Thirthieth

348 5 2
                                    

A/N: SPG (LANGUAGE)

"Tangina naman kasi e!" Agad kong hinawakan ang nanginginig niyang braso.

"Shh George. It's okay. It's okay, George." Hinahagod ko ang kaniyang braso na wala paring tigil sa pagnginig. Pero nang sinimulan kong hagudin iyon ay biglang gumaspang dahil sa pagtindig ng kaniyang balahibo.

"God, Effy, stop that." Kinuha nito ang kamay ko at hindi na binitawan pa.

Pareho kaming tahimik lamang at nina-namnam ang lamig ng simoy ng hangin. Rinig na rinig ang tugtog galing sa bar pati na ang mga nagiingayan na tao.

"Arte kasi e! Parang babae ang pucha! Ang daming alam!" Patuloy na pagaalburuto ni George. In-angat ko ang isa kong kamay para hagudin ang kaniyang malambot na buhok.

Nagaway si George at Matt. Gusto ni Matt palitan ang tutugtugin nila mamaya. Wala namang problema yun sa ibang miyembro pero kay George mayroon. Aniya na matagal nilang prinactice iyon tapos kung kailan ilang minuto na lang ay sila na ang sasalang sa entablado saka naisip ni Matt palitan ang kanta.

"Hindi mo ba alam ang beat ng kanta?" Patuloy ko paring hinahagod ang kaniyang buhok. Nilingon ko ang entrance ng bar at doon nakita si Trisha na tinuturo ang relo at ang loob ng bar. Oh gosh, sila na yata ang tutugtog!

"Alam ko. Pero kasi.."

"George, pagbigyan na lang natin si Matt. Malay mo, mas magustuhan ng scouts ang tutugtugin niyo mamaya..Ano ba ang kanta na napili ni Matt ha?"

Nilingon niya ako at mariin akong tinitigan. "Deadma ni Rocksteddy.."

"O! Maganda yun! Atsaka diba gusto mo ang kantang yun? Pinapatugtog mo nga yun minsan sa phone mo e!" Ani ko. Nagtataka ako kung bakit ayaw niyang tugtugin iyon ng banda.

"May masama akong pakiramdam kung bakit niya pinalitan iyon ng Deadma." Napatingin siya sa mga kamay namin na magkahawak pagkatapos ay unti-unti niyang nilipat ang tingin sa akin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Muli akong napatingin sa loob ng bar. Gosh, I need to make George play that song!

"George please, tugtugin mo na to! Kung ano man iyang masamang pakiramdam na nararamdaman mo, hindi yan totoo. May mga scouts na naghihintay sainyo.." Pagmamakaawa ko. Gusto ko nang matupad ang mga pangarap nilang apat kaya ipupush ko na ito!

Bumuntong-hininga ito at hinigpitan ang paghawak saaking kamay. "Alright..But sweetheart, kapag magtutugtog na kami..Gusto ko ako lang ang titigan mo." Naramdaman ko ang pagpula ng aking mukha.

"O-Okay, George..." Sayo lang naman ako tumititig e! Hindi mo lang nakikita noon dahil busy ka sa pag-iwas saakin.

May narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Pareho naming nilingon ang entrance ng bar at nakita namin roon si Rush at Trisha na parehong nakabusangot.

"Ano? Ayaw niyo talagang paawat? Kanina pa namin kayo tinatawag ah! Dude, tayo na ang tutugtog, ano ba?"

"Eto na." Malamig na sabi ni George pagkatapos ay tamad na tumayo. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang pangiirap ni Trisha kay Rush at ang pagkagat ng labi ni Rush nang maabutan niya ang ginawa ni Trisha.
"Sweetheart, take my hand." Ibinalik ko ang tingin kay George at masayang inabot ang kaniyang kamay. Magkahawak-kamay kaming pumasok ng bar.

"Tss, love birds. Magbre-break din kayo." Pabirong sabi ni Rush pagkatapos ay nauna ng pumasok samantalang hinintay naman kami ni Trisha.

Tatlong tao na ang nakakaalam sa relasyon namin ni George. Si Trisha,Rush at si mama. Kailan kaya ako ipapakilala ni George sakaniyang magulang? Hindi na ako makapaghintay na makita sila!

She's into Drummers Where stories live. Discover now