Seventh

674 22 13
                                    

"Bakit ka nagsinungaling?" Pagkapasok pa lamang namin sa loob nang restroom, Agad na niya akong diniretsang tanong.

"What?"

"Huwag mo akong ma-what what diyan! Sabihin mo saakin ang dahilan!" Iiling-iling na saad nito. Napabuntong-hininga na lamang ako at sumuko na.

"It's because of Matthew. Halatang ayaw niya sa t-shirt ko, ayaw ko namang madisappoint iyong tao kaya iyon."

"Tapatin mo nga ako, Effy. May gusto ka ba kay Matthew?"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglang sinabi nito. "Trisha! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wala akong gusto kay Matthew. Bakit ba ayaw mong maniwala?" Kunot-noong tanong ko rito.

"Nakakapagtaka kasing ayaw mong madisappoint si Matt. Bahala na nga! By the way, nakita mo ang reaksyon ni George?"

Dahil sa sinabi niya, natahimik ako. Galit saakin si George, alam ko. Halata naman noong sinabi niya ang mga katagang 'I hate that girl'. Alam kong ako ang tinutukoy niya, halatang ako iyon.

"Okay ka lang ba?" Napabalik ako sa huwisyo at napatingin kay Trisha. Kitang-kita ang pagaalala niya saakin. Bigla ko na lamang gustong yakapin si Trisha. I feel like everyone hates me.

"Trisha..." Nanginginig kong saad. Hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

"Jusko, ano na ba ang nangyayari sa kaibigan ko. Shit!"  Inalo niya ako. Hindi siya nagsalita, patuloy niya lang akong inaalo. Nagpapasalamat ako dahil hindi na siya nagtanong kung bakit ako umiiyak. Kasi kung itatanong niya ako, hindi ko alam ang isasagot ko sakaniya.

Mga ilang minuto ang lumipas, natapos na ako sa pagdra-drama. "Okay ka na girl? Kasi kung hindi ka pa okay, hindi na natin maaabutan ang TALKHOUSE na magperform." Ani nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Oh my god! Sorry, I forgot. Let's go!" Kinuha ko ang kamay niya at mabilis na hinila siya papalabas ng restroom. Nakipagsiksikan ako sa mga tao. God, kailangan sa harapan kami para makita ni Trisha ang mga boys.

"Excuse me." Ani ko. Maraming nagagalit sa ginagawa ko pero wala na akong pakialam kailangan kong mailagay si Trisha sa harapan.

"Sorry po, Sorry po." Narinig kong saad ni Trisha sa mga babaeng natatamaan ko. Napailing na lamang ako sa ginagawa ni Trisha.

"Were here." Nginitian ko si Trisha nang makarating kami sa harapan ng stage. Nakikita kong naghahanda na sila. Si Rush at Zeus na inaayos ang kanilang gitara, Si Matthew na inaayos naman ang mic stand, At si George na inaayos ang kaniyang drums. Nakikita sa mukha ni George at Matthew na badtrip sila.

"Oh my god, kailangan kong mapicture-an sila!" Agad na nilabas ni Trisha ang kaniyang dalang camera at pinicture-an silang apat.

"Go TALKHOUSE!" Sigaw pa nito habang patuloy na pinipicture-an ang mga ito. Humarap siya saakin. "We need to take a selfie!" Hinarap niya ang camera saaming dalawa at agad kumuha ng litrato.

"Gosh, ang ganda ko talaga!" Natawa na lamang ako sa sinabi nito. At talagang siya lang ang maganda ha! Paano naman ang diyosa'ng tulad ko? Kidding.

"Good evening, everyone! We are TALKHOUSE. I'm Matthew, your vocalist for tonight. This is Rush, your guitarist and Zeus your second voice and also guitarist. And, George your drummer. Have fun and Enjoy!" Inisa-isa niyang tinuro ang mga miyembro. Pagkatapos niyang sabihin iyon biglang dumilim ang clubhouse at ang ilaw lang na nakabukas ay iyong nasa stage.

*Try Hard - 5 seconds of summer*

♪She's dropping out of school 'cause she don't need the grades,
The colors in her hair don't seem to fade,
I get dressed up when I go out, but she gets dressed down
She's 17 I've told her I'm 20,
I couldn't take her out 'cause Mum's got no money,
It's stuff like this that makes me wish that I could change somehow
Sitting here at home, it's obvious

♪She's so out of reach, and I'm finding it hard
'Cause she makes me feel, makes me feel
Like I try, like I try, like I'm trying too hard,
'Cause I'm not being me, and it's getting me down
That she makes me think, makes me think,
That I try, that I try, that I'm trying too hard again

Noong nag-chorus, Hindi ko alam kung nahalata rin ba nila o hindi--- Si George ay nilalakasan ang pagtambol sa drums niya, na parang gusto nitong lamangan ang boses ni Matthew. Mukhang nahalata rin ni Matthew kaya mas lalo niyang nilakasan ang boses niya. God, pati ba naman sa gig nila magaaway pa sila?

♪She's got a rose tattoo but she keeps it covered
I play guitar but she's into drummers,
She's seen my face around but she doesn't even know my name
I pierced my lip so she thinks I'm cool,
I ripped my jeans and dropped out of school,
I followed her around the town but she thinks that I'm a weirdo now
Sitting here at home, it's obvious

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kong ngumisi si George ng sabihin ni Matthew ang salitang 'but she's into drummers'. Ang cute niya talaga, Gosh. Kaya ako naiinlove sakaniya ng paulit-ulit eh!

♪But know, who knew?
She's in the crowd of my show
Nothing to lose,
She's standing right in the front row
The perfect view,
She came alone on her own,
And there's something that you should know

Napatigil ako sa pagsigaw ng pangalan nila nang makita kong nakatitig lamang si Matthew saakin. Sa akin lang.

You're so out of reach, and I'm finding it hard
'Cause you make me feel, you make me feel,
Yeah she makes me feel, she makes me feel
It's obvious

♪She's so out of reach, and I'm finding it hard,
'Cause she makes me feel, makes me feel
Like I try, like I try, like I'm trying too hard,
'Cause I'm not being me, and it's getting me down
That she makes me think, makes me think
That I try, that I try, that I'm trying too hard again
(And again, and again, and again, and again)
'Cause I'm trying too hard again
(And again, and again, and again, and again)
'Cause I'm trying too hard again

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nginitian niya ako ng sobrang laki at kinindatan pa ako. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya. "Matthew Suarez!" Sigaw ko. Natuwa ako nang makita ko ang mukha niyang tumatawa. Buti naman at tumawa na siya.

Napatingin ako kay George, Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang masamang nakatingin nanaman saakin.

Ano nanamang nagawa ko? Bakit parati na lang galit saakin ang taong mahal ko? Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin niya rin ako.

She's into Drummers Where stories live. Discover now