Fifteenth

594 17 2
                                    

"Kinakabahan ako." Saad ko kay Trisha.

I'm wearing a black gown with a long slit, ito ang binili namin ni Trisha nung nakaraang araw. And Trisha's wearing a white cocktail dress, kasama sa binili namin noon.

"Just breathe in and breathe out." Ani Trisha sabay hagod sa likod ko. Napahigpit ang hawak ko sa black purse ko at sinunod ang utos niya. I don't know why but my heart are beating faster. Siguro dahil makikita ko muli si George? Dahil noong mga nakaraang araw hindi ko na siya nakikita sa school. Hindi rin ako makasama sa gig nila dahil sinabi ni mama.

"I'm okay now. Let's go?" Huminga ako ng malalim.

"Wait a minute." Ani Trisha. May inilabas siyang lipstick sa kaniyang dala-dalang purse at agad humarap saakin. Nagtaka ako ng hinawakan niya ang mukha ko.

"What--"

"Shut up." Saway ni Trisha. Ibinuka niya ang bibig ko pagkatapos ay nilagyan ng red lipstick ang labi ko.

"There, So gorgeous." Puri niya saakin. I smiled and mouthed thank you before hugging her. "Your welcome, girl. Let's go?"

"Let's go!" Sigaw ko. Tumatawang pumasok kami sa loob ng Diamond Hotel kung saan gaganapin ang Grande Ball.

Pagkapasok namin sa loob, marami agad akong nakilala na mga estudyante. Nakita ko rin ang mga kaklase ko. Nakipag-kamustahan lamang ako saglit bago kami umalis ni Trisha. Pumunta na kami kung saan ang exact venue, mayroon pang red carpet roon na ikinatuwa ko.

"Para tayong queen." Bulong ko sakaniya. Tumawa si Trisha sa sinabi ko pagkatapos ay sumangayon.

"Maam, dikit lang po kayo ng konti pagkatapos po ay maghawak kamay po kayo." Ani ng photographer saamin. Napakunot ang noo ko sa sinabi ng photographer.

"What? Manong hindi kami magsyota." Saad ko sa photographer. Nanlaki ang mga mata ng photographer sa narinig.

"Alam ko ho. Hindi po ba naghoholding hands ang magbestfriend?" Napakamot pa sa ulo si manong photographer habang itinatanong iyon.

"Effy, Sundin na lang natin si kuya para matapos na ito." Iritang saad ni Trisha. Napabuntong-hininga na lamang ako at sumangayon sakaniya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayan. Pagbilang ko po ng tatlo, ngumiti po kayo ng malaki ha." Ani Photographer. Itinaas ko ang kamay naming dalawa at ngumiti ng malaki sa harap ng camera. There! Mas okay na ang ganitong pose na parang nanalo kami, kaysa sa nakaholding hands na parang magsyota naman kami. Yuck!

Nagulat ang photographer ng itinaas ko ang kamay naming dalawa. Akmang magrereklamo siya ng makita niya ang kinalabasan ng litrato namin. Halatang nagustuhan niya ang kuha kaya pinapasok na niya kami sa loob ng venue.

"Baliw ka talaga, Effy." Ngiting saad ni Trisha saakin.

"Hindi ako papayag na magmumukha tayong magsyota sa litrato no'! Hindi tayo talo!" Sabi ko. Humalakhak siya sa sinabi ko.

"By the way, anong number ng table mo?" Tanong niya. Kinuha ko ang card sa purse ko at tinignan kung anong table ako uupo.

"13." Ani ko. Tumalon sa tuwa si Trisha at agad ipinakita ang kaniyang card. Natuwa rin ako ng makita kong parehas kami ng table. Dagli kaming pumunta sa table at tinignan kung sino ang mga kasama.

There are five boys and three girls in our table. At mayroong dalawang upuan na bakante, so meaning saamin ang dalawang upuan na natitira.

"Ay, girl! Kasama natin si Alexis sa table! My gosh, maganda ba ako? Maganda ba?" Mabilis na sabi nito saakin. I laughed at her uneasiness.

She's into Drummers Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin