Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness

Start from the beginning
                                    

Napansin kong napangiti si Koopa.

"Well, classmate ako ni Allen. At ako ang may kasalanan kung bakit nag-alala ka. Sorry for that. Sinama ko kasi siya sa basketball game ko eh tapos naiwan niya pa 'tong cellphone niya sa kotse ko." sabi ni Koopa. Winagayway niya pa yung cellphone ko sa ere tapos inabot niya sakin yun ng nakangiti, yung maiinis ka kasi parang may ginawa siya na hindi mo alam.

Kinuha ko sa kamay niya yung cellphone ko at inirapan ko siya. Hinila ko na si Diane at humanap na kami ng mesa. Iniwan namin si Koopa. Nakakita ako, sa bandang dulo katabi ng bintana na overlooking ang labas.

"Ang gwapo niya huh? Siya ba yung sinasabi mong ride mo?" pabulong na tanong sakin ni Diane.

Tumango naman ako at tumingin sa labas. Napansin kong tumayo si Diane at kinuha ang wallet niya.

"Same order?" tanong niya sakin.

Tumango lang ako. Then she left me there. Alone.

Nagulat ako ng bigla siyang bumalik at umupo.

"Oh! Akala ko ba oorder ka?" curious kong tanong sa kanya.

"Yeah. Kaso pinigilan ako ng kaklase mo eh. Sabi niya, siya na daw bahalang umorder ng laps natin." sagot niya tapos binalik niya yung wallet niya sa shoulder bag niya.

Napailing na lang ako sa kanya at, hindi ko alam kung bakit, napatingin ako sa counter. Saktong nasalubong ng mga mata ko ang mata ni Koopa. Nakangiti siya sakin at marahan akong kinakawayan.

"Namumula ka teh. Hinay-hinay sa pag-blush ha? Baka pumutok ka dyan!" narinig kong sabi ni Diane. Napabalikwas ako ng tingin sa kanya at tinitigan siya ng masama. Natawa naman ang bruha at hinampas-hampas pa ang kamay ko.

After a while ay dumating na si Koopa. Uupo sana siya sa tabi ni Diane kaso nilagay ng bruhildang yun ang bag niya sa upuan kaya napilitan tuloy siyang umupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya habang paupo siya. At muli, ay nagkasalubong na naman ang mga titig namin. At muli uli, ay nakangiti na naman siya sakin.

"Ehem, ehem! Mukhang mauuna pa kayong matunaw kesa sa Sundae!" singit ni Diane na pumutol sa pagtititigan namin ni Koopa. Umiwas ako ng tingin para hindi nila mapansin na nag-iinit yung mga pisngi ko.

"Kain na." biglang sabi ni Koopa.

Pero bago ako kumain ay kinuha ko yung wallet ko. Dumukot ako dun ng 100 pesos at inabot ko kay Koopa.

"Ano yan?" tanong ni Koopa. May mata ba siya? Hindi niya ba nakikita kung ano ang hawak ko? Hmmp.

"Pera. Duh?!" sabi ko.

"Para saan, I mean." tanong niya.

"Bayad ko. Para dito sa mga 'to." sagot ko habang nginunguso ko yung mga pagkain.

Kinuha niya yung pera at tinupi iyon. Akala ko ay ibubulsa niya iyon kaya nagsimula na ako sa pagkain. Pero laking gulat ko nang biglang may dumausdos na kamay papunta sa leeg ko at sumuksok ito sa loob ng T-shirt ko.

"What the?!" confused at naiinis kong tanong. Hinawakan ko yung part na yun at naramdaman kong may parang papel.

"Diba sabi ko libre ko 'to?" tanong niya pero hindi sakin naka-direkta, kay Diane.

"Ganyan talaga yan. Hayaan mo na, ayaw nyan ng nililibre. Unless, kung magkaibigan talaga kayo o kaya super gipit siya. Salamat nga pala sa paglibre mo ha?" sagot ni Diane habang nakangiti. Ikukwento niya ba buhay ko? Baliw talaga 'to!

"Ayoko lang kasi magkaroon ng utang na loob." cold kong sagot.

"Yan din sinabi mo kaninang tanghali eh. Pasasalamat ko na rin yan kasi sumama ka sakin kahit first time mo lang akong nakita." sagot niya. Is he blushing? He is blushing! Hangkyoooot!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now