Chapter 36 - Time Travel

Start from the beginning
                                    

"Knock nok nuk chuk!"

Binatukan na ako ni Daniel. "Ano ba 'yang ginagawa mo, p're? Para kang timang!"

Ngumuso ako sa kaniya. "Tina-try nga kitang kontrolin, eh."

"Bakit kasi 'yan ang naisipan mong quest? Saka paano mo ako makokontrol sa chuk-chuk mong 'yan? Think of better chants, dude!" payo niya habang pinupunasan ang mga espada niya. Narito kami sa isang garden at sinusubukang aralin ang mga napili naming quest.

"Hindi ko nga rin alam, eh. Basta trip ko lang. I want to modify and control others' powers. Ang challenging kaya!" Pinaikot-ikot ko ang wand ko sa aking mga daliri. 

Nilinyahan ko na ang Knock Nok Nuk Chuk sa listahan ko. Bigyan ng ekis. Ang dami ko ng nagawang chants pero puro walang kwenta. Nagseseryoso naman ako pero puro kalokohan lumalabas sa utak ko.

"Puntahan ko na nga lang si Honeybar." Nagpaalam ako kay Dan at pumunta sa kastilyo namin.

Kumatok ako sa kuwarto niya, pero walang nagbubukas. "Loxodio!" I unlocked her door and saw no one. Si Roar lang ang nandito na tulog sa harap ng isang libro.

Whoa! Nagbabasa ng libro si Roar? 

Ang bobong gwapo mo lang, Yuan. Baka naman kasi... binabantayan niya ang libro?

Dahan-dahan kong inangat ang isang paw ni Roar at kinuha ang puting libro. Lumabas ako ng kwarto ni Tine at pumunta na sa kwarto ko.

Ano kaya itong librong 'to? Wala man lang label o title.

I opened the book and I was shocked. Nabitawan ko agad ang libro nang higupin ako nito.

Naabutan ko ang sarili kong nakatayo sa isang silid na punong-puno ng iba't ibang klase ng kagamitan at mahika—tubes, screws, clocks, swords, mirrors, stones, magic particles, at marami pang iba. There were also different pots na may mga liquid na matutukoy kong eksperimento. Sa mga sahig at dingding, maging sa ceiling ay may mga iba't ibang simbolo. Nakilala ko pa ang simbolo sa sahig—ang Circle of Insignia. Ang nasa opposite walls naman ay ang White Hallmark at Black Emblem. This room definitely belonged to someone who studied magic and wizardry.

May narinig akong papasok sa silid kaya nagmadali akong pumasok sa isa pang silid dito. Sumilip ako sa butas at nakita ko ang isang lalaking nakasalamin at nakasuot ng sombrerong itim. Paniguradong iyon ang Witted Chapeau! Pamilyar ang lalaki. Nakita ko na siya sa history books namin.

Si Blaite!

Mayroon siyang ginamit na magic at nagkaroon ito bigla ng katawan ng tao. Palagay ko ay isa ito sa kaniyang eksperimento.

Blaite summoned the Circle of Insignia dahil nagliwanag iyon sa sahig. He cast some enchantments which enlightened the symbols at the ceiling. Ang kaniyang wand ay nag-transform sa mahabang scepter na ubod ng ganda na wari ko ay siya lang talaga ang makagagawa.

Inatake na siya ng kaniyang eksperimento, pero nagawa niya iyong kontrolin. Bawat galaw niya ay nakokontrol niya ito at sa huli, napasasailalim niya ito sa kaniyang kapangyarihan. Wow!

Naglaho ang eksperimento at nilamon na rin ako ng liwanag. Nasa parehong silid na ako, pero nabatid kong sa ibang oras naman.

Sumilip uli ako kay Blaite na may ginagawang ritwal sa pagkakataong ito. Nagliwanag ang White Hallmark at Black Emblem. Maya-maya lang, sumulpot mula roon ang isang babae at isang lalaki. Ang unang dalawang wizards na ginawa ni Blaite—sina Ae at Zi.

Nagpadala ako sa kung saan ako dalhin ng panahong ito. Hindi ko nga alam kung ilang araw na ba ang lumipas. Madalas din kasing mag-fast-forward ang oras na tila sadyang ipinakikita lang sa akin ang mga mahahalagang pangyayari ng nakaraan. Oo, alam ko na ang mga pangyayaring nasasaksihan ko ay mga pangyayari sa nakaraan dahil ang ilan dito ay ang mga bagay na napag-aralan na namin at mga nabasa ko sa ilang libro ng kasaysayan ng Magique Fortress.

Sinubaybayan ko ang istorya ng pagsisimula ng Magique Fortress at kung paano binuo ni Blaite ang aming mundo. Doon ko nalamang kahit pala ang creator of magic ay nagkakamali rin. 

Nainlove si Blaite sa ginawa niyang wizard. Ang unang Soverthell na si Ae. Pero huli na ang lahat nang malaman niyang mag-irog na sina Ae at Zi. Nagalit siya sa dalawa. He was inconsolable that time. He planned on controlling Ae like what he did to his experiment.

Ngunit dahil totoong salamangkero na si Ae at hindi na basta eksperimento niya lang, Blaite accidentally killed Ae. He just killed the love of his life. Hindi nakayanan ni Zi ang natuklasan kaya sa halip na kalabanin si Blaite na gumawa sa kaniya ay nagpakamatay na lang din ito.

Blaite regretted everything to the point that he was willing to throw everything away. Gusto na niya sanang itapon na lang ang lahat ng pinaghirapan niya sa pagbuo ng Magique Fortress sa loob ng mahabang panahon. Until he realized that he needed to move on. Bumangon siya at bumuo ng bagong wizards at dagdag doon, gumawa na rin siya ng panibagong uri—ang guardians, the creatures of wisdom.

He ruled the Magique Fortress until he decided to build two kingdoms and finally separated the Soverthells and Gemlacks. Pinanindigan niya iyon dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kaniya noon at para tuluyang magkaroon ng kaayusan ang bawat uri.

He also pledged himself that he wouldn't love anyone else again to avoid another mistake. That's the main reason why he made that rule—because of love.

Love pala ang puno't dulo ng lahat. Was it really the root of everything?

Kung anuman ang rason kung bakit pinahintulutan ako na bumalik sa nakaraan ay hindi pa rin malinaw sa akin. Idagdag pang sa panahon ni Blaite ako dinala. Marahil ay dahil sa kagustuhan kong malaman ang solusyon sa aking quest. Sobra ko itong ipinagpapasalamat.

I was ready to go back. I was ready to fulfill my quest. 

Kaya lang, paano ako makakabalik sa kasalukuyan?

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Ellie's POV

NNABULABOG ako nang bagsakan ni Miss Sungit na librarian ang mesa ko. Nakatulog na naman kasi ako. Bakit ba kasi bawal matulog sa library?

"Sorry, nakatulog po ako. 'Di ko po 'to ginusto, promise po!" "Kung matutulog ka lang, get out. Baka gayahin ka pa ng iba." Tumayo na ako at umalis na rin doon. Ang chaka niya, kainis!

Bago pumasok sa kuwarto ko ay naisipan ko munang chikahin si Tine. Pero pagpasok ko sa kuwarto niya ay wala siya. Gabi na, ah? Nasaan kaya ang babaeng 'yon? Sunod kong pinasok ang kuwarto ni Yuan, wala rin siya. Hala! Nasaan sila? Yari sila kay Val!

Teka nga, bakit ba marumi agad ang naisip ko?! Humilata ako sa kama ni Yuan at inamoy-amoy ang mga unan niya. Ang bango talaga ng lalaking 'yon! Masarap halayin! 

"Hmm ano 'to?" Pinulot ko ang librong nasa sahig. Binuklat ko ito at nanlaki ang mga mata ko. Tumili ako pero huli na ang lahat, napadpad ako sa mistulang red land.

OMG! May mga halimaw akong nakita kaya kumaripas ako ng takbo at nagtago sa likod ng malaking bato. Ano ba 'yong librong 'yon?! Libro ng bangungot?!

Kulang na lang ay dasalin ko ang lahat ng dasal na alam ko. Sa kalayuan ay may isang malaking portal na pinalilibutan ng mga nakaitim na mga salamangkero. I had a hunch that they're Gemlacks. May ritwal silang ginagawa na pagtagal ay may mukhang unti-unting sumusulpot sa portal na 'yon. Hindi ko matukoy kung portal nga ba 'yon or magic mirror. Ah, basta!

Napahawak na ako sa aking bibig bago pa ako makagawa ng ingay. Nasilayan ko ang mukha ni Dreyxin.

Oh my gosh!

Ibig sabihin, gumawa sila ng mundong ito na nagsisilbing kuta o kampo nila para buhayin ang dark prince. Lalo pa akong kinilabutan sa narinig kong sinabi niya bago tuluyang maglaho ang mukha niya roon.

He made a curse that the source of love to a new life would transform into evil and when that time comes, he would come back stronger. No greater power could ever hinder or break the curse.

O . . . M . . . G! 

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now