Chapter 2 : Game - Text

Start from the beginning
                                    

"Sa'yo na yan! Baka matuluyan ka pa pag hindi nawala yan. May pupuntahan pa naman tayo mamaya..." nakangiti niyang sabi. Swear, gustong-gusto ko nang kunin yung baso para isaboy sa mukha niya yung softdrinks pero dahil cute siya ay ininom ko na lang iyon.

"... Babe!" dugtong niya sa sinabi niya.

Pooshet naman! Swear to God, mabubuga ko ng tuluyan lahat ng nainom ko kung patuloy niyang sasabihin yun.

Nilapit ko yung upper body ko towards him tapos tinuro ko siya.

"Ikaw! Tumigil ka nga sa pagtawag sakin ng, yun, kasi nakakahiya!" pabulong kong sigaw sa kanya.

"Anong 'yun'? Yung 'Babe' ba?" nakangisi niyang sabi.

Pooshet naman talaga oh!? Inulit na nga niya, nilakasan pa niya! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

"Tumigil ka na, please?!" pabulong kong sigaw sa kanya.

"I'll do that. Kung sasama ka sa akin sa dapat talagang pupuntahan natin." sabi niya.

Bumalik ako ng ayos ng upo ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala naman akong magagawa, hindi ko naman sila mauutusan na tumigil na sila diba?

"Saan ba kasi yun? At saka bakit kasi dinala mo pa ako dito?" magkasunod kong tanong sa kanya.

"Basta. Malalaman mo din naman yun eh, mag-antay ka lang. At saka kaya kita dinala dito kasi nagugutom na ako, pasado tanghali na kaya." sagot niya naman sakin ng nakangiti.

"Bakit kasi hindi pa tayo ngayon pumunta? Nasasayang lang oras ko sa pag-aantay eh." sabi ko sa kanya.

"Eh alas dos pa kasi simula nun eh. Ayoko namang mag-antay sa initan 'no?" sagot niya naman sakin. Tama nga naman ang point niya.

Ang init naman kasi sa Pilipinas eh. Feeling ko nga nakahiwalay sa Earth ang Pilipinas eh, tapos mas malapit siya sa araw kaya ganito kainit dito.

"Bahala ka. Basta walang basagan ng trip ah?" sabi ko na lang sa kanya.

Pinipigil ko na lang ang sarili ko na kiligin dahil baka mailang siya sakin. First time lang na gwapong lalaki ang unang kumausap sakin ah? Normally kasi puro mga totally gay ang kumakausap sakin eh saka yung mga babaeng makakati.

Nung mag-1:30 na ay tumayo na kami at umalis sa mall. On the way papuntang parking lot ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Side to side kasi kaming naglalakad tapos siya ang energetic niya. Salita siya ng salita pero ako nakayuko lang at nakatahimik.

"Magsalita ka naman." sabi niya.

Umiling lang ako habang nakayuko. Nakakahiya kasi eh. Siguro iniisip nung mga tao na mag-boyfriend kami.

"Wag ka ngang feeling close!" pabulong kong sigaw sa kanya habang nakayuko pa rin.

"Okay, okay! Tatahimik na po. Masyado ka namang bugnutin!" sabi niya sakin tapos humakbang siya palayo.

"Oy! Saan ka pupunta? Dito tayo!" sigaw niya sakin habang kinakawayan niya ako. Nakatapat siya sa isang black na Lancer EX ata yun, wala akong masyadong alam sa mga sasakyan eh.

"Tss. Hindi kasi sabihin agad eh." sabi ko sa sarili ko.

"Ano yun? May sinasabi ka ba?" tanong niya sakin.

"Sigurado ka ba na straight ka? Eh mas maingay ka pa kesa sakin eh." sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

"Ganito lang talaga ako. Energetic saka lively." nakangiti niyang sagot sakin.

"Saka gwapo." bulong ko.

"Ano yun? Gwapo?" nakangisi niyang tanong sakin.

Nag-blush naman ako sa narinig ko. Narinig niya pala yun.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now