Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow

ابدأ من البداية
                                    

"Salamat pare, mahal na kita!"

"Pakyu ka, 'tol! Ano ba'ng nangyari at napunta kayo r'yan? Kailan pa kayo nawala? Isang buwan na lang, Judgment Battle na."

"Ano?!" sigaw nila.

"Two months kaming nawala? Bakit gano'n katagal?!" sabi pa ni Ellie. 

"Eh, malamang, nag-time travel kayo. Siguro, 'yan ang epekto. 'Buti sana kung ilang araw lang ang binalikan n'yong oras, eh hula ko sa mga mukha n'yo, parang galing pa kayo sa sinaunang panahon. Bakit ba kayo napunta r'yan sa loob, ha?"

Nagtinginan silang dalawa kay Tine na nakaupo uli sa sahig at kinuha ang libro. "Ginawa ko ito at humingi ng gabay sa Power Sphere. Hindi ko akalaing pahihintulutan akong pahiramin ng ganitong klaseng kapangyarihan. This book can answer our questions."

"Marami nga akong nalaman. Napunta ako sa panahon ni Blaite," sabi ni Yuan na ikinalaki ng mga mata namin.

"Ang daya! Ako naman ay halos atakihin na sa puso! Dinala lang naman ako ng librong 'yan sa panahon ng mga kalaban!" daing ni Ellie.

"Ano?" sabayang pagbigkas namin.

"Paanong panahon ng mga kalaban?" tanong ni Tine. 

"Hindi ko rin nga alam eh. Pero sa tingin ko, 'yun 'yung time na nakagawa sila ng isang dimensyon na magiging kuta nilang lahat. Lugar kung saan sila nagpaplano ng mga pagsalakay dito sa MFU."

Natahimik kami ng ilang saglit bago maisipan ni Tine na dumagdag. "Ako naman, napunta sa panahon ng Four Legends. Kailangan nating pag-usapan ang lahat ng ito."

Napagdesisyunan naming kumain muna dahil mistulang drained ang utak at enerhiya nila sa nangyari. Tahimik ang tatlo at halos malunod ako sa lalim ng iniisip nila.

Ang pagbalik nila sa nakaraan—was it a good sign or a bad one? 


• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Cristine's POV

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa kastilyo, sa kwarto ko. I was still stunned with the happenings, parang kanina lang, naroon ako kasama ng Four Legends.

Ako ang umunang magkwento. "Unang panahon na napuntahan ko ay nang iproklama ang apat bilang opisyal na parte ng Fortress Royalties. Kahit blurred, nakita kong nilalagyan ng korona ang isa sa kanila at narinig kong pinagbubunyi ng lahat ang pangalang Prince Lyndon."

"Sino kaya siya?"

"'Yon ang hindi ko alam. Kung kaninong anak kaya siya. Sa bilis ng paglilipat sa akin ng oras, napadpad naman ako sa isang kasalan. Kasal ni Prince Stefan."

Napatakip ng bibig si Ellie. "Dalawang lalaki na ang kabilang sa apat! Si Lyndon at Stefan! Eh 'yung dalawa pa?"

I remembered the initials on the Royal Chairs na nakita ko sa Prime Kingdom. L, C, S, and M. Sino sina C at M?

Umiling-iling ako. "Hindi na ipinakita sa akin kung sino pa ang dalawa. Paano kung lalaki pala sila lahat?"

Binuhat ni Yuan si Roar at pinapatulog, pero dumagdag sa usapan. "Anong nangyari sa kasal?"

"Magulo ang pangyayari. Bumilis nanaman ang takbo ng oras at madatnan ko na lang nagkagulo na ang lahat sa kasal, tumakbo si Prince Stefan na parang may hinahabol. Then that's it, time has flown me into the last destination. Ang eksaktong oras kung saan nag-aaway ang apat sa pinakaitaas ng Mount Ciphero, pinagtatalunan ang bato. Ewan ko! Magulo, eh. Basta 'yun 'yung nakita kong anggulo nila mula sa pwesto ko. Sinubukan kong akyatin sila kaya lang bigla na lang sumabog ang bato... at nahati ito sa anim. Anim na dragon."

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن