Chapter 4 : Sciences - Retaliation

25.2K 549 55
                                    

*END OF FLASHBACK*

At ayun na nga! Buti na lang at umalis na kami dun agad-agad! Baka nagisa pa ako pag nagtagal pa ako dun nun.

Papasok na sana ako sa school, kasi Martes na, nang may mag-text sa akin.

|Hi! =^__^=| sabi sa text.

Hindi ko siya nireplyan. Hindi siya nagpakilala eh. At saka, WALA KASI AKONG LOAD!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep at pumasok na sa school.

Pagbaba ko ay may sumitsit sakin. Lumingon ako pero wala akong nakitang tao na nakatingin sakin. Creepy!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may biglang umakbay sakin.

"Hoy, bakla!" feeling close na tuwang-tuwang sabi ni Koopa.

"Oi, FC!" sagot ko.

Tinanggal niya yung akbay niya tapos nagkunot ng noo sa akin.

"Anong FC?" tanong niya.

"Feeling Close." sagot ko.

"Feeling Close? Hindi pa ba tayo close sa mga nalaman ko sa'yo kahapon?" tanong niya, may tono ng pagkagalit. Bakit galit?

"Hindi! Hindi porke't may nalaman ka tungkol sakin, o kaya nakilala mo bestfriend ko, magiging magkaibigan na tayo. Minsan may mga bagay, o tao, talaga na hindi itinakda na magsama. Tandaan mo yan." sabi ko, turning philosophical.

Ayoko munang makipag-usap sa kanya, nahihiya ako sa mga nangyari kahapon eh. Sana naman makuha niya yung hint na yun.

KARL VINCENT'S POV

Ang haba nung sinabi niya, nakaka-philosopher.

"Saang libro mo nabasa yan? Ang ganda ah? Sino author nyan?" pagbibiro ko, siguro naman it will enlighten the mood.

Pero mukhang mali ako. Tinulak niya ako palayo sa kanya tapos ay lumakad siya ng mabilis.

Wrong move yun ah? Tsk. So much for impressing a possible friend, Karl. Nice one. NICE ONE!

Naglakad na lang ako papuntang classroom nang may biglang kumapit sa braso ko. Si Michelle. Ayoko sa babaeng 'to. Siya yung tipo ng babae na bastusin at gagawin ang lahat para lang mapansin ng mga lalaki, gaya ngayon.

"Bakit, Michelle?" tanong ko sa kanya, pinipigilan kong mahaluan ng tono ng pagkainis yung boses ko.

Nakita kong dinikit niya yung dibdib niya sa braso ko. Nice move pero cheap.

"Sabay na tayong pumasok." sabi niya, trying to be seductive pero nagmukha lang siyang bibeng manganganak.

"Okay lang." sabi ko sabay ngiti. Hindi naman ako rude para tanggihan ko siya. Magsasabay lang naman kaming pumasok sa room eh.

Pagpanhik namin sa 4th floor ay nasalubong namin si Allen. Mukhang kagagaling lang sa CR.

"Hoy, bading!" biglang sigaw ni Michelle.

Napatingin naman sa kanya si Allen pero inirapan siya.

"Aba nagtataray pa! Maganda ka ba?" mataray na tanong ni Michelle.

"Kumpara naman sa ugali mo, talagang OO!" sagot ni Allen habang nakayuko at nagpupunas ng kamay.

Note to self: MAGALING MANGBASAG SI ALLEN!

Natawa naman ako sa sinabi niya at dahil dun ay tinitigan ako ni Michelle ng masama kaya tinikom ko ulit bibig ko.

Lumingon ulit siya kay Allen at tinaasan ng kilay.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now