Fourtheenth

616 19 3
                                    

"Ay, girl gusto ko ang ginawa mo kanina!" Pagpupuri saakin ni Trisha. Pabalik kami sa room namin, katatapos lang kasi ng break. Hindi namin nakita ang TALKHOUSE dahil mayroon silang practice.

"Oh shit." Napatakip ako ng aking bibig ng may maalala. Agad akong nilingon ni Trisha at tinanong kung anong problema ko.

Malaki ang problema ko.

"Si prof Keifer ang next natin diba?" Takot kong tanong sakaniya. Kitang-kita ko na unti-unting nagbago ang expression sa mukha ni Trisha.

"Oh...my...god." Ani namin parehas.

____

"Ano ba iyan, Ef! Tigilan mo na nga ang pagsi-sign of the cross mo! Naiirita na ako!" Masungit na sabi ni Trisha.

"Eh kasi naman eh! Paano kung namukhaan niya ako? Edi baka ibagsak ako ng baklang prof na yun! Kasi naman, sana hindi na lang ako sumabat sakanila! Sana, pinabayaan ko na lamang si George na magahasa ng baklang prof na yun!" Litanya ko at muli nanamang nagsign of the cross.

"Hahayaan mo iyon? Sus! Puro ka naman salita eh!" Ani nito sabay palo sa braso ko. Sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Ayan na si sir!" Parang highschool na saad ng president namin. Muling lumakas ang pintig ng aking puso. Sheez, sana hindi ako makilala ni sir! Ililibre ko talaga si Trisha ng jollibee, kapag hindi ako namukhaan ni sir.

"Hoy, pumunta ka na sa upuan mo. Parang tanga oh." Tinulak ako ni Trisha papunta sa upuan ko.

Naestatwa na ako sa upuan ko nang makitang nakasimangot na pumasok si prof Keifer sa room namin. Pabagsak niyang inilapag ang mga libro at masamang tinitigan kaming lahat. Tumriple ang kaba na aking nadarama ng inilibot ng prof namin ang kaniyang tingin na parang hinahanap ang kaniyang susunod na prey.

Patago akong nagsign of the cross ng makitang malapit na niya ako makita. Siguro naman hindi na niya ako mamu-mukhaan dahil itinali ko na ang nakalugay kong buhok kanina. Nang nilipat niya ang tingin saakin, doon tumigil ako sa paghinga. Oh shit!

Ilang saglit tumigil ang tingin niya saakin hanggang sa inilipat na niya ang tingin sa tabi ko. "Oh my god, success!" Bulong ko sa sarili ko. Mukhang narinig ng mga katabi ko kaya nagpeace sign lamang ako.

Kinindatan ako ni Trisha ng mapadaan ang tingin ko sakaniya. Nagtaka ako kung bakit niya ako kinindatan pero hindi ko na lamang pinagtuonan ng pansin iyon. Ibinalik ko ang tingin sa harapan at nagsimulang makinig sa baklang prof namin.

_____

"Excited na ako!" Sigaw ni Trisha pero agad na napatigil dahil nabulunan ito. Nakasimangot na hinagod ko ang likod niya para mahimasmasan siya. Nakakainis! Nakaligtas nga ako sa baklang prof na iyon pero dito sa bruhildang ito? Hindi!

Nandito kami ngayon sa jollibee dahil ang sabi ni Trisha may manglilibre daw sakaniya. At dahil sa nakarinig ako ng libre, agad akong sumama sakaniya. Ang hindi ko alam, ako pala ang taong tinutukoy niya na manglilibre sakaniya. Narinig daw kasi niya ang mga ibinubulong ko sa sarili ko, ang alam ko iniisip ko lang iyon pero siguro ay navoice-out ko. Nakakainis lang! Napasubo ako ng wala sa oras.

"Kumain ka na nga lang." Masungit kong saad.

"Sungit? It's your fault, Miss. 'Ililibre ko talaga si Trisha kapag hindi ako namukhaan ni sir.'" She even imitated my voice. Ginagalit talaga ako ng babaeng ito! Makikita niya makakabawi rin ako sakaniya, soon!

"Balik na tayo sa pinaguusapan natin kanina. So, anong susuotin mo? maggo-gown ka o cocktail?" Tanong niya.

I almost forgot. Magkakaroon ang 1st year college at 4th year college ng Grande Ball. Ang lakas maka-Junior's or Senior's promenade lang no'? Kaya ito ginawa, para i-welcome ang mga 1st year college at para naman sa mga 4th year college, makapagpaalam sa paaralang ito. I don't know the rest, basta iyon lamang ang alam ko kung bakit ginawa ang Grande Ball.

"Gown, Color black." Maikling saad ko.

"Oh? Ako iniisip ko pa eh. By the way, I heard na magpeperform ang TALKHOUSE."

Agad humarentado ang puso ko sa narinig. Dagli kong tinitigan si Trisha kung nagbibiro ba ito. Pero nang makita kong excited rin ito ay alam kung totoo nga iyon.

"Oh my god! Makikita ko na si George na naka-suit!" Iniisip ko na kung anong magiging itsura niya. Mas attractive siguro kong habang nagtutugtog sila ay naka-suit parin sila. I can't wait to see him wearing a black suit while playing his drums.

"Ano? Natulala na, ganun?" Inilipat ko ang tingin ko kay Trisha. I smiled sweetly and I even batted my eyelashes to her. Hindi ko mapigilang matawa ng makita ko ang pandidiri sa mukha nito.

"Mamaya, punta tayong mall? bili tayo gown?" I agreed to her suggestion tutal ay sa linggo na rin iyon.

Sisiguraduhin kong maiinlove ka saakin sa araw ng Grande Ball, George Santayana.

She's into Drummers Where stories live. Discover now