Chapter 2 : Game - Text

ابدأ من البداية
                                    

"Bungol! Kapal ng mukha mo!" defensive ko namang sabi sa kanya habang sumasakay dun sa passenger seat sa likod.

"Oy! Dito ka sa shotgun seat." sabi niya.

"Ayoko." sabi ko.

"Dito ka na." pagpupumilit niya.

"Walang basagan ng trip, remember?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Sige na nga. Mukhang hindi rin naman kita mapipilit eh." sabi niya tapos sumakay na siya sa loob at nag-drive.

After 25 minutes ay nakarating kami sa covered court ng isang subdivision. Agad niyang pinatay ang makina ng kotse niya at lumabas ng sasakyan.

"Tss. Ano kayang meron dito? Sinama pa ako nitong Koopa na ito?" tanong ko sa sarili ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lapitan niya yung mga lalaking mukhang kanina pa shoot ng shoot ng bola sa basket.

Nag-apiran sila at shoulder bumps pa. Tss. Ano bang gagawin ko dito? Makikipaglaro ako sa kanila? No way, Jose! Ayokong pagpawisan ng mala-Ilog Pasig 'no?

Nagulat ako ng biglang hubarin ni Koopa, oo Koopa na itatawag ko sa kanya, yung polo shirt niya! Shete mil naman oh! Ang sexy niya sa sando lang!

Bakit parang lalong uminit dito sa loob? Mabuksan nga muna itong bintana.

Nakita kong nagsimula na silang maglaro. Hindi pa nakaka-5 minutes ay naka-points agad yung team ni Koopa.

"Magaling pala maglaro itong Koopa na 'to. Akala ko nagyayabang lang siya nung sinabi niya yun kanina sa introduction" sabi ko sa sarili ko. Wala akong makausap eh.

At dahil nga wala akong makausap ay na-bore ako. Wala akong paki kung puro sexy boys ang naglalaro sa court na iyon. Inaantok na ako at matutulog muna ako. Medyo isinara ko na yung bintana para walang mangyaring masama sa sasakyan kahit tulog ako.

Inilapat ko yung likod ko sa sandalan at humanap ng kumportableng pwesto. Paidlip na sana ako nang may biglang kumatok sa bintana.

"Ano?" tanong ko kay Koopa with matching iritang-iritang expression.

"Nabo-bore ka ba dyan? Dun ka kaya sa loob ng court?" concerned niyang tanong.

"Ayoko. Tama nang sumama ako sa'yo dito. At saka, diba sabi ko, walang pakialamanan ng trip?" pagsusungit ko sa kanya. Syempre, sungit sungitan para hindi niya mapansin na natutunaw na ako sa pagtitig niya pa lang sakin.

"Okay." yun lang at bumalik na siya sa mga kalaro niya.

Pabalik na sana ako sa pagtulog ng bigla namang mag-vibrate cellphone ko.

"Seriously?!" sabi ko tapos inirapan ko yung cellphone ko. O diba, baliw ako?

Pagdampot ko ng cellphone ko ay tinignan ko kung sino ang nagtext. Si Diane, High School bestfriend ko.

[Yo, D!] bungad ko.

[San u? Dba dpat nkauwi k n?] reply niya in almost a minute's time.

The puck! Ginagamit niya na naman yung deadly weapon niya against me!

[Why in the hell are you texting like that?!] tanong ko sa kanya.

[Just to annoy you! :)] reply niya.

[Well, stop it right now because you've already done a good job.] reply ko.

[I just did. So, asan ka nga kasi ngayon eh?] tanong niya.

Tumingin ako sa paligid, walang street signs.

So Into You (BxB)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن