Chapter 5 : Call - Anger

Start from the beginning
                                    

"Gisingin mo na yang ate mo. Natuwa sa tulog yan ah? Diba may pasok siya?" sabi sakin ni mama. Oo nga, may pasok 'tong ate ko.

Maingat kong hinakbangan ang mga kalat at lumapit sa kama.

"Magluluto na ako ha? Gisingin mo yang bruhang yan! Alas-diyes pasok nyan, alas-nueve na!" sabi ni mama at saka bumaba.

"Hoy, ate." sabi ko habang tinutusok ang bagay na nababalot ng puting kumot.

Biglang gumalaw ang bagay! Isa ba itong tao? O kabute?

"Go away!" sabi ng bagay sa loob ng kumot. At English!

"Ate! Male-late ka na! 9 na kaya!" sabi ko habang hinihila yung kumot na nakabalot sa kanya.

"Ayokong pumasok!" sagot niya.

Anong ayaw pumasok? Hindi ka papasok? Edi hindi ka rin pwedeng matulog buong araw!

"ATE!" sigaw ko ng malakas na malakas na mukhang abot hanggang Mars.

Ayun, balikwas ng bangon ang prinsesa!

"KUYA naman! Alam mo namang ayokong marinig yung pagsigaw mo eh. Nakakasira ng eardrums!" sabi niya habang nilalamukos niya yung mukha niya at saka ginugulo yung buhok.

Ako ang panganay saming dalawa. Pero bilang mas pilosopo at mas mature yan sakin, tinawag ko na siyang 'Ate'.

Napangiti na lang ako sa itsura niya at hinila ko siya para tumayo na sa kama.

"Maligo ka na. Alas-nueve na!" utos ko sa kanya nung makatayo na siya.

"Oo na, boss!" sabi niya tapos lumakad siya palabas na parang zombie.

Finally, makakapaglinis na din! Go!

KARL VINCENT'S POV

9:00 pa lang? Bakit parang ang bagal ng oras? Kabagot! Ayoko namang mag-DoTA ngayon, wala akong kalaban. Ayoko namang maglaro ng PS3, paulit-ulit na lang nilalaro ko. Ganun din naman sa Xbox. Hay, ano bang magandang gawin? Mababaog ako sa sobrang boring eh.

"Vincent." bungad ni Manang Lita, our housekeeper.

"Bakit po manang?" tanong ko sa kanya habang naka-Indian sit ako sa sahig sa harap ng TV ko.

"Tumawag Daddy mo." sabi niya.

Himala, tumawag siya! Akala ko nalimutan na niyang may pamilya siya dito sa Pilipinas eh.

"Ano pong sabi?" monotonous kong tanong kay manang.

"Uuwi daw siya sa susunod na buwan." sagot ni manang.

"Ah okay." sabi ko na lang at saka lumabas si manang.

Uuwi siya? For what?! After all those years na iniwan niya kami ni Mommy sa ere, bigla siyang uuwi? The hell!

Ito ayaw ko pag si Daddy ang topic eh. Nauubos enerhiya ko sa built-up tension sa loob ng katawan ko. Gusto kong magwala, pero baka pagalitan pa ako ni Mommy pag nakabasag ako. Hay! I need to release this anger!

Out of reflex ay kinuha ko yung cellphone ko tapos binuksan ang contact list ko. Tatawagan ko sina Jason at Jomar para makipaglaro ng basketball sa kanila at nang mabawasan naman 'tong galit na nararamdaman ko.

/Hello, par?/ bungad ko kay Jason.

/Uhm, I think you're calling the wrong number. Who are you, by the way?/ tanong ng isang boses babae.

/Jason, wala ako sa mood makipag-biruan! Laro tayo ng basketball! May nakakainis kasing nangyari ngayon eh! Bilisan mo, sasaktan kita pag hindi ka pumunta ngayon!/ naiinis kong sabi kay Jason habang humihigpit yung hawak ko sa phone ko. Nadadagdagan inis ko habang tumatagal eh.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now