jason./ sabi ni Jason.

/Punyeta par! I have no time for your pranks! Kung ayaw mong makipaglaro edi wag! Kung kailan kailangan ko ng kaibigan saka mo ako iiwan?/ medyo nagdadrama na ata ako ah? Kasi naman eh, kung kailan ko siya kailangan saka niya ako bibiru-biruin?

/Ang drama mo naman, kuya! FYI, hindi ako si Jason!/ sabi nung boses babae sa kabilang linya.

/Well, MISS, kung hindi ikaw si Jason, bakit mo hawak cellphone niya?/ naiinis ko nang naitanong. She's getting on my nerves na!

/Well, KUYA, hindi kasi cellphone nung Jason ang natawagan mo. Check mo muna kaya screen ng cellphone mo bago ka magsisi-sigaw na para bang pinagbagsakan ka ng langit at lupa./ sarcastic na sabi nung babae which I think is may point.

Nilayo ko sa tenga ko yung phone ko at marahang tiningnan ang screen nito.

A-L-L-E-N E-S-T-A-N-I-S-L-A-O !!!

Number ni Allen?! Eh alam ko number ni Jason napindot ko eh.

/ALLEN?! IKAW 'TO?! BAKIT BOSES BABAE KA?! ANG COOL NAMAN! ASTIG NG BOSES MO SA PHONE! HAHAHAHA./ excited, amused at tuwang-tuwa kong sabi sa kanya nang maidikit ko uli yung phone sa tenga ko.

/Shut up! Sino ka ba? Tatawag-tawag ka tapos bigla kang aarte na para bang magkakilala tayo./ sabi niya. Oo nga, nalimutan kong magpakilala! Akala ko kasi si Jason siya kanina eh.

/Oo nga pala, Allen. Si Karl Vincent 'to. Pero you can call me Karl na lang o kaya Vincent o kaya kahit na an--/ napahinto ako nang marinig ko yung 'Tss' niya.

/Ang daming sinabi! Oo na, kilala na kita. Ano bang rason at napatawag ka? Parang punong-puno ka ng galit ngayon ah? Sino kaaway mo?/ tanong niya. Galit? Puno daw ako ng galit ngayon? Ah, yung kaninang sinisigawan ko siya. Hahaha. Pero bakit ganun? Nung malaman kong siya yung kausap ko, parang nawala yung galit na nararamdaman ko?

/Ah, wala yun! Wag mo nang isipin yun!/ sabi ko na lang para hindi na siya magtanong pa.

/Okay. Bye! Bababa ko na ha?/ sabi niya tapos parang bigla akong nataranta na nalungkot.

/Wait! Pwede ba tayong magkita ngayon?/ tanong ko sa kanya.

/Ha? Bakeeet? Busy ako. Madami akong ginagawa ngayon eh./ sagot niya at nalungkot ako dun.

/Ah, okay. Sige, bye./ malungkot kong paalam sa kanya.

Ilalayo ko na sana yung phone sa tenga ko nang marinig kong tinawag niya yung pangalan ko.

/Bakit?/ excited kong tanong sa kanya.

/Alam kong malungkot ka ngayon at ayaw kong alamin kung ano yang dahilan mo dahil wala akong karapatan para gawin yun, pero kung gusto mo ng kausap, tawagan mo lang ako./ sabi niya at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako ng pagkalaki-laki.

"Karl, baka naman mapunit yang mukha mo sa sobrang laki niyang ngiti mo." biglang sabi ni Mommy. Nandito pala siya, hindi ko namalayan!

/Sige, salamat ha?/ pabulong kong sabi kay Allen, nandyan si Mommy eh. Teka, bakit ako bumubulong?

/Ngayon lang 'to ha? Wag kang FC bukas sakin! Pepektusan kita! Saka ikaw ang tumawag sakin, wala akong load eh./ sabi niya na may halong pambabasag.

/Opo, boss! Salamat!/ sabi ko habang nakangiti at tumatango-tango. Ibinaba na niya agad yung linya kaya binagsak ko yung cellphone ko sa kama.

"Sino yun? Bagong girlfriend?" biglang tanong ni Mommy habang papalapit sakin.

Umupo siya sa tabi ko sa sahig.

So Into You (BxB)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum