Thirteenth

598 22 2
                                    

"Ma, please tell me!" Kanina ko pa sinusundan si mama at kinukulit tungkol sa nakita ko kanina.

"Anak, wala nga lang iyon." Ani mama sabay buntong-hininga. I know, kanina pa siya nakukulitan saakin pero wala akong pakialam. Kailangan kong malaman ang pinagusapan nila ni George kanina.

"Anong wala? Nakita ko, tinuro ako ni George. Ano ba kasi ang pinagusapan niyo?" Pagod na tanong ko. Kanina ko pa inuulit ang tanong na iyan pero hindi niya parin ako sinasagot.

"Anak, do you know what 'privacy' means?" Idiniin pa nito ang 'privacy' word saakin.

"Okay, Suko na ako. Pupunta na po ako sa kwarto ko." Malungkot kong saad. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis ng kusina.

"Anak, that was nothing. Forget what you saw earlier alright?" Tumango ako sa sinabi nito bago tuluyang umalis ng kusina.

Pagkatapos kumain ng apat, nagpaalam na agad sila na aalis na sila dahil may pupuntahan pa daw sila. Nagpaalam si George kay Mama pagkatapos ay lumabas ng bahay nang hindi ako binibigyan ng tingin. Nacurious ako pagkatapos nun kaya agad kong hinarap si mama at kinausap tungkol sa nakita ko kanina.

_____

"Effy! Ang daya talaga!" Natawa ako sa pagaalburuto ngayon ni Trisha sa cellphone. I dialed her number after I walked out of my mother and immediately told her what happen earlier.

"Your fault, not me." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Kainis ka naman! Wait! Vinideo-han mo ba?" Nanlaki ang mga mata ko ng tanungin niya ako.

"Oh...my..god." Dahan-dahan kong saad. "Gosh! I forgot! Sa sobrang paghanga ko sa rehearsal nila, nakalimutan ko na ang lahat!" Napakamot pa ako sa aking ulo, sa sobrang inis sa sarili.

"Ano ba naman iyan, Effy! Humanda ka sa akin bukas!" Pagbabanta nito saakin. Natawa ako sa pagbabanta nito. Duh, mas malakas kaya ako sakaniya!

"Okay, okay. I'm going to get myself ready for you." Pangiinis ko pa rito. I laughed when I heard her say 'grrr' before ending the call.

Ang sarap niya talagang inisin! That's why I love her!

_____

"Good morning, Class!" Bungad ko sa mga kaklase ko. Nagtaka ako ng bigla silang nagayusan at tumayo pero nang makita nila na ako iyong nasa harapan ay napabuntong-hininga sila.

"What?" Tanong ko sakanila. Ang iba ay inirapan lamang ako. Wow ha! Akmang sisigawan ko sila ng mahagilap ng aking mga mata ang asawa ko. Oh my gosh!

"George!" Sigaw ko. Hindi na ako nagabalang tanggalin ang bag ko. Dagli akong lumabas ng room at tumakbo papunta sakanilang apat. Nakasalubong ko pa si Trisha pero hindi ko na siya binigyang pansin.

"George--" Natigilan ako ng makita kong linapitan sila ng prof namin, si Prof Kefier sa umaga at Kearra naman sa gabi. Yes, he's gay. Maraming mga estudyante ang naiinis sakaniya dahil nilalapitan ng prof namin ang mga crush nila. Our prof likes handsome guys, at wala naman akong pake roon. Okay lang saakin na magkagusto pa si sir sa kahit na sinong gwapong lalaki rito sa school, wala akong pake. Pero mukhang magbabago yata iyon dahil sa nakikita ko ngayon.

What the hell?!

Kitang-kita ng dalawang mata ko na lumapit si sir kay George at kinausap ito. George was just laughing while talking to him. While, Rush, Zeus and Matt is laughing too. Okay lang naman iyon, pero bigla ba namang pinunasan ni sir ang noo ni George?! Hindi ako makakapagtimpi roon!

Lalapit na sana ako sakanila ng makita kong umiwas ng konti si George kay sir. Hindi ko namamalayang nakangisi na pala ako habang pinapanood sila. Pero nawala iyon ng makita kong hinawakan ni sir ang buhok ni George at inayos ito.

No sir! You didn't just do that in front of me. Ako lang ang may karapatang punasan ang pawis niya at ayusin ang magulo niyang buhok! Walang ibang babae ang may karapatan roon o kaya ay mga baklang prof o kahit na sino! Ako lang at wala ng iba ang may karapatan.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko papunta sa kinalalagyan nila. Walang pasubaling dumaan ako sa gitna ni sir at George, dagli kong kinuha ang braso ni George at isinama siya palayo kay sir. Narinig kong tinawag ako ni Matt pero wala na akong oras para lingunin siya. Nang nakaliko na kami, doon na lamang ako tumigil sa paglalakad.

"Bullshit." Iniangat ko ang tingin ko kay George. Nagtaka ako ng makita kong namumula ang dalawang tainga nito.

"Bakit mo ako nilayo kay sir?" May diin na tanong nito saakin. Doon ko lamang narealize ang mga ginawa ko kanina.

Nakakahiya! Oh my god! Hindi ako makapaniwalang inilayo ko si George sa malanding professor na iyon! Natutuwa ako pero at the same time ay kinakabahan.

"I-I'm sorry, George. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko--" Naputol ako ng biglang nagring ang bell. Save by the bell!

"Ugh, Sige, George una na ako! Baka malate pa ako eh," I hurriedly told him and immediately walk out. Pero hindi nakatakas saakin ang binulong nito.

"Damn girl.."

What's that supposed to mean?

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon