"Kanino? Hindi ba, "saan tayo kukuha?" tanong ko ulit sa kanya. Ano ba kasi 'tong sperm na 'yan.

"Seriously?" tanong niya at tumawa. "Wait, alam mo ba kung ano ang sperm? Or semen na lang kung ayaw mo ng term na 'sperm'." Dagdag niya.

"Hindi ko nga alam, ano ba sa tagalog iyon?" tanong ko.

"Really?" tumawa siya, "Are you asking me for the tagalog term? Don't you dare kasi ang laswa pakinggan. Grabe, you make me laugh so hard, nawawala ang dignidad ko sa pagtawa ko." Aniya.

"Bakit naman mawawala? Nagtanong lang naman ako." Sagot ko sa kanya.

"Okay, fine. Kalimutan na natin 'yung sinabi ko at mabuti pa ay huwag na lang tayo magdala ng sample na 'yan. Plus factor lang naman sa grades 'yon and we don't need that. I presume na matalino ka naman medyo may pagkaslow nga lang. I don't know, ang gulo mo kausap, Eumice."

"Bakit mo tinatanong kung may kaibigan akong lalaki? Sila ba ang makakatulong sa problema natin?" tanong ko at tumango siya.

"Manghingi kaya tayo sa Papa mo?" sabi ako at hinampas niya ako sa braso.

"Sira ka!" sigaw niya sa akin at natawa, "Seryoso ka ba sa sinabi mo o ginu-good time mo lang ako?" tanong niya sa akin na may kasama pang pagsalubong ng kilay.

"Hindi ako nagbibiro, bawal ba?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at hinampas ulit ako.

"Bawal nga, duh, baka palayasin ako ni daddy kapag humingi ako ng ganon. Ew, grabe ka Eumice. Kung anu ano napapag-isip mo. Mag-isip ka nga kung saan pa tayo makakakuha," tanong niya sa akin.

"Sa boyfriend mo, ako manghihingi para di ka mahiya." Tugon ko at ngayon naman ay humagalpak siya ng tawa.


"Nakakaloka ka girl! Bakit hindi na lang ako mismo ang manghingi sa kanya? Kaso, iyon ang problema, wala akong boyfriend. Sorry girl, baka ikaw may boyfriend?"

"Wala nga, pero may tatlo akong lalaki na kaclose." Pagyayabang ko sa kanya. Hindi naman siguro mahirap maghanap noon. Mabait naman silang magkakapatid.

"The who?" tanong niya.

"Si Domeng, si Paeng at si Miggy." Pahayag ko at napayakap siya bigla sa akin.

"Ikaw 'yung magsabi sa kanila at kausapin ko rin ang mga friends ko kung pwede nila tayong bigyan,"

"Sige sige, mababait naman sila."

"Excited na ako at medyo kinakabahan, text mo ko mamaya, girl," may inabot siyang isang maliit na matigas na papel, at may nakasulat dito. "Calling card ko, ipakilala mo ko sa friends mo mamaya." Sabi niya sa akin bago natapos ang pag-uusap namin.

Natapos ang buong klase namin ngayong araw at sabay kaming naglalakad ni Miggy papuntang Starbucks, dito kasi kami nagkikita kita nila Domeng at Paeng kapag naghihintayan kaming lahat. Umorder si Miguel ng kakainin namin, hays, di naman ako nagastos ng baon ko na bigay ni Tito Fred, lagi kasi nila akong nililibre.

Pagkabalik ni Miggy sa table namin ay tahimik pa rin siya. Siguro ay iniisip niya pa rin 'yung sa requirement sa Bio. "Miguel, huwag ka ng malungkot. Kakausapin ko sila Domeng tungkol doon at willing akong bigyan ka. Huwag ka ng madepressed." Pahayag ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Huh?" tanong niya. "Meron ako noon, sa'yo ako nag-aaalala. Pwede naman kitang bigyan." Sabi niya sa akin.

"Talaga?" tanong ko at parang kumislap ang mga mata ko sa tuwa, "Gusto ko 'yung marami para hindi na malungkot si Sarah. Problemado kasi siya kasi mahirap daw kumuha noon." Pahayag ko at namula na naman siya.

"Ano 'yung mahirap kuhanin?" narinig ko ang pamilyar na boses na iyon, si George 'yon at tama nga ang hinala ko. Nasa likod ko siya habang si Domeng ay nasa tabi niya at nakapamulsa. Nakakunot rin ang noo niya kagaya ni Miguel. Sungit talaga nitong lalaking 'to. Badtrip na naman ata siya.

"What are you talking about, Eumi?" tanong ni Domeng sa akin at umupo sa tabi ko. Pumunta naman si George sa tabi ni Miguel. Sinenyasan niya pa ang barista para sa order nilang dalawa.

Sumagot si Miguel sa tanong nilang dalawa, "Bio's requirement." Simple niyang sagot.

Kinuha ni Domeng 'yung inumin ko sa table at sumipsip sa straw nito.

"Kuya Dominique, kay Nica 'yan e! Nag-order na ko para sa atin. Ibalik mo nga iyan," sermon ni George kay Domeng. Tiningnan naman siya ni Domeng saka sumipsip pa ng mas marami si Domeng sa straw ko.

"Nauuhaw ata siya, hayaan mo na George." Sabi ko sa kanilang dalawa. Baka mag-away na naman sila dahil dito.

"Hindi, Nica. Nakakainis kasi," sabi niya pa.

"Shut up, Rafael. Edi kung gusto mo uminom ka rin," inilapit niya pa ang straw sa bibig nito.

"Ayoko! May laway mo na 'yan!" maarte niyang tugon.

"Oo nga, Domeng. May laway ko na 'yon, bakit ka uminom sa frappe ko?" tanong ko at inagaw sa kamay niya ang malaking baso. Nakita ko na naman ang mga ugat sa braso niya. Ang laki talaga ng braso niya, at nakaumbok ang biceps niya sa mesa kahit hindi naman nakaflex.

"That's okay, Eumi. Walang problema." Nakangiti niyang sabi sa akin, "Tungkol saan nga pala ang pinag-uusapan niyo kanina? At ano 'yung mahirap kuhanin?" dagdag niya pa. Ngumiti na naman siya.

"Sperm," sagot ko.

"Sus, ang dali naman pala. Marami ako niyan. Tss.." Mahangin na sagot ni Domeng sa akin.

These Three JerksWhere stories live. Discover now