CBMY (AU)

2.1K 46 2
                                    

AU; kunyare classmates sila and hindi sila artista pero love team pa rin sila sa klase; mabilisang basahan lang to, don't worry.

----------

Nadine's POV

Lagi nalang tayong nasa gitna... kaya parang wala rin tayong napupuntahan.

Para ka naman kasing sira. Hindi kita maintindihan. Ang gulo-gulo mo. Sabagay kahit sa sarili ko naguguluhan ako. Pero kung di ka sana magulo di sana di ganon kagulo buhay ko. Pati barkada ko naguguluhan na. Hay!!!!! Gulo-gulo!!!!

------

"Nadz, tabi tayo sa field trip."

Nagulat ako bigla ka nagyaya. Ako naman pumayag na lang. Okay lang naman.

Saka ko na lang naalala na nag-usap na pala kami nila Donna.

Nagalit pa sa'kin si Yassi dahil bigla kong iniwan si Donna pero in the end pumayag naman si Donna na si Chad na lang katabi niya.

Nagpaparinig nanaman sila Shy dahil nga kami ni James ang magkatabi sa field trip.

Kahit ilang beses kong sabihin na wala namang ibig sabihin yun, hindi sila naniniwala. Ano nga bang nakikita nila at mas sigurado pa sila kesa sa'kin na meron ngang something sa'min ni James?? Ano ba?!

-------

Pumunta si James sa room namin para humingi ng tubig. Ayan nanaman si Yassi at nakatingin sakin na parang may pinaparating.

Napakamalisyosa talaga nito.

"Eh kasi naman, ke layo ng room nila, dumayo pa siya dito para lang makiinom ng tubig? Wala bang kahit anong inumin dun? Ilan silang nagseshare ng room, lahat sila walang inumin?"

Hindi ko nalang pinapansin si Yassi tuwing nagrireason siya. Mag-assume pa ko mahirap na. Pero hindi ko naman siya masisi nung tinignan nanaman niya ako ng ganon pagbisita namin sa room nila James. Meron kasi siyang isang malaking bote ng tubig, hindi pa nababawasan.

-------

Nagulat ako may mga bago kaming picture ni James sa FB. si Meg ang kumuha. Yung lalakeng yun naman kasi ang harot-harot. Lagi niyang pinag-iinitan yung kamay ko. Kinukuruton, pinipisil, pinapalo, minamasahe, nakikipag-punong braso. Lahat na.

Kaya lalong nang-aasar sila Donna. Sa akin lang naman daw kasi ganon si James. Eh ganon siya eh, ano bang magagawa ko..?

-------

Napansin ni Shy na suot ko yung jacket ni James kaya ayan nanaman sila at nang-aasar. Eto namang si James tinatawanan lang sila. Hindi ko talaga siya maintindihan. Buong klase inaasar na kami, siya tatawa lang? Hindi niya dinedeny o kinoconfirm. Hinahayaan lang niya. Lahat tuloy sila nag-aassume. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya.

-------

Ilang beses na kami tinatanong kung ano bang meron sa'min. Parehas naman kami lagi ng sagot,

"Wala nga, magkaibigan lang kami. Best friends ang turingan namin."

Well, siya yung nagsabi na best friends kami. Kahit ako nagulat nung sinabi niya yun. Ang alam ko kasi ang best friend niya ay si Bret at ako syempre si Yass. Pero since yun yung sinasabi niya, ride na rin lang ako. Yun naman lagi kong ginagawa eh. Kaya nga siguro wala kaming napupuntahan. Pero hindi lang naman ako ang may kasalanan!

Kung umasta siya sa'kin, minsan parang yung simpleng kaibigan mo lang (tapos sasabihin ni Yassi, "Meron talagang magkaibigang babae at lalake pero super close niyo, hindi na normal.")

Minsan parang tatay (at sasabihin naman ni Shy, "Tatay ka dyan! Umaastang boyfriend eh!")

Minsan naman parang senyorito (sasabihin naman ni Donna, "Nagpapapansin lang yun.")

Hindi ko na alam kung anong iisipin. Hindi naman kasi ako manhid, alam ko naman na yung ibang ginagawa niya parang lumalampas na sa pagiging magkaibigan lang. Pero hindi pa rin ako sigurado dahil hindi ko naman alam kung normal na James lang yun. Pano kung ganon lang talaga siya sa mga kaibigan niyang babae? (Cue Yassi, "Baket, hindi ba niya kami kaibigan?")

Hindi ko na rin alam kung ano bang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung nadadala lang ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko kaya feeling ko may gusto ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung nadadala lang ako sa mga nagsasabing may gusto siya sa'kin kaya feeling ko may ibig sabihin na yung mga ginagawa niya.

Hindi ko alam kung magkaibigan nga lang ba kami o higit na.

Hindi ko alam kung ano ba talagang tingin niya sa'kin; friend? best friend? girlfriend? o baka naman alalay???

Hindi ko alam kung san na ang lugar ko sa kanya at kung san na siya sakin. (Cue Donna, "Matagal na kayong lumampas sa pagiging mag "best friend.")

Hindi ko alam kung nagseselos ka ba nung nagtext si Joseph kaya sinusumbong mo ko kay Ma'am Pangilinan na nagtetext ako habang klase o kung nagseselos ba 'ko nung suot ni Anja yung jacket mo o bv lang ako dahil nag-away kami ni Yassi.

Eh mukang wala ka naman balak magbigay-liwanag sa lahat. Ano, iwanan na lang nating ganito?!

Ang daya mo naman eh. Ano na bang nangyayari sa'tin??

Ano ba 'to? pustahan nanaman?! Maunang ma-fall talo, manlilibre ng Cheesy Bacon Mushroom Yum!?!?! Kung ganon, tera na dun sa Dapitan, may Jollibee! Lagi na lang ako namumulubi dahil sayo!


END

(this is based on a true story kasi. and i'm a Thomasian Alumni so UST yung setting lols)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

JaDine Oneshots & DrabblesWhere stories live. Discover now