Twenty Sixth

377 8 2
                                    

Nagdebate ako kung titignan ko ba ang text ni Matt o hindi. Muli ko kasing naalala ang sinabi ni George na gusto daw ako ni Matt. Ayoko mag-assume pero kasi si George na ang nagsabi. And he's not good at lying.

Napakagat ako ng aking labi at Huminga ng malalim bago napagdesisyunang buksan ang text niya. Walang masama kung tignan ko yun. He's still my friend.

Matt:

How are you? I miss you.

Kinakabahan ako habang inuulit-ulit ang pagbabasa sa text niya. Para kasing nagtataksil ako kay George.

But still, I typed my reply.

Ako:

I'm fine, Matt.

Pagkatapos ko yun sinend, mabilis kong sinarado ang phone.

Halos mapatalon ako ng muling nagvibrate ang aking phone. Madali ko itong binuksan sa pagaakalang nagtext na si George pero nadismaya dahil si Matt parin iyon. Sinarado ko na lamang ang phone ko at hindi na binasa ang text galing kay Matt.

"What's with the long face?" Ini-angat ko ang tingin kay papa na may hawak na tatlong baso at juice. I helped him before answering his question.

"Nah it's not a big deal po." Nginitian ko siya bago kumuha ng sariling baso. Naglagay ako ng juice sa aking baso bago ito inumin.

"Okay, by the way, I heard-" Natigil kaming tatlo nang biglang may nagring na phone. It's not mine because I'm not familiar with the ringtone. Agad namang nasagot ang tanong ko nang ilabas ni papa ang kanyang phone.

"Hello?" He mouthed 'one second' to us before walking away.

"Anak."

"Yes po ma?"

"Pinatawad mo na ba ang papa mo? Kung hindi-"

"Matagal na ma. Sobrang mahal ko kayo ni papa at alam mo yan." Ani ko. I saw my mother's eyes glittered because of the tears. Lumapit ako sakaniya at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Ma, don't cry. Sige ka, kapag nakita ka ni papa na umiiyak, pareho tayong lagot." Biro ko sakaniya.

"Mahal na mahal kita, Effy. Nagpapasalamat akong naging anak kita."

Asus si mama talaga! Masyadong sweet ngayon. Kaya mahal na mahal ko to e.

Pagkatapos nang eksena naming mag-ina, saktong dumating si papa sa salas. Nagtaka ako ng makitang balisang-balisa siya at mukhang nagmamadali.

"What's wrong papa?" Agad kong tanong bago tumayo at lumapit sakaniya.

"I-I have to go. May emergency na nangyari. Don't worry, I-I'll be back for you anak, Eleanor." Madali niyang hinalikan sa pisngi si mama pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya.

"I'll be back." Hinalikan niya rin ang pisngi ko pagkatapos ay dagling lumabas ng bahay.

That was fast. Maikling oras ko lamang nakasama ang aking ama. Pero nagpapasalamat parin ako dahil pinagtagpo muli kami. Kokonti lamang ang mga batang nabibigyan ng opurtunidad na makasama ang kanilang mga magulang kaya dapat ay magpasalamat.

I sighed and just hug my mother. "Everything is going to be okay ma. Don't worry." We're both smiling while staring at the door where my father left a while ago.

"O siya, kwentuhan mo ako sa nangyari sa Iligan. Ibinigay mo na ba?"

"Ma!"

_____

Muli akong tumingin saaking IPhone at muli ring nadismaya nang wala paring text ang nanggagaling kay George. It's been 2 weeks at wala paring paramdam si George sa akin o sa banda.

Hindi ko rin siya makita sa school o kaya sa mga gig ng TALKHOUSE. Pansamantalang iniba ang drummer ng TALKHOUSE dahil nagbabakasyon raw si George pero sa totoo, pare-pareho silang walang alam kung ano ang nangyayari kay George. I'm starting to get worried. Ako nga na girlfriend niya, hindi niya matext ng kahit ano. Ilang beses ko na siyang tinawagan at tinext pero walang reply. What's happening to George? Kinakabahan ako.

Gusto ko siyang puntahan sa bahay pero natatakot ako. Baka makasalubong ko ang mga magulang niya. Hindi pa ako handang makita sila kaya nagtitiis na lamang akong itext siya at maghintay na sana magreply ito pabalik.

"Effy, bitawan mo naman ang phone mo. Kanina ka pa, hindi tayo makapagsimula ng thesis nito eh." Inis na saad ni Cristela. Sumang-ayon rin ang iba pa naming groupmates. Nahihiyang ibinaba ko ang aking phone.

"Sorry." Ani ko.

Nawawala talaga ako sa aking sarili kapag hindi ko kasama si George. I hate this feeling.

6 PM na at hindi parin kami natigil sa paggawa ng thesis hanggang sa may umawat na sa aming librarian.

"So paano, bukas agahan niyo ang pagpasok para mapagpatuloy natin ang thesis ng maaga ha. Sige mauna na kami ni Leandro." Ani Cristela at hawak-kamay silang umuwi ng boyfriend niya. Binalingan ko naman ang iba ko pang groupmates.

"Mauna na ako sainyo." Saad ko.

"O sige. Bye, Effy!" Sunod-sunod silang nagpaalam saakin pagkatapos ay nagkaniya-kaniya na kami ng uwi.

Malamig ang simoy ng hangin kaya't di ko maiwasang maalala si George. I want to see him. I want to hug him. I want to kiss him. Damn!

This day is so sad like this past few days. Nakakalungkot kapag hindi ko kasama si George. Parang wala akong buhay. Hindi ko rin makausap si Trisha pati na ang banda. Ugh, I'm no good without him.

"O anak, nariyan ka na pala. Kumain ka na?" Tumango lamang ako sa aking ina at walang sabi-sabing pumasok ng aking kuwarto.

Natapos nanaman ang araw na hindi ko nakita si George. Tamad kong kinuha ang aking phone at nakitang maraming text galing kay Matt at Trisha pero hindi ko iyon pinansin.

I texted George again.

Ako:

How are you George? We already started making our thesis. Ang tagal mo nang di nagpaparamdam saakin! nagtatampo na ako. I miss you so much. Txt me back, pls.

Huminga ako ng malalim at itinulog na lamang ang lungkot na aking nararamdaman.

_____

Napabalikwas ako ng gising nang malakas na tumunog ang aking phone. What the hell?

Pikit-matang hinanap ko ang aking phone at tinignan kung anong oras na. Oh god 1 AM? Sinong matinong tao ang gising pa sa ganitong oras?

Pero nahigit ko ang aking hininga at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita kung sino ang nagtext. Oh my god, It's him!

Dagli akong napaupo at mabilis na tinignan ang text niya at halos mapaiyak ako nang mabasa iyon.

George:

Can I call you? I miss the sound of your voice.

At wala pang ilang segundo ng mabasa ko yun ay tumatawag na siya.

A/N:

Hi! Long time no update, everyone! I am very sorry for that and it's the school's fault. Lol. Hope y'all like this.

Thank's for the 7K reads! I'm touched. And sorry for the corny update

She's into Drummers Where stories live. Discover now