Chapter 1 : Introduction - Irritation

Start from the beginning
                                    

"Well, as they say, it takes one to know one. Pero seriously, gay nga ako." seryoso niyang sabi, or so I thought.

"Eh bakit hindi ka katulad ng iba na kumekembot o kaya masyadong matinis ang boses o kaya yung medyo girly kumilos o kaya ---"

"Stop it! Ang dami mo namang tanong. Kelangan ba pag bakla ka kumekembot ka? Nagdadamit babae ka? Nagpapakababae ka for no apparent reason? Hindi naman diba? Naging ganito ako kasi sarili ko tong desisyon. Kung may problema ka sakin, edi leave me alone!" pagputol niya sa sinabi ko pero nag-end ng galit siya.

"Okay okay. Sorry." sabi ko na lang. I don't want to anger him more.

"May problema ba diyan sa likod?" biglang tanong ni ma'am.

"Nothing Ma'am! We were just talking about our similarities." bigla ko na lang naisagot out-of-the-blue.

"Good to hear that." sabi ni ma'am tapos itinuloy ang introductions ng iba.

After 20 minutes ay natapos na ang lahat. Hindi ko naman syempre matatandaan lahat kung sino yung iba naming kaklase, bukod sa mga kaibigan ko, pero ang pinaka-naalala ko lang ay itong si Allen Estanislao.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maiwasan na alisin siya sa utak ko.

"Saan ka grumaduate?" bigla kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sakin pero inirapan niya lang ako at tumingin ulit siya sa cellphone niya.

"May kakilala ka ba dito sa school?" tanong ko ulit sa kanya.

Inirapan niya lang ulit ako.

"Anong sports ang nilalaro mo?" tanong ko na naman sa kanya.

Wala lang. I feel like asking him questions lang though I know na ayaw niya akong sagutin.

"Alam mo ba na --"

SBAM! Hinampas niya bigla yung desk niya.

"Anong problema?" tanong ni ma'am.

"May I go out?" biglang sabi ni Allen nang tumayo siya.

"I'm dismissing the class anyway. Class dismiss! You may do whatever you want." biglang sabi ni ma'am at bigla ding nagsilabasan mga kaklase namin.

Nakita kong kinuha ni Allen yung bag niya tapos agad na lumabas sa room.

Sinundan ko siya pero naharang ako ni Jason, isa sa mga kabarkada ko.

"Par, may game tayo mamaya ha? Kina Jomar daw. 5-on-5. Game ka?" tanong niya.

Sinubukan kong hanapin si Allen pero nawala na siya sa paningin ko.

"Oo, sige. Text mo na lang ako ha? Sige." sabi ko sa kanya tapos tinapik ko yung balikat niya saka umalis.

ALLEN'S POV

Well, that escalated quickly. Akala ko mahirap siyang i-approach, it turns out, napaka-kulit pala niya!

Inis-inisan ako kanina para hindi niya mahalata na excited akong makausap siya syempre.

Dito ako nag-stay sa isang gazebo. Walang tao kaya pinasya ko na lang na umidlip muna.

Nung nakakaidlip na ako ay biglang may nagsalita.

"So, bakit natutulog ka dito? Pwede ka namang matulog sa library ha?" sabi ni Karl Vincent.

Umayos ako ng upo tapos tinitigan ko siya ng masama.

"Woah! Wag ka ngang ganyan tumingin. Nakakatakot ka eh." sabi niya nang nakangiti.

"Tss." sabi ko na lang tapos inirapan ko siya.

"Ang sungit mo naman masyado. Wala kang magiging friends niyan pag ganyan ka." sabi niya.

Tumayo lang ako at umalis sa gazebo. Pero bago ako makalabas ay hinawakan niya ako sa braso.

"Bakit ba ganyan ka? Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa'yo eh." sabi niya sakin.

"Wala ako sa mood makipag-usap okay? Saka kung yun naman pala ang gusto mo, bakit hindi mo agad sinabi kanina? Ang dami mo pang pinagsasasabi, para kang abnormal." sabi ko sa kanya with a hint of seriousness.

Binitawan niya ako tapos napakamot siya ng ulo.

"Uhh. Hindi kasi ako yung tipo na nakikipagkaibigan eh, ako yung kinakaibigan." nahihiya niyang sabi habang nagkakamot ng batok.

Ang cute niya sa eksena na yun. Para ngang gusto ko siyang lapitan tapos kukurutin ko yung pisngi niya.

"Edi there's no way in hell na magiging magkaibigan tayo." pagsusungit ko.

Bigla naman siyang tumayo tapos tinitigan niya ako sa mata. Nakita kong parang nalungkot naman siya na may halong pagkataranta.

"B-bakit naman?" tanong niya.

"Kasi parehas tayo. Hindi rin ako yung tipo ng nakikipagkaibigan." seryoso kong sabi.

Hindi ko na siya tinitigan at umalis na ako.

Gosh. Halos matunaw ako sa mga pinagsasasabi niya. Gusto niya daw akong maging kaibigan? Ahh! Kinikilig ako! Hahaha.

Yung Humanities lang ang klase namin tuwing Monday tapos ang aga-aga pa! 8 freaking 30?! Eh natutulog pa diwa ko nun on a normal day eh. Dahil maaga akong gumising kanina ay pinasya ko na lang na umuwi at matulog uli sa bahay.

Pero nung nasa sakayan na ako ay may biglang umakbay sakin.

"Saan ka pupunta?" tanong ng isang pamilyar na boses. Oo, nakabisado na agad ng utak ko ang boses niya.

"Wala kang paki." sagot ko.

"Sama ka samin." nakangiti niyang sabi sakin habang nakaakbay pa rin sakin.

Ano ba? Wag ka ngang ganyan! Lalo lang akong mahuhulog sa'yo nyan eh.

"Ayoko. Saka hindi tayo close noh?" sabi ko sa kanya.

"Sumama ka na. Sige na." pamimilit niya sakin habang kinakabig-kabig ako.

"Ayoko nga eh! Saka wag mo akong yugyugin!" sabi ko sa kanya habang pinipilit ko siyang itulak.

"Ayoko! Sumama ka muna sakin." patuloy pa rin siya sa pag-yugyog sakin habang pinipilit ako.

Pinilit ko siyang itulak pero napakalakas niya. Sa bawat pagpupumiglas ko ay lalong humihigpit yung akbay niya sakin.

"Ano ba? Tumigil ka na nga! Gusto ko nang umuwi para makatulog na ako ulit. Inaantok pa ako." sabi ko sa kanya pero parang tunog nagmamakaawa ako.

"Sumama ka muna kasi sakin eh." sabi niya.

Mukhang wala naman akong magagawa eh. Hindi ko siya mapilit na tigilan ako eh, might as well sundin ko na lang ang gusto niya, malay naman natin kung maganda pala ang mga pinaplano niya.

"Sige na. Payag na ako." sabi ko, sounding defeated.

"Yes!" sabi niya with matching pagngiti na abot tenga.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Drop some comments. :)))

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now